Michael Abellera pov's
Isang linggo palang ang nakaka lipas ng malibing sina mama at papa. Sobrang sakit para sakin ang mawala sila sapagkat hindi man lang nila naranasan ang paglamayan dahil nagka-lasug-lasog ang katawan nila nagkalat kung saan saan dahil sa pagsabog ng sinaksakyan nila.
Hindi pa man ako lubos nakaka move on sa pag kamatay nila ay may panibagong sakit nanaman akong nalaman kanina lang mula sa tiyahin kong hindi kami tinuring na pamilya, kapatid sya ni papa pero hindi ko alam kong matatawag ko pa syang tita dahil sa nalaman ko sa kanya.
Ayon sa kanya pumasok si mama bilang katulong nila papa pero inakit daw ni mama si papa kaya naging sila. para guminhawa ang buhay. Kaya pala Simula pagkabata ko samot saring pangungutya ang naririnig ko sa amin ni mama nariyan ang manggagamit, gold diger, pokpok, kabit at kung anu ano pa. Ngayon alam ko na kung bakit hindi ma ilipat lipat ni papa ang pangalan nya sakin dahil pala tutol din ang pamilya ni papa kay mama na ikasal sila. Ngayon malinaw na malinaw sakin ang lahat. Masakit pero ano pa magagawa ko?. Pero kahit ganun alam kong tinuring naman akong parang tunay na anak ng papa ko na step father ko lang pala at ramdam ko rin naman yon dahil napaka bait nya sakin. Kaya pala hindi ko sya kamuka. Bakit hindi ko napansin yon?
Akala ko ako na ang pinaka maswerteng anak dahil tanggap nya ako kahit babakla bakla ako. Hindi na mahalag yon,
Ang iniisip ko ngayon kung papaano na ako ngayon? Paano na ang pag aaral ko ngayon.
Pala isipan rin sakin yong babaeng humrang ng schoolarship ko. Nung isang araw bago mamatay sina mama. Ang laki ng galit nya kay mama at pati schoolarship ko pinaka ilaman nya? Lahat ba ng kasalanan ni mama kasali ako sa pag hihirap? Pinakulong ng dahil naging kabit? 16 years na ang naka lipas bat hanggang ngayon hindi pa sya naka move on. Malakas ang kutob kung may kinalaman sya sa pag kamatay nila mama.
Sa schoolarship nalang sana ang pag asa ko para maka pag aral sa college pero nawala pa.
Iniiyak ko nalang lahat ng sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ito ba ang sumpa sa aming mga bakla? Pinilit ko namang magpakabuti at nagawa ko naman bilang mabuting anak. Totoo ngang salot ako. Napayakap ako sa litrato ni mama kasabay ng pag agos ng luha sa muka nya. namimiss ko na ang mama ko ang yakap nya.
"don ka sa humingi ng tulong sa tunay mong ama, tutal mayaman ang kabit ng mama mong yon!" isa pa sa sinabi ni tita samantha. Hindi ko alam kung gusto ko syang kilalanin, hindi ko alam kung gusto ko syang makita, Kung oo man
Saan at paano?
"Ma! Bakit naman ganito?" sumbat ko sa hawak kong litrato ni mama habang tuloy parin sa pag luha. "alam ko na ang totoo parang kulang parin ma" tumulo nanaman ang mga luha ko. Masakit kasi sa iba ko pa nalaman. Marami akong gustong itanong gustong kong mang sumbatan kung bakit sya nag sinungaling sa pagkatao ko.
"Ma! Pano na ako?" tulayan na akong humagugol ng iyak. Dahil ang sakit sakit na. Hindi ko na rin kaya parang gusto ko naring mawala dito sa mundo unang dahilan wala na si mama pangalawa hindi ko pala tunay na ama ang tinatawag kong papa. Pano ako mabubuhay kong 16 years old lang ako. Gusto ko mang ipag patuloy ang kulohiyo ko pero paano?. Ganito nalang ang scinario ko umiyak araw araw at mag tatanong sa sarili ko paano na ako. Ilang oras din akong nakayakap sa larawan ni mama at kusang tumigil sa pag iyak.
Nak!! Nak!!
Napatingin ako sa pinto. Bagsak balikat akong tumayo at pinag buksan kung sino man nasa labas. Malamang si tiya Samantha nanaman yan. Pero iba ang bumungad sakin
"ikaw ba si michael?" tanong ng babae sakin may kasama syang lalaki pakiwari koy mag asawa sila. At tumango naman ako bilang sagot. "pinapunta ako rito ni Samantha para tignan tong bahay at lupa" sabi nya. Nag taka naman ako kung bakit.
BINABASA MO ANG
Beautiful Liar [BxB] - short story
Random"Love Is Like A Rosary Full of Mystery" From a handsome man to a beautiful transwoman..