"Hey, ays ka lang ba? Akala ko ba okay na tayo?"
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya, damn! mawawala ka na ba sakin? di ko siguro kakayanin. ayako pa, wag muna please.
"Oo nga okay lang ako, okay na nga tayo. tara na?" aya sakin ni Elliot at nauna nang lumakad papunta sa motor niya na nakapark sa tapat ng restaurant na kinain namin.
"lika na dito" sinuot niya sakin ang helmet at sinuot niya na rin ang sakanya. di ko gets bakit parang ang cold akala ko ba okay na kami?
yumakap ako sa bewang niya, at nagdrive na kami pabalik ng condo ko, I didn't want to be alone. gusto ko siya ayain na dun na matulog kasi kinabukasan naman maaga niya rin akong susunduin kasi may pupuntahan kaming event sa Cavite. actually I wanted that to happen, late na talaga ko nagaya para talaga wala na siyang kawala at dun na sa condo matulog. i didn't want to be alone any more kahit na lagi naman bumibisita si Ate Aika at Jillian nalulungkot pa din ako kasi i know deep in my heart gusto ko na din si Elliot. di ko alam, baka masaya lang ako kasi nandyan siya lagi? ewan pero basta ang gusto ko ngayon makasama na muna siya.
bumalik lang ako sa ulirat nung nasa parking lot na kami ng condo ko. nag park na siya at bumaba na ko sa motor, nung magpapaalam na siya bigla ko siyang tinitigan.
"Akyat ka muna? Samahan mo na muna ko nalulungkot pa kasi ako, kahit hanggang makatulog lang ako"
"Ngek, maaga pa tayo aalis mamaya baka naman di na ko makauwi nyan"
"May damit ka din naman sa taas, tsaka ikaw pa walang dalang extra na damit pag aalis tayo ha? duh? Eli asan ka? parang nawawala ka"
Pabiro pa nga akong tumawa. siya pa ba? siya pa ba ang makakalimot mag dala ng extra na damit eh sa tuwing may mga biglaan kaming lakad may naka ready agad siyang extrang damit kasi alam niyang inaaya ko siya laging mag stay muna bago ako makatulog para may makasama muna ako. dati kasi biglaan ko siyang inaya tapos nakatulog na din siya sa tabi ko kaya sabi niya sa susunod daw na magaaya ako ng alis mag dadala na siya ng extra na damit kahit pa hindi sure kung aayain ko siya kasi mahirap nga naman daw na di makapag buhos bago matulog at walang ligo bago umuwi, maarte kasi yon sa katawan. ewan ko ba dito kay Eli, weirdo.
"Sige na nga, makaka hindi ba ko sayo ha Janine Patricia " sabay kurot sa pisnge ko.
"Alam mo Eli ang panget mo talaga! masakit kaya!" hinawakan ko ang pisnge ko at hinampas siya sa braso. "Bwct ka talaga Elliot Cuevo!!! pag ikaw nahabol ko sasapakin pa kita"
"Kung mahahabol mo ko, bye Tricia"
Pumasok na nga siya sa elevator kaya naman tumakbo na ko, buti na lang at naabutan ko siya, ewan ko ba dito ang tanda na hilig pa magpahabol parang gago eh, ang mature ha.
Nang makapasok ako sa elevator sinuntok ko siya sa may braso, medyo malaki ang braso niya nag wowork-out ata kasi siya? di tayo sure. malay ko ba dito basta alam ko tuwing weekend nag jojogging siya ewan ko kung nag we-weights siya pero mukha nga.
Niyakap niya naman ako agad para tumigil na ko at ngayo'y nasa likod ko na nga siya para talaga kaming magjowa ayaw pa kasi umamin sakin, siya lang naman din inaantay ko. arte talaga neto.
"Tricia" bumulong siya sa tenga ko. kinilabutan naman ako at nagtaasan ang balahibo sa batok ko.
"Ano nanaman Eli!" Humarap ako sakanya at kunyareng nag galit galitan. ang awkward kasi naiinis ako. ayako ng ganitong feeling. parang may gusto siyang sabihin sakin pero di niya masabi. Ano kaya yon?
"Wala, wala. taray mo naman. attitude ka?" at kinurot nanaman niya ang pisnge ko. hilig manakit, nakakainis. buti na lang nga at nagbukas na ang pito ng elevator at nagtungo na nga kami sa loob ng condo ko.
Sinalubong kami ni Rocco, Pug na aso ko, regalo ko sa sarili ko nung birthday ko. siya ang kasama ko lagi dito pero nalulungkot pa din ako, ewan ko ba. nakakainis noh, parang ang unfair lagi ng mundo para sakin.
Kinuha naman agad ni Eli si Rocco, parang siya yung amo eh. tuwang tuwa kasi si Rocco kay Eli. lagi silang magkalaro. Magkatabi pa nga yan matulog kung minsan, ewan ko ba dyan sa dalawang yan kala mo mag-tatay eh, di mo mapag hiwalay minsan.
Dumiretso na nga ko sa bathroom ko, nagbuhos at nagpalit na ng pantulog. maya-maya pa ay nakita ko nang sumunod si Eli at nag buhos na din. komportableng komportable na siya dito dahil nga madalas din siya makapunta dito. Lagi kasi ako nagi-invite ng mga kaibigan dito sa condo ko, Bored na bored siguro kasi ako kaya ganon. nakakalungkot din naman kasi na magisa lang ako dito, technically hindi ako magisa kasi kasama ko si Rocco pero aside sakanya wala naman akong taong kasama kaya ganon.
Binuksan ko na ang aircon at nahiga na sa kama, nag check muna ko ng mga Social Media Accounts ko at nakita kong andaming messages sa group chat namin.
"Eli! nagbasa ka ba ng gc?" pasigaw kong tanong sakanya dahil nga nasa bathroom pa siya.
"Oo, nagkukulitan lang naman sila tsaka pinaalala lang yung lakad natin bukas" Palabas na siya nang bathroom, naka boxers lang siya at nagpupunas pa nga ng buhok.
"Boxers lang suot mo tas mamaya magrereklamo ka malamig, gunggong ka ba talaga Eli?" binato ko siya ng unan pero nasalo niya at binato uli sakin. "Pag ikaw nilamig bahala ka dyan ha. Kulet ka talaga"
"Pano pa kong lalamigin apaka kapal ng Kumot mo, lika na nga dito nang makatulog na tayo, anong oras na oh. ilang oras na lang tulog natin tas rereklamo ka nanaman mamaya nyan na inaantok ka" humiga na siya sa left side ng kama at umurong na nga ako sa tabi niya. alam na alam niya talaga gagawin niya. gusto ko kasi laging naka dantay ang ulo ko sa braso niya tapos hinahaplos ang buhok ko.
"Tricia, tulog ka na nandito lang ako tsaka si Rocco. wag ka na malungkot, pambihira ka eh minamaster mo ata pagiging malungkot. pano na yung sabi ko sayong Control?" hinampas niya ng marahan ang noo ko. "Wag mo idodown sarili mo, alam mo namang hindi totoo yang mga naiisip mo eh."
"Ewan ko ba Eli, naguguluhan kasi ako. Nagkakamabutihan na kami ulit ni Tyler, pero hindi ako sure kasi baka mamaya lokihin niya nanaman ako" Naiiyak kong sabi sakanya
"Oh ayan iiyak nanaman, tigil mo yan andito naman ako, wag ka na umiyak. Alam mo naman sa sarili mo kung anong kailangan mong gawin Tricia. pinapahirapan mo lang din sarili mo" pinunasan niya ang luha ko at maya maya pa'y nakatulog na nga ako na yakap yakap niya.
"Tricia, alam ko namang mas sasaya ka kay Tyler" yan ang huling narinig ko sakanya bago pa man ako nakatulog ng mahimbing.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nanginginig sa tabi ko. at alam ko kung sino yun. si Eli!
"Hoy Eli! Nanginginig ka nanaman dyan, hinaan mo na yung aircon para di ka na lamigin" Pinatay niya nga at bumalik na sa higaan. napansin kong di siya yumakap sakin kaya lumapit ako sakanya
Humarap ako sakanya at niyakap siya. "Eli, nilalamig ka pa?"
Tumango siya at humarap din sakin. "Medyo pero yakap mo naman na ko kaya nabawasan na" nakita ko siyang ngumiti ng bahagya at nilapit ang mukha sa akin.
Hinalikan ko siya nang mariin, di ko alam kung baket pero buti nalang at humalik rin siya pabalik. Nararamdaman kong naka ngiti siya, pero ang gulo. di ko alam mararamdaman ko. biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Tulog na Tricia" sambit niya sakin habang hinahabol ang hininga. "Pag gising mo bukas nandito pa rin ako"
BINABASA MO ANG
Angel in another Lifetime
General Fiction"i love you Tricia, pero you're my angel not in this lifetime but maybe, in another" he drove away and left Tricia This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagina...