NASA kalagitnaan kami ng quiz nang biglang may kumatok sa pinto at iniluwa nun ang school dean namin. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Ms. Herschel sa harap, parang kanina lang inis na inis siya dahil may dumistorbo.
Pero anong ginagawa ng dean namin dito? Tuwing may occasions at events sa university ko lang siya nakikita. Napaka bigat ng athmosphere dahil sa presence niya.
We greeted him, with utmost respect. May pinag usapan sila ni Ms. Herschel at ilang minuto rin ay lumabas na ang dean namin.
"Ms.Lendero, you may go out.. Pack your things already.."
Gulat na gulat ako habang nakatingin sa kanya. Nagtataka naman ang mga kaklase ko at pati sila nagulat dahil bigla bigla nalang akong utosan ni Ms. Herschel na lumabas. May kinalaman ba 'to sa pag uusap nila ng dean kanina? Wala naman akong matandaang offense o kahit anong nilabag sa school na 'to. Nagdadalawang isip ako kung tatayo ako o hindi.
Pinagtaasan ako ni Ms. Herschel ng kilay kaya napakilos ako. Rinig ko naman ang bulong bulongan ng mga kaklase ko. What's with this? Maeexpel na ba ako sa University? Ano na lang sasabihin ko kay Ate?
Lumingon ako muli kay Ms. Herschel at tipid siyang ngumiti sa akin. Ang mga kaklase ko'y nakatingin sa akin at nagtatanong ang mga mukha. Hindi ko alam kung sasaya ako dahil makakatakas ako sa napakahirap na quiz ni Ms. Herschel o kakabahan dahil bigla na lang akong pinalabas ng classroom?
Sumalubong sa akin sa paglabas ang dean namin. Nag bow ako at binati siyang muli.
"Klare Voin Lendero.." Halos manigas ako dahil sa lamig at malalim niyang boses.
"Follow me to my office we have some important matters to discuss..." Sabi niya at nauna ng maglakad.
Pumasok kami sa isang room at nagulat ako nung may pinindot pindot na button si Dean sa gilid. Pagkatapos nun ay sumara ang pinto na mag isa. Narealize kong elevator pala 'tong sinasakyan namin ngayon na naka disguise as isang simpleng pinto. Hindi din ito madaling makita dahil madilim ang bahaging ito.
Seriously? May secret elevator pala sa school namin? Kung noon ko lang sana nalaman ang existence nito hindi na ako magpapakahirap na umakyat sa tumatagingting na 4th floor. Iyon din ang dahilan kung bakit na le-late ako minsan eh, tamad pa naman ako.
"We, the professors and staffs, can only access this elevator.." Nagulat ako dahil bigla nalang nagsalita si Dean sa tabi ko. Wait, did he just---
"No, I can read you because of your expression.."
Nahiya naman akong tumango tango, ofcourse I let out an addle expression para masagot niya ang tanong ko without wasting some saliva. Tumigil ang elevator at pagkabukas ay bumungad na sa amin ang office niya. So kapag sasakay sa elevator na yun sa office niya didiretso?
"Take a seat miss Lendero," He gestured the seat, kaya umupo naman ako.
"Do you have any idea kung bakit kita pinatawag dito?" He rested his back in his swiveling chair.
"I don't have any idea po, wala po akong nilabag na mga rules dito sa campus, at isang normal na estudyante lang po ako kaya nagtataka po ako kung bakit niyo po ako dinala dito.."
"Normal, huh? Interesting..." He played his pen end look straight right into my eyes.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa pen niya," Okay, I'll tell you. Miss Lendero, you're not coming back to this university anymore..."
"Po? Bakit? Hindi po maari, wala po akong nakikitang rason para ma expel sa university.. Please dean, hayaan niyo po akong ipagpatuloy pag aaral ko. Pangako, hinding hindi na ako mahuhuli sa klase. Hindi na din po ako matutulog sa library. Makikinig na po ako sa discussion.." Halos maiyak na ako tapos nakita kong bigla siyang tumawa ng mahina.
Sir, may sayad po ba kayo?
Gusto ko sanang itanong sa kanya, ngunit baka itutuloy niya ang pag paalis sa akin dito sa school. Kaya nanahimik na lang ako.
"Read this.."
He handed me a white sealed envelope. Sa top left side ay may emblem na fire. Sa baba nito ay emblem na air. Sa top right side naman ay water. Sa baba nito ay land. Sa pinakagitna ay ang earth emblem. Na curious tuloy ako kung anong nasa loob. Dahan dahan kong inalis ang seal, ayaw kong masira dahil maganda. Kinuha ko ang isang malaking papel at biglang may lumitaw na mga salita.
Preter Academy
(academy's logo)Good day! Klare Voin Lendero from W.U. we acknowledged
you as a legal transferee to Preter Academy due to your
excellence and peculiarity.
Mr. Rue Bueves
Transferee Chairman CommitteeIlang beses ko pang kinurap kurap ang nga mata ko dahil hindi ko maiproseso ang nabasa ko. Is this a joke? I'm a mediocre type of person. Wala akong matandaang nag excel sa kahit ano. I can excel if I want to but, I don't want to break some expectations during my downfall. And, what? Peculiarity? Walang kakaiba sa akin, I'm a normal mediocre human being who loves to sleep and keep on questioning everything, making things more complicated.
His smile sends shiver all over my body.
"Peculiar ho? Ako?" Naguguluhan kong tanong.
"You go, and seek for it with your own eyes.."