CHAPTER 1

6 1 2
                                    



Alice's POV

Grabe! Sobrang bagal magmaneho ni kuya driver. Nakakatakot naman na sabihan na pakibilisan, lukot na lukot na ang mukha eh. Parang akala mo salong salo ang sama ng loob ng lahat eh.

Low battery na ang cellphone ko, at habang nakatingin sa mga punong lumalampas sa paningin ko, naaalala ko pa rin ang pangyayari iyon, about ten years ago...

Flashback

Hirap na hirap na ako sa paghinga, at nanlalabo na rin ang paningin ko, kaya napaupo na lang ako sa maalikabok at maabong daanan, at tanging anino na lang ng pamilya ko ang nakikita ko.

Kahit nanghihina ay naririnig ko kahit papano ang boses ng mga kuya ko at ng mga magulang ko.

"Ashley! Ibigay mo ang bagahe mo kay Levi. Iris, kunin mo ang dalahin ni Alice. Ashley, buhatin mo ang kapatid mo bilis!" naririnig kong sabi ni papa.

Naramdaman kong may bumuhat sa akin, kasabay ng pagkuha ng dala kong bag. Nakapikit lang ako habang sinisikap na tulungan din ang sarili ko. Pilit kong pimapakalma ang sarili ko, sabay ng paghinga ng malalim at pagbalik ng paghinga ko sa natural, habang inaalala ko ang laging paalala sa akin ng family doctor namin.

Bigla ko na lang narinig na napasigaw sa sakit si mama. Napatigil sa pagtakbo sila kuya at papa. Sinisikap kong imulat ang mga mata ko, at nakitang nadaganan ang paa ni mama ng nahulog na bloke mula sa isang nasusunog na bahay. Namamaga at nagdudugo ang paa ni mama, at sumisigaw siya sa sakit. Binuhat nila kuya Caden at papa si mama.

Napapikit na lang ako dahil sa takot. Naramdaman kong tumakbo ulit si Kuya Ashley at habang tumatagal ay naririnig ko ang tunog ng alon at makina ng isang speed boat. Pinaupo ako ni kuya at sinuotan ng oxygen ng isang babae, hanggang sa makatulog ako.

End of Flashback.

Pagkagising ko ay nasa ibang lugar na kami, at sobrang daming tao noon. Nalaman ko na lang nasa isang evacuation center na kami. Tanging ang bayan na kinatatayuan ng evacuation center ang naligtas.

Sumabog ang ang bulkang malapit sa bayang tinitirhan namin. Natabunan ng lahar at abo ang lahat ng mga taniman at mga bahay. Tuluyang naputulan ng paa si mama at mabuti naman at hindi rin ako natuluyan.

Bigla na lang may nagpop-up na light screen sa harap ko, at may message mula sa taxi driver na kinasasakyan ko. Galit na ang kuya niyo. Ang tagal ko daw bumaba.

Sa inis ko, kumuha na lang ako ng isang libo sa bag ko at binayad ito. Lumiwanag ang mukha ni kuya, at nagbigay pa ng calling card, para daw kapag kailangan ko ng ride ay sa kanya na daw ako rumenta. Duhh as if. Sobrang bagal kaya niya magpatakbo.

Umalis na ang taxi hanggang sa may marealize ako. Isang libo? Isang libo ang binigay ko?

Omo. Sumigaw ako at hinabol ko ang taxi, pero mukhang uwing-uwi na ang kuya niyo. Madali eh. Haysss. Sayang ang isang libo, pang three days ko na budget yun eh.

Nagsimula na akong pumasok sa eskuwelahan kung saan magsisimula ang lahat. Kung saan ko sila mahahanap, at kung saan ko mahahanap ang kasagutan sa mga katanungan ko.

***

Nag-type ako sa light screen na nasa harap ko, kaharap ang AI staff dito sa lobby ng eskuwelahang papasukan ko. Nagtanong kasi ako kung saan ang magiging dorm ko. Ilang segundo lang ay may dumating pang isang staff. Kinuha niya ang bagahe ko. Noong susundan ko na siya, humarap siya ulit sa akin at pinitik ako sa noo ko. Aray ha. Ang sakit. Ako kaya ang pumitik sa'yo noh?!


Sumunod pa rin ako sa kanya kaya humarap ulit siya. Napabuntong hininga na lang siya at nabigla ako noong may nagpop na message sa harap ko.

AI M-24: DON'T FOLLOW ME. I'M JUST A STAFF ASSIGNED TO BRING YOUR LUGGAGE IN YOUR ROOM. YOU SHOULD PROCEED TO THE AI STAFF YOU'RE JUST TALKING AWHILE AGO. YOU LOOK LIKE AN IGNORANT KID. TSS.


Ay ang taray. Ma-attitude din tong AI na to. Fine, fine. Bumalik ako dun sa AI sa
lobby. Ilang segundo ang lumipas at umilaw ulit ang light screen sa harap ko, at
lumabas ang schedule ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A SILENT WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon