Chapter 2
"ANG BORIIIIING!"
Gusto ko na talagang isigaw 'to sa loob ng bahay namin kung hindi lang ako titignan ng masama ng ate ko at ipapa-assassinate ng kapitbahay namin na puyat at galing sa trabaho. Pero ang boring talaga!
WAGAS!
Kanina pa kong alas tres ng hapon nakatulala, walang magawa, NGANGA!
dahil isa po akong.. tantananan!
TAMBAY!
Excuse po. Hindi ako tamad, slight lang! Hindi lang ako nag-enroll this sem at kakatry ko lang mag-apply sa call center, pero.. FAIL!
Ayaw ni Puji ng malayo, huhuhu!
Sana pala di nalang Love life pinagpray ko kay Lord nung birthday ko last month.
LAPTOP nalang pala dapat, para may magawa naman ako. Oh Lord! Binaba-
"KAAAIII..."
Oh my gas! May natawag sa labas namin. Who's that pokemon?
~tok tok tok~
Wit! Hindi katok yan, message alert tone ko yun. At habang tinitignan ko kung may tumawag ba talaga sa labas namin, tinignan ko yung cp ko.
1 message received
G.Ate Jana
- labas ka
Napangiti ako.
Wow, may dalaw ako ng alas nuwebe ng gabi.
Goodbye boredom!
Buwahaha! At dahil excited ako muntikan pa kong madulas dahil naulan pala at di ko man lang naramdaman.
Hay Kassandra, talino mo talaga. Tsk tsk tsk.
Paglabas ko nakita ko si Ate Jana at Cash. Ano kayang kailangan ng mag-pinsang 'to sakin? Aliw? Ay wag po!
"Ahh, makapag-sleeveless naman", comment ni Ate Jana
"Liit ng braso ahh", nang-asar pa yung isa.
"Tae, binti yan", sabi ko.
"Siya, nice legs! Haha!"
"Uror! Oh, anong hanap niyo? Pag-ibig? Kapayapaan?"
"Teka! Sumilong muna tayo noh, hindi naulan eh", reklamo nung isa. Kaya sumilong kami sa may tindahan kasi may malaking payong dun.
Yung colorful. Ayun!
"Ano nga?", tanong ko ulit.
"Di ka pa naliligo noh?", tanong ni Ate Jana
"Uwo"
"Kaya pala"
"Che! Ano nga?"
"Wala, gusto mag-inom nito ni Cash"
"Oh? Anung tingin niyo sakin? Bote ng alak?"
"Hindi, drum ng alak"
"Ogag ka Cash! Che! Eh di iText niyo si Ran"
"Nasa Batangas daw siya eh"
"Oh Anong gagawin ko?"
"Magtumbling ka sabay split", kukutusan ko na talaga 'tong mag-pinsan na 'to eh. Ang kulit ng lahi.
"Ano nga?", tanong ko ulit.
"Eh naulan na eh, pauwi na rin ako", ay may gapak lang ate? Uuwi na pala eh.
"Uh, ano yun? Uwi pa eh, wag na!"
"Tae kanina pa ko wala sa bahay"
"Kasalanan ko?"