13th Story: Changed

32 3 0
                                    

This story is dedicate to my sister. Hope you'll like it kahit hindi ako magaling at sikat na manunulat. Hehehehe..

MAHABA 'TO KAYA GOODLUCK SA'YO

-

13th Story: Changed

-

“So kita na lang tayo mamaya sa Cloud 9, Kim?” tanong Rina.

Tumango na lang ako kaya umalis na rin sila agad. Nung nawala na sila ay saka pa ako nagmamadali umuwi sa bulok naming maliit na bahay. Nadatnan ko si Ate na naglalaba sa gilid ng bahay. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Umupo ako sa laundry chair na nasa tabi niya.

“I love you Ate Resh,” nakangiting saad ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga at pinasadahan ako ng tingin kaya umiwas ako.

“May kailangan ka nanaman ba, Kim?” aniya at umuubo pa.

Napakamot ako ng ulo at umaktong malungkot at binalik sa kanya ang tingin ko. Kim, dito ka magaling, sa pag-aarte. Matagal mo na 'tong ginagawa kaya umayos ka!

“A-ano kasi m-may group project kami tonight kaya Ate Resh, hehehe madaling araw na akong uuwi mamaya 'tsaka a-ano kailangan ko ng pera para pang-ambag ko sa project naming Sentence, Figure of Speech, Idiomatic Expression, Part of Speech at iba pa,” pagsisinungaling ko.

Walang pinag-aralan si Ate kaya hindi niya alam ang pinagsasabi kong project. Nagsisinungaling ako kasi kailangan kong ng pera para sa gala ko ngayon kasama ang barkada ko. Hindi naman p'wede na hindi ako sasama sa kanila kasi takot akong mawalan mga kaibigan. 'Tsaka hindi rin p'wedeng hindi ako aambag kasi akala nila, kalevel ko sila ng antas ng pamumuhay. Lahat kasi sila mayayaman kompara sa'kin na nagkukunwari lang na mayaman.

Binagsak niya ang hawak niyang damit kaya natalsikan ng bula ang mukha mo. Marahan ko 'tong pinahiran. Kung wala lang talaga akong kailanga sa Ate ko, kanina ko pa siya inaway.

“Ate naman e,” sumimangot ako.

“Maliit lang ang kita ko sa araw na 'to kaya maliit lang din ang maibibigay ko sa'yo,” malungkot na saad niya habang umuubo pa rin.

“S-sasabihan ko na lang po ang kagrupo ko na utang muna. Saka ko na babayarin kapag may pera ka na ulit A-ate.”

Nagtitinda lamang ng isda si Ate sa Public Market. 'To ang hanapbuhay niya para mabuhay kaming dalawa. Wala na kasi kaming parents, they were killed by NPA's many years ago kaya kaming dalawa na lang ni Ate ang nabubuhay.

Huminto siya sa pag-aaral para maghanapbuhay at ako naman hindi sineseryoso ang pag-aaral dahil may kaibigan akong tulad nina Rinalyn, Melody, Jenny at Angel.

“Mabuti naman at dumating ka Kim!” ani Melody na ngayon ay naka-upo sa backseat ng sasakyan ni Angel.

“Sorry kung natagalan, napasarap ang tulog ko kanina, e,” sabi ko at tumabi na rin kay Melody at sinara ang pinto.

“Mas masarapan ka pa ngayon,” nakangisi saad ni Jenny habang nakatingin sa rearview mirror.

Nasa front seat kasi siya at si Angel ang driver tapos tatlo kaming narito sa likuran. Maliliit naman kami e kaya kasya lang kaming tatlo. Nagsimula ng mag-drive si Angel papuntang Cloud 9 Bar.

“Bakit, anong meron?” inosenting tanong ko.

“Well, we're planning to try something new. Something challenging and thrilling,” sagot ni Rina. Sabay silang tumili kaya pati ako na-excite na rin.

Malalakas na tugtug, disco light at kumpol ng tao ang sumalubong sa'min pagpasok sa Cloud 9. Akmang papunta na ako sa counter katulad ng lagi kong ginagawa pero hinila ako ni Jenny.

FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon