HERSTORY
5...4...3...2...1.RiiiiingRiiiiingSa wakas natapos narin ang last subject ko this morning,so it means lunch break na. Yan lang
naman talaga ang hinihintay ko e,kasi yan lang ang oras na makakapagpahinga ako sa klase at sa
mga kaklase kung sham (you don't know that word? Search niyo nalang sa dictionary-_-)Aside from that,lunch break lang talaga ako may oras na makapunta sa comfortzone ko which is the
rooftop, gusto ko dun dahil walang ibang tao na pumupunta don kasi nakalock yun pero lucky for
me I know how to pick locks ฅ(๑▽๑)ฅ!!
Pa ninja akong pumunta sa rooftop para walang makakita sakin,bawal kasi mag tambay dahil sa
nangyari nuon na may studyanteng nagsuicide.Hindi naman ako magpapakamatay kaya noworries,
kahit napakaboring na nang buhay ko pero hindi talaga ako magtatangkang patayin ang sarili ko
kasi alam kong mas boring pa sa empyerno.Pagdating ko sa rooftop,hinayhinay kung sinira yung pinto at pumunta na don sa favorite spot ko,
safehaven ang tawag ko dito, sa anim na taon ko dito sa school mataas-taas yung time kung
pagandahin ang rooftoop.Sa may bandang likod nang pintuan yung safehaven ko para hindi sya
kita pag may sisilip man, nilagyan ko ang buong space sa likod nang triexta style carpet at sa gilid
naman yung L shaped sofa tapos may maliit na table sa gitna then my drawer sa bandang gilid para
sa mga damit ko kasi sometimes dito na ako natutulog tapos of course my small T.V at lalagyan nang
mga books ko,meron ding cooler sa gilid nang sofa para narin sa mga drinks. Safety naman dito kasi
may ceiling sa banda nito kaya kung uulan man dirin ito mababasa tapos nilagyan ko narin yun nang
maliit na daluyan nang tubig kung sakaling malakas ang ulan.
Now you get me bakit safehaven ang tawag ko dito,aside sa presko ang hangin dito may magandang
view ito.Ang NJB ornNorth Junior Building ang pinakamataas na building sa buong campus kaya kita
mo talaga dito ang kabuuan nang school.Habang nasa gitna pa ako nang pagmunimuni bigla nalang akong may napansin na gumalaw sa
likod ng drawer ko,medyo may space kasi sa likod don. Hinay-hinay ko itong nilapitan namay kaba,
medyo malaki-laki talaga yung nasagip nang mata ko kanina kaya imposible kung daga ito pero
imposible naman kung tao dahil nilock ko naman yung pinto at lock naman yun nang pagpasok ko.Matimtiman na talaga akong nagdasal na sana hindi ito daga dahil baka mamamatay talaga ako sa
takot.
Nang medyo malapit-lapit na ako ay may nakita akong buhok(´⊙ω⊙'),medyo nilapitan ko pa ito
para matignan nang maigi nang bigla itong tumayo at humarap bigla sa akin!
"Waaaaaaaaaaah!!(°°٥)napasigaw talaga ako at bigla nalang akong na out of balance kasi napa atras
ako at don ako natumba sa may sofa.
Tinignan ko ulit yung sa may bandang drawer at don ko nakita ang tumatawang babae na pang
baliw talaga ang tawa habang turo-turo pa talaga ako at hawak ang kaniyang tiyan. Mamatay ka
sana sa tawa jan!"Who are you miss? How did you get here?" english ko pang tanong.Hindi kasi ako sanay magtagalog, chars.
"HAHAHAHA napakalaptrip talaga nang mukha mo(≧∇≦)" tawa pa nito na parang baliw talaga.
"You didn't yet answer my questions miss. Who are yo--" napahinto ang pagsasalita ko nang bigla
siyang lumapit at inilahad ang kamay niya."Hi! I'm Astrid Gomez, 18 years old.Hindi ko na sasabihin ang address ko baka serial killer ka hahahaha.Naka pasok ako dito kagaya nang ginawa mo, hindi lang ikaw ang marunong magpick nanglocks hehehe". Natulala ako bigla,hindi dahil marunong din siyang mag pick ng locks pero
kundi dahil sa boses niya. Ibang-iba ito sa pagtawa niya kanina na pang baliw, biglang nagbago ang
aura niya dahil sa boses niya, ang lumanay nito, maganda sa tenga."Hoooooy!!Napatulala ka jan? Crush mona ako nu? Hahahaha."
Bigla akong natauhan sa sinabi niya.
"tss, youwish!" singhal ko sa kanya.
"Didn't you know that you are trespassing? I got here first so this is my place. Leave if you don't
want me to sue you" pananakot ko sa kanya. "Alam mo mas natatakot pa ako sa pa english2 mo diyan kesa sa idemanda mo ako, masakit sa tenga
ang boses mo.Tsaka hindi lang naman ako ang madedemanda e kasi dalawa tayo hahaha." sagot niya."I own this school kaya akin to,pwede kitang mapatalsik dito kung kelan ko gusto!" banta ko sa kanya. Pero joke lang, hindi ko naman talaga gagawain yun.
"chee ang sungit mong nerd ka,sayang parang may mukha kapa naman hmmmp.
Cge na alis na ako baka umiyak kapa dyan hahahhaa.
Ciao" sabi niya sabay alis.
Hindi ako makapagsalita,hindi dahil wala akong ma eresbak pero dahil ang ganda niyang tignan.
Sinampal ko ang sarili,para matauhan.
At bigla nalang akong natakot,sh*t baka yun yung multo.⊙.⊙
YOU ARE READING
Her Story
RandomNormal lang naman ang gusto ni josh, makapagtapos ito sa kanyang pag-aaral at magkaroon nang trabaho na bubuhay sa kanya para maka alis siya resposibilidad na hindi niya gusto. But then something happened. He met Her.