Part 1

2 1 0
                                    

@luci

Nakayuko si Shanne habang dinadama ang bawat pagpatak ng ulan.
Naluluha siya dahil hindi padin niya nakalimutan ang nangyari kanina. Hiniwalayan siya ng jowa niya at ang pinakamasakit ay ipinagpalit siya nito ng kapatid niya. Napakasakit ng ginawa nito, apat na taon na silang magkasintahan ngunit kay dali-dali lang nitong ipagpalit siya.

"Hi miss!"

Napatingala si Shanne ng marinig niya ang boses ng isang di kilalang lalaki.

"Ano po yun?" Tanong niya dito pero hindi niya alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso niya. Kaya hindi niya nalang ito pinansin at muling liningon ang lalaki.

"Lonely ka ngayon?" Tanong nito at napatango lamang siya

"Lonely din ako, bagay tayo!" parang kinikilig na sabi ng lalaki

"Bakla ka?"

"Hindi noh, anyways we have a week and an hour to free ourselves from loneliness, game?"

"Di nga kita kilala eh, bat ako sasama sayo?" Agad na tutol ni Shanne

"Hi Im Vince Austin and you're Shanne, so game?" Anito ngunit kabado parin si Shanne kung bakit gusto siya nitong isama at kung bakit alam nito ang pangalan niya.

Pero sa nararamdaman niya mukhang kailangan nga niya i distress ang sarili kaya pumayag na siya sa plano nito.

"Game!"

Ilang oras na at bumabyahe padin sila, hindi alam ni Shanne kung saan siya dadalhin ni Vince.

"Vince saan tayo pupunta?" Di na niya maiwasang magtanong

"Secret nga" anito

"Baka kung saan mo ako dalhin haha kakasuhan kita ng kidnap for ransom" sabi niya dito at napatawa naman si Vince

"Bat kidnap for ransom, willing kang sumama sa akin at wala naman akong hinihinging kapalit" ngising sabi ni Vince

"Edi waw"

Ilang oras ang lumipas nakarating na sila sa destinasyon

"Wahhhh, beach!" Tili ni Shanne habang tumakbo papapuntang dalampasigan

Nakasunod naman si Vince sakanya habang dala dala nito ang kanilang mga gamit.

"Shanne! Doon ka muna sa resthouse para makapagpahinga ka!" Tawag ni Vince sakanya ngunit hindi niya ito pinansin at dali-daling hinubad ang summer dress na suot revealing her two-piece black lacy swimsuit.

Napakagat labi si Vince habang nakatitig sa dalaga na naliligo na sa dagat

" hoy hindi ka pa maliligo? Ang sarap ng tubig"

"Mamaya na, punta kanalang sa resthouse ha kapag may kailangan ka, yung kwarto sa ikalawang palapag sa kanan nandoon lang ako!" Sigaw niya dito

"Okay!" Sigaw naman ng dalaga pabalik sakanya

Nag-eenjoy si Shanne sa pagliligo, umalis na siya sa mayamaya kaya pumunta na siya sa sinabing kwarto ni Vince. Pagbukas ng pinto nakita niya ito na natutulog.

Kumuha siya ng tuwalya sa closet at pumunta  ng cr para maligo. Pagkatapos nagbihis na siya at lumabas, nakita niyang tulog padin ito kaya bumaba siya para ipagluto ito ng pagkain. Nakatitiyak siya napagod ito da byahe.

Habang nagluluto siya nakarinig siya ng yabag mula sa hagdan. Nakita niya si Vince na kinukusot ang mata at humihikab na bumaba ng hagdan.

Inihain na niya ang mga luto niya at tinawag ito "Vince! Dinner is ready"

Nagmamadaling pumunta namn ito sa kusina at nagsandok ng kanin at kumain na.

"Gutom eh no?" Tanong niya dito at nag thumbs up nalang ito. Halatang gutom na gutom. Nagsimula na din siyang kumain.

"Shanne?"

"Yes?"

"Can I kiss you?" Tanong nito sakanya habang nakatingin sa mga labi niya. Napatigil siya at hinarap ang binata.

"At bakit naman aber?"

"Ang ganda ng mga labi mo" nakatingin ito sa mga mata niya habang papalapit na ang mga labi nito sa mga labi niya. Tila na hypnotismo siya sa mga titig nito at hindi niya namalayang magkalapat na ang mga labi nila.

Kusang gumalaw ang mga labi nila, para silang uhaw na uhaw na matikman ang isa't-isa. Ngunit natauhan si Shanne at mabilis na itinulak niya si Vince.

"Mali to Vince"mahinang sabi niya ngunit hinawakan ni Vince ang kanyang braso at hinalikan siya muli.

"Mali ba to?" Ani Vince sabay halik sa kanyan. Napasinghap namn siya ng maramdaman niya ang kamay nito sa batok niya at diniin ang kanyang mga labi sa labi nito.

"Tell me that you feel the same way , tell me!" Paos na sabi ni Vince kay Shanne na sinunod naman niya " Ilikeyouvince"

___________

Tatlong araw na ang lumipas ng muntik ng may nangyari sa kanila. Apat na araw lang silang magkakilala muntik ng may nangyari. Napangiti naman si Shanne sa naisip. Tinanaw niya si Vince na nagje-jetski, inamin ng binata na matagal na daw itong may gusto sakanya. Tinanong niya ito kung matagal na ba siya nitong kilala pero tanging iling lang ang matatanggap niya mula sa binata.

She admits na unti-unti naring nahuhulog ang loob niya dahil ang bait nito, maalaga, masipag, at higit sa lahat gwapo.

"Shanne! Kain na tayo" yaya ng binata sakanya, tumayo namn siya at sumunod nito patungong resthouse.

Pagpihit niya sa pintuan biglang may pumutok na confetti, Inilibot niya ang mga mata sa paligid at may nahagip ang kanyang mga mata. 'WILL YOU BE MY GIRLFRIEND ?'

Napatakip siya sa bibig niya at hinarap si Vince na nakaluhod na sa harapan niya.

Bounded TimeWhere stories live. Discover now