Hindi ko alam kung ano ba talaga nafefeel ko ngayong araw na ito, sobrang bigat sa feeling na pinipilit kong maging positive pero nagsisinungaling lang ako sa sarili ko kung iisipin ko pa yun.
Siguro ang dami dami kong napagdaanan before mangyari to pero sobrang lala lang ng yung tipong gugustuhin mo pa ba mag-aral na kung saan napunta ka sa maling landas.
Hindi ko alam kung mali ba talaga desisyon ko una palang na pinilit kong gustuhin yung hindi ko naman gusto pero nung naset ko na yung mind ko napagtanto ko na aaralin at pagpupursigihin mo alamin lahat patungkol roon mas lalo pang nalihis yung inaasam kong magiging kinabukasan ko.
Una sa lahat, BSPT ang gusto kong course sa kadahilanang nainlove lang naman ako sa kursong iyon dahil sa napanood ko at kinalimutan na lamang ang pangarap ko sa medical course dahil nga medyo mahal ang tuition fee so pinag-isipan kong mabuti na lumipat ako ng field na sakop pa rin ng STEM strand dahil ito na talaga ang gusto kong strand.
Kaya naisipan kong pagtuonan ng pansin ang Engineering at alam ko rin sa sarili ko na oo di ako kagalingan sa matematika o kaya sa siyensa subalit bakit ko pa iisipin kung napag-aaralan naman lahat kapag determinado ka sa iyong pangarap.
Siguro nga nagdalawang isip ako na ganoon ang kursong kukunin ko pero buo na ang loob ko at papanindigan ko iyon. Sa kasamaang palad, hindi pa rin ako napunta sa ginustong kong kurso.
Kaya minsan naiisip ko nalang na wala akong choice sa buhay nagkakaroon man ako ng pagkakataon subalit hindi pa rin papalarin. Ayaw ko man kwestiyonin ang Diyos pero di ko makalimutan bawat luha na nagpalugmok sa akin lalo na ng makita ko na iba na umaanagat na at ngayon ako nag-aagaw buhay pa rin kung ano ba talaga ang gusto ko.
Napupunta ako sa maling daan at lalo kong kinukumpara ang sarili ko na kung saan nalagpasan ko na ang dating hinaing ko at ngayon ito nanaman ang pinaparamdam saakin siguro nga ito ang plano sa akin ng Diyos.
Maaaring maranasan ko lahat ng ito pero sisiguraduhin kong mararanasan ko din ang mga tamang desisyon, tagumpay at totoong saya sa pag-abot ko sa aking mumunting mga pangarap. Nagsimula man ako sa mga hindi kasiguraduhang desisyon tatanggapin ko ng buong puso ang nakalaan at ang hamon ng Diyos para sa akin dahil at the end of the day I will always look back at him.
At magtitiwala ako sa kakayahan ko at di ko sasayangin lahat ng pinagpuyatan, pinaghirapan at pinagiyakan dahil lang sa isang maling desisyon ko sa buhay.
Ako ay muling babangon para sa aking pamilya at para sa aking sarili.
YOU ARE READING
Lost Sheep
Short Storyyou will never get rid of thinking twice and having decision with doubts just to acknowledge the facts that not everyone could have been true decisive