1

4 0 0
                                    





"Girls, pwede ba for the last time samahan nyo naman ako uminom ngayon." Aya ko sa mga kaibigan ko sa group chat namin.



Nahuli ko ang ex ko na may kausap na iba sa chat habang magkasama kami sa anniversary namin. Ang gago lang.


Hindi lang ito ang unang beses na ginawa nya sa akin. And this time ayoko na. Ako na mismo ang nakipaghiwalay. Sobrang sakit na.


Sobrang sakit lang dahil ilang beses ko na sya binigyan ng chance pero lagi nya ginagawa. Totoo talaga ang once a cheater, always a cheater.


"Sige samahan ka namin sa dating place ba?" Tanong ni Nami isa sa mga kaibigan ko.


"Oo, sa dating place." Which is the Route 196. Dito ako o kami lagi napunta para makalimot o mag-enjoy. Sobrang nag eenjoy ako sa bar na ito kahit papano nawawala problema ko.



Maganda kasi ang ambiance nito at masaya ako makarinig ng mga bagong kanta o banda.


Naalala ko na mahilig kami ng ex ko dito at sya nagpakilala sa akin nitong bar na ito. Pero ngayon mukhang ako na lang mag-isa.


"Sige ako na bahala magsabi ng time kay jasmine at maffy. Mukhang nasa klase pa sila."


"Sige salamat, sorry be sa abala ah. Salamat nandyan kayo para sa akin."


"Wala yon ano ka ba, nandito lang kami for you. Wag mo na isipin yon. Mag enjoy tayo mamaya!"


"Sige. Salamat, see you later sunduin ko kaya 10 pm."


"Sige muah!" agad ko binaba ang tawag at naghanda para mamaya.






Pagkatapos ko sila sunduin agad na din kaming dumating dito sa bar at nakahanap kami ng magandang spot para sa live band.


"Isang case?" pag-upo ko pa lang agad ko na iyon inalok sa kanila.


"Woah? Seriously. Walwal ba tayo? Baka yung dalawa sa atin magz mahina uminom." Asar ni jasmine sa dalawa dahil mahina sila uminom.


"Ay grabe ka ah! Wala lang ako masyado tulog non kaya bagsak agad. Pero game na game ako ngayon! Wala pasok bukas haha!" Pagmamalaki ni nami, pero sya naman unang nalalasing samin.


"Mukhang mag se-celebrate ata tayo magz ah." Well tama si maffy celebration at magluluksa. Lol.


"Ayaw nyo sumagot so pwes yun ang bibilhin ko." Agad ko tinawag yung waiter at nag order ng isang case ng redhorse. At 5 klaseng pulutan. Hindi ko na kaya ito.


Habang busy ako sa pag kuha ng order kanina,napansin ko na kanina pa ako tinitignan ni maffy.


"Ano nangyari?" Sasagutin ko na dapat sya ng biglang dumating yung alak. Agad ako nagbukas ng dalawang bote at ininom ko agad iyon. Ayoko mag kwento ng sober dahil wala ako lakas ng loob mag kwento sa katangahan ko.


Iniba ko nalang ang topic dahil alam ko hindi pa ako lasing at hindi na nila ako pinilit. Hanggang sa tinamaan na ako.

"Balak mo na ba sabihin, medyo namumula ka na." Kilala ako ni maffy kapag lasing na. Alam ko inaantay lang nila ako magkwento at ako lang ang napaparami ng inom sa kanila.


"This time, ako na yung bumitaw, hindi ko na kaya girls. Sobrang sakit na. Ayoko na. Mahal ko sya pero di na ako masaya."


Sinasabi ko ito habang nakalugmok ang mukha ko sa lamesa at umiiyak.



Route 196Where stories live. Discover now