Roxanne's POV
Habang nag-aayos ako ng gamit ay lumapit sa'kin si Railey,isa sa mga pinagkatiwalaan ko sa section na'to.
"Roxanne, pwede mo ba 'kong samahan?" naiilang na tanong nito.
"Saan naman?" balik tanong ko habang nag-aayos pa rin ng gamit.
"Sa mall sana. Bibili kasi ako ng damit para sa contest next week."sagot niya naman. Nginitian ko lang siya at tinapik sa balikat.
"Pasensya na pero hindi kita masasamahan. Bukod sa mabo-bored lang ako hindi rin ako maka-katulong sa pagpili ng damit dahil wala naman akong alam sa mga bagay na 'yan." napayuko naman siya sa sinabi ko.
"Mas maganda kung sa iba ka na lang mag-pasama o kaya naman online ka na lang bumili hindi ka pa mapapagod."
"Roxanne!" napalingon naman ako kay Krystal na nag-aabang kasama si Shane.
"Sige una na 'ko. Bye Railey!" pagpa-paalam ko kay Railey at tumakbo na papunta kila Krystal.
Paglapit ko sa kanila ay agad na kaming lumabas ng room. Nang makalayo naman na kami ay agad akong kinausap ni Shane.
"Kausap mo na naman 'yung ambisyosang 'yon."
"Sinabi ko na sa'yo,tigilan mo ang kakatawag sa kaniyang ambisyosa."
"Boss,kahit anong sabihin mo,sa mata ng buong section natin isa siyang ambisyosa. Alam mo bang simula ng madagdag sa'tin yan,'yung mga magkaka-galit don sa'tin kapag siya na ang pinag-uusapan,nagkaka-sundo sila" natatawang saad ni Shane.
"Tch. Masyado kasi kayo eh. Alam mo dahil diyan sa bunganga mo kaya ka laging napapa-away." sagot ko naman.
"Boss,tama si Yzhail." napalingon naman ako ng magsalita si Krystal.
"Krystal? Pati ba naman ikaw?" hindi maka-paniwalang saad ko sa kaniya.
"Boss,iba pakiramdam ko sa Railey na 'yan. Feeling ko nakita ko na 'yan dati eh. 'Tsaka 'wag ka agad mag-tiwala sa kaniya. Hindi mo alam,baka kina-kaibigan ka lang niya para makuha 'yang pwesto mo." seryosong saad ni Krystal.
"Mas maganda kung dumistansiya ka muna kay Railey. Hindi natin alam kung kakampi o kalaban siya" gatong pa ni Yzhail.
"Hay nako! Isipin niyo ang gusto niyong isipin pero hindi ko lalayuan si Railey. But still,thank you for telling me those things. I appreciate it." nakangiting saad ko sa kanila.
Matapos kong sabihin 'yon ay tinigilan na namin ang pag-uusap tungkol kay Railey at minsan ay nag-uusap silang dalawa tungkol sa susuotin nila next week.
Ilang minuto lang ay nasa labas na kami ng school at nag-paalam na sa isa't-isa at sumkay na rin sila sa mga sundo nila.
Pag-alis ng kotse nila Krystal at Shane ay may pumarada naman na itim na convertible car sa harap ko. Inalis naman niya ang shades na suot at nagulat ako ng makilala siya.
"Oh! Angelo!" masayang bati ko sa kaniya.
Nginitian niya naman ako at tinuro ang shotgun seat,"Hop in. Sabay na kita pauwi."
Agad naman akong sumakay sa kotse niya. Buti na lang at hindi ako nagdala ng sasakyan. Pinaharurot naman ni Angelo ang kotse niya at kasabay rin no'n ang pagkamusta niya sa'kin.
YOU ARE READING
Lettre D'amour
Teen FictionDo you have someone you like? Crush? Someone you love?? What's the craziest thing that you ever did to make her/him notice you? Have you ever tried sending him/her a letter?? Too cliche right? Well,that's how our female protagonist thought for him...