***
Chapter Four
Public
Sandaling lumipas ang isang araw pagkatapos ng gabing iyon. At sa loob ng mga araw na iyon, I felt depressed and sad. I couldn't go to school that day after because of what happened.
Nagmukmok lang ako sa condo ko at umiyak nang umiyak. Tinatawagan ako ni Alendro pero hindi ko kayang masagot dahil sa pag-iyak ko. Hindi ko rin naman maaaring sagutin iyon dahil alam ko na kung anong sasabihin niya at kung ganoon nga ay baka hindi ko makayanang pigilan ang sarili ko.
Noong gabi rin kasing iyon, napag-usapan na namin ni Nueves kung ano na dapat ang sunod naming mga gagawin.
"We should start our plan already now that it's comes to this," pagkasabi niya matapos kong ikalma ang sarili.
Kakaunting mga hikbi na lang ang nagagawa ko. Siguro mukha na akong multo sa itsura ko ngayon. I cried too much, already.
"Two weeks after this, our parents will surely announce the news to the public and I think we should prepare ourselves too," nakapandekwatrong upo siya ngayon at tumititig sa buwan. The light from the moon seemed to illuminate his face and made his eyes shine brighter tonight.
"Like I said, I don't want any marriage to happen so I suppose we should do this faster so we could end this quickly, too," bumaling siya sa akin. I looked away because I was too embarrassed of how I look right now.
I heard him chuckle. Napasimangot naman ako.
"Don't worry, after all this, you can fix that relationship of yours with that boy. Though I really don't think he suits you," doon na ako napalingon sa kanya.
Now that I think of it, he is right about that. I can patch up our relationship and just explain everything to Alendro. But, I have no assurance to what would really happen in the future. Kaya naman, nagdadalawang-isip talaga ako as to what I should really do. And I can't trust this man just yet.
Tinitigan ko siya. I was trying to read his mind. Is he really true with his words?
He just smirked at me. At alam ko lang na wala na akong iba pang magawa.
The second day, I tried to go to school. Muntikan pa nga akong ma-late eh.
"Uy, Mariette, buti na lang umalis 'yung prof natin ngayon," pagbati sa akin ni Evy. Hingal na hingal ako sa kakatakbo para lang makaabot ako.
"Bakit nga pala absent ka kahapon? Andami pa namang mga pinagawa kahapon, eh," pagsimula niya sa mga ichichismis niya.
"At maraming ganap! Grabe!"
Naupo na ako at uminom muna ng tubig. Naupo naman sa tabi ko si Evy.
"Alam mo? Nagwala si Alendro rito kahapon eh at hinahanap ka pa," namilog naman ang mga mata ko. I never picked up Alendro's calls and replied to any of his texts.
Tiningnan naman ako ni Evy with suspicious eyes.
"Did you cry?"
My hand shaked a bit and I felt my heart beat a little. Her question startled me.
"U-uhh," I even stutter.
"Sabi na nga ba," bigla na lang hinampas ni Evy ang mesa ko. Napatalon naman ako roon.
"Did you guys break up?" she leaned closer to me. Her eyes kept observing my every move trying to catch anything.
"I don't want to talk about it, Evy," napayuko ako at napahawak ng mahigpit sa boteng hawak ko. Lumingon ako sa bintana na nasa tabi ko lang.
YOU ARE READING
Blurry Skies
Non-FictionAccidentally getting involved to a scandal, Mariette is then forced into a marriage with a man he had never met before. It is to cleanse her name from the said scandal. But she persistently refuses the engagement for many reasons. She then negotiat...