v

4 0 0
                                    

Mabilis lang naman kaming nakarating dahil nasa iisang subdivsion lang naman kami. Pagdating namin ay saktong kakain na kaya nagpasalamat nalang ako kay Shaun at dumiretso sa table nila Mommy pagkatapos ay pinuntahan si Ate Shane na katabi si Kuya. Mukhang napansin pa kami kanina ng iilang bisita na sabay bumaba ni Shaun sa sasakyan.

"Happy Birthday, Ate" inabot ko sakanya 'yung regalo ko. Niyakap naman niya ako at sinabi na ba't kaamoy ko raw si Shaun. Narinig 'yun ni Kuya kaya napatingin siya sa akin, biglang uminit 'yung mukha ko naalala kong suot ko pa pala 'yung jacket niya.

"Jacket niya 'yung naamoy mo Ate, pinahiram niya kasi sa akin kanina." katwiran ko,

Ngumiti lang siya sa akin ng nang-aasar at biglang pinitik sa noo si Kuya dahil masama ang tingin sa akin. Tinanggal ko na ang jacket at hinawakan nalang dahil ibabalik ko na sakanya 'to mamaya at baka makalimutan ko na naman tsaka sayang naman 'yung dress ko kung matatakpan lang ng jacket. Tumabi ako kay Mommy para kumain. Habang kumakain ay nakita kong nag-uusap si Shaun at 'yung akala kong girlfriend niya. Mukhang seryoso silang dalawa dahil nakakunot ang noo ni Shaun habang nagsasalita 'yung babae.

Kanina pa kami tapos kumain pero hindi pa nag-aaya na umuwi si Mommy dahil kausap niya pa si Tita Sally kaya nandito ako ngayon sa table nila Kuya kasama si Ate Shane, wala si Shaun dahil hinatid niya ata 'yung akala kong girlfriend niya raw.

"Cami, uwi na tayo, nag-aaya na si Mommy" sabi ni Kuya sa akin sabay tayo niya. Tumayo na rin ako at si Ate Shane. Humikab ako at sumunod sa kanila nang makita ko si Shaun na naglalakad galing sa garahe tumingin siya sa akin pero bumaba rin ang tingin sa jacket niyang hanggang ngayon ay hawak ko parin. Bigla ko itong naalala kaya dumiretso muna ako sakanya para ibigay.

"Uuwi na kami, thank you ulit" sabi ko tapos inabot ang jacket sakanya. Kinuha niya ito tsaka tumango.

"Ingat kayo" sabi niya, ngumiti nalang ako at pumunta na kila Mommy na nagpapaalam na rin kila Tita at Tito. Pagdating namin sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo tapos nagpalit. Pagkahiga ko sa kama ay tumunog ang phone ko titiigan ko ang isang unregistered number.

Goodnight, Camila.

Kinabukasan ay alas singko ako ng umaga nagising para mag jogging, dahil mamayang 9 pa naman ang klase ko. Pagbalik ko sa bahay nakita ko si Kuya na kumakain at nakabihis na, "Breakfast" alok niya, umupo lang ako sa tabi niya at uminom ng tubig.

"Si Mommy?" tanong ko kay Kuya.

"Umalis na, wala ka bang klase?" tumayo na siya at nilagay sa sink ang plato niya.

"Wala, Kuya" sagot ko. Gusto kong tanungin kung totoo bang walang girlfriend si Shaun pero baka baka isipin niya interesado ako kay Shaun, interesado naman talaga ako. Napansin ni Kuya ang tingin ko sakanya habang uminom siya ng tubig.

"Ano, Cami? May kailangan ka?" tanong niya. Shet bahala na!

"Uhm.. May girlfriend ba si Shaun, kuya?" tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Sabi ko na nga. Iba mag-isip 'tong si Kuya eh!

"Bakit mo tinatanong? Gusto mo ba siya?" tanong niya, naramdaman kong uminit 'yung pisngi ko. Tumayo ako at kumuha ng plato tsaka umupo ulit para kumain.

"You're too obvious" dagdag pa niya. Anong obvious? Mukha ba talagang gusto ko siya? ni hindi ko nga magawang magpapansin kay Shaun dahil isa pa sabi nga nila may girlfriend daw siya kaya pinipigilan kong mapalapit sakanya.

"I don't like him" sagot ko kay Kuya tapos inirapan siya, ngumisi lang siya at mukhang hindi kumbinsido.

"Wala siyang girlfriend, oh pigilan mo 'yang ngiti mo" sabi niya sa akin, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil hindi naman ako nakangiti. Mamaya nalang pag alis niya, char. Hindi ko nga mapigilan ngumiti nung umalis na si Kuya. Ganon mo ba siya kagusto, Cami?!

Muntikan na ako malate dahil sa traffic buti nalang wala pa 'yung prof namin pagdating ko.

Hindi na ako nakapag lunch dahil tuloy tuloy 'yung klase namin kanina kaya pagkatapos ng klase kaninang alas tres ay nagpasundo na ako kay Manong Ed at nag pa drive thru nalang.

"Manong, ano pong sa'yo?" tanong ko kay Manong.

"Kahit ano nalang ma'am." nag order nalang ako ng dalawang burger at nuggets. Kanina pa ako gutom kaya kumain nalang ako sa daan habang pauwi.

Pagpasok ko palang sa bahay ay narinig ko na ang malakas na tawa ni Kuya naabutan ko siyang naglalaro ng Tekken 7 sa Playstation sa sala kasama si Shaun. Hindi naman na bago sa akin 'to dahil noong Junior High nga sila ay madalas silang maglaro after ng klase kasama ang ibang mga kaibigan pero ngayon ko lang ulit nakita silang naglaro. Madalas din kami maglaro at magpustahan ni Kuya ang matatalo maglilinis siya ang maglilinis ng bahay kapag weekend. Tuwing weekend kasi ay kami ang inuutusan ni Mommy na maglinis ng bahay dahil nga pahinga rin ni Manang tuwing linggo tsaka para rin daw matuto kami at hindi lang daw palamunin. Tsaka ayaw din kumuha ni Mommy ng maraming katulong dahil baka raw umasa nalang kami sakanila at wala kaming matutunan na kahit anong trabaho sa bahay kapag nag-asawa na kami.

"Loser" sabi ni Shaun kay Kuya sabay tawa. Hindi ata nila ako napansin kaya dumiretso nalang ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Dude, saglit lang! 'wag kang madaya diyan." rinig kong reklamo ni Kuya habang paalis ako sa kusina at aakyat na sana para magbihis pero tinawag ako ni Kuya.

"Luna! sub saglit!" biglang sabi ni Kuya habang hirap na nakaipit ang phone sa kabilang tenga. Tumayo siya at inabot sa akin ang game console tsaka umalis.

"Sorry, babe. You were saying?" sabi ni Kuya habang paalis tss, It's babe time. Sumulyap ako kay Shaun na ngayon ay diretso ang tingin at mukhang namimili ng player. Naupo ako sa may dulo ng sofa.

"You wanna play?" tanong niya habang busy parin mamili. Tumingin ako sakanya, ang seryoso niya habang namimili ba't ba ang pogi mo? Parang biglang gusto ko nalang magpatalo sakanya. Nahuli niya akong nakatingin sakanya kaya bigla kong inalis ang tingin. Nakita ko ang napili niyang player ay si Rangchu, the Panda with the pink hat and sunflower bag. What? He's one of the weakest player. Samantalang nung kalaro niya si Kuya ay nakita ko na si Devil Jin ang player niya. Namili nalang din ako ng player ko, napili ko si Nina Williams.

"You ready?" Nakatingin niyang tanong sa akin tumango ako naman ako.

Sa una ay hindi gumagalaw para umatake 'yung player niya kaya lumapit ako para umatake. I did the kickback spin and some stunts tsaka kumuha ng baril pero mabilis siyang lumapit para umatake at ilang segundo lang ay knock out na ako. Siguro kung nanonood lang si Kuya ngayon ay kanina niya pa ako tinawanan.

"Another round" sabi ko sakanya at inis na pinindot ang start narinig ko siyang tumawa.

Sa pangalawang round ay nilabas ko agad 'yung baril at binaril 'yung player niya napaatras naman ito kaya mabilis ako tumakbo para umatake kaya ngayong round ay knock out siya. Tumingin ako sakanya at ngumisi.

"You should change your player" komento ko sakanya sabay tawa.

"Last round" sabi niya at mabilis na pinindot ang start. Sa una ay ganon parin hindi siya umaatake pero bago pa ako makalapit ay mabilis na siyang lumapit para umatake, kaya naman napaatras ang player ko sa ginawa niyang suntok, hindi pa nakakatayo 'yung akin ay lumapit na siya para umatake ulit.

"Drive me home if I win this round." sabi niya,

"Oh, you wish." Duh? magpapatalo ba ako. Sinipa ko ang player niya at mabilis na tumayo, kinuha ko 'yung baril at binaril siya pero bago ko pa siya mabaril ay mabilis niyang kinuha ang isang kamay ng player ko at binalibag, damn. Pagkatapos lang ng ilang suntok niya ay knock out na ako.

"Ohh, talo." sabi niya kaya naman hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya na nakangiti ngayon. Parang naririnig ko na sa isip ko ang tawa ni Kuya dahil nalaman niyang natalo ni Rangchu si Nina.

Let's go, driver." tumatawa pa niyang sabi sabay tayo. Pinatay ko ang playstation at tumayo na rin. Ba't hindi ko alam na may bet pala? E'di sana ginalingan ko una palang. Ayokong natatalo eh!

"Magpapalit lang ako" sabi ko sakanya sabay irap at umakyat papuntang kwarto dahil naka-uniform pa pala ako, narinig ko pa ang tawa ni Shaun habang paakyat ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon