C H A P T E R 2

20 15 0
                                    

PAW'S P.O.V     
 
 
Habang naglalakad kami pauwi walang tigil na nag-pupumiglas ang bruha. "Ano ba bitiwan niyo nga ako, ayoko ng umuwi don ano ba bitiwan nyoko." Aniya

"Tumahimik ka jan sa bahay na tayo mag-usap." Bwisit talaga tong kapatid kong to sakit sa ulo kababaeng tao eh.

"Bitawan niyo ko ayaw--." Hindi na nito natuloy ang mga sasabihin  niya ng tuluyan na siyang makatulog.

"Bakit ba kase nag-kaka ganito itong kapatid mo paw." Saad ni luke habang tinutulungan ako sa pag-alalay sa kapatid ko.

"Ewan koba, hindi naman kami nagkulang ni nanay sa pag-papaalala. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa batang to."

Nagpatuloy nalang kami sa pag-lalakad hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Oh andito na pala tayo."

"D-dito nalang luke, salamat sa pag-tulong ha sige umuwi kana gabi na."

"Wala lang yon. Sige una nako kaya mo na ba yan?"

"Oo sa-salamat, ingat ka."

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko tuluyan ko nang ipinasok sa loob ng bahay ang kapatid ko. Pagka-pasok namin ay agad namang sumalubong ang nag-aalalang si nanay

"Anak, jusko ano bang nangyari jan sa kapatid mo saan ba yan nangaling." Aniya habang pinahiga ito sa upuan.

Huminga muna ako ng malalim siyempre kunware galit na galit. "Nakita ko yan sa may tindahan dun sa kabilang kanto, nakikipag inuman buti nalang nakita ko si luke siya nagturo saakin kung nasaan yang batang yan."

"Ano bang nangyayari sa batang to, kumuha ka muna ng bimpo at tubig doon."

"Sige po nay." Agad naman akong kumuha ng bimpo na may tubig

"Naabutan ko siya nakiki-inom na may kaakbay, nay alam niyo po ba yang mga ginagawa niyang yan?"

"Eh ang alam ko lang naman eh may boyfriend siya, hindi ko naman alam na may bisyo siya. Anak sorry hindi ko alam na aabot sa ganito."

"Nay naman kinonsinte niyo nanaman siya." Huminga ako ng malalim. "Sige po matutulog na ako may pasok pa ako bukas." Tapos pumasok na ako sa kwarto ko.

Bukas ko nalang kakausapin iyong batang yon. Hindi na natuto, pagod na pagod na kami ni nanay sa kaka-paalala ah wait pakilala ko muna yung suwail kong kapatid.
  
 
Wassup diary I'm back

Siya nga pala si Precious Maniego, 17 years old ang bata no? Tapos may alam ng maki-inom. Kaya ganyan yang kapatid kong yan kase, iniwan kame ni papa. Si papa kase yung lagi niyang kakampi kaya, nagalit siya saamin ni nanay noong umalis si tatay. Yung ugali niya nagbago, sinimulan niya kaming sagot-sagutin tapos lahat ng sinasabi namin hindi niya sinusunod. Naka-ilang paalala na kami pero parang wala lang sa kanya.

Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para lang makapagtapos siya ng pag-aaral pero, hindi niya pa inaayos yung pag-aaral niya. Lagi nalang siyang narereport na cutting classes, halfday, absent tapos malalaman namen nakikipag basag ulo minsan nagdadala pa daw ng alak sa school ilang beses nadin siyang napa guidance. Naku ewan kona kung anong gagawin ko sa kapatid kong yun.

Natigilan ako sa pag-sulat sa diary ko ng may narinig akong sigawan sa labas naku patay.

"Bitawan moko alisin mo nga itong pinupunas mo saken, ano to ayoko nito." Nagpupumiglas na tinatanggal nito ang bimpo na naka lagay sa noo niya.

"Anak naman ano bang nangyayari sayo." Aniya habang pinapatahan si pres

Itinulak nito si nanay gaya ng pagtulak niya saakin kanina. "Ayoko sainyo at ayoko sayo bitawan mo ako si tatay lang ang gusto ko at hinding-hindi ako magsasawang hanapin siya."

Agad naman akong pumasok ng kwarto niya, para alalayan si nanay. "Prescious ano bang problema mo pati si nanay na sasaktan mo na, saakin okay lang na ako yung saktan mo pero si nanay? Wag na wag mong sasaktan."

"Ayan-ayan pagtulungan niyo ako yan naman lagi niyong ginagawa diba kaya hindi na ako mag tataka." Sumbat nito

"Anong pinag-tutulungan ginagawa lang namin kung anong ikakabuti mo, pero wala hindi mo sinusunod halos mamatay matay na nga ako sa kaka-trabaho pati trabahong panlalaki pinapatos ko na para lang maka pagtapos ka ng pag-aaral tapos hindi mo pa inaayos yang pag-aaral mo." Itinayo ko si nanay at inalalayan sa upuan.

Parang naputol ata dila niya sa mga sinabi ko

"Precious sabihin mo lang kung ayaw mo nang mag-aral para hindi na ako magpaka-hirap sa pagtrabaho, kung sa tingin mo mali yung mga ginagawa namin para sayo pwes ibahin mo yang paniniwala mo kase lahat ng to ginagawa ko para sainyo. Excuse me nay." Pagkasabi ko non ay agad akong lumabas ng kwarto para magpahangin.

Pumunta ako ng kusina para magtimpla at sumimsim ng kape. Ewan ko ba baket uminit yung ulo ko HAHA tulungan niyo ako, pero diba ang init na nga ng ulo ko magkakape pa ako? Ewan kona selp ah.

Pagkatapos kong mag kape ay pumasok na ako sa kwarto dahil maaga pa ako bukas sa trabaho ko sana kayanin ko. Hanggang sa naisipan kong ituloy ang pagsulat ko sa diary ko.
  
   
Dear diary,

Sana pagka-gising ko den bukas magbago na yung kapatid ko. Yan yung lagi kong pinapanalangin araw-araw na mag bago at tanggapin ule kami ng kapatid ko, kase kahit ganoon yon mahal na mahal ko paren siya.

Naalala ko noong bata pa kame, kami ang laging magkasama hindi kami nag-aaway tapos kumpleto pa yung pamilya namin. Sana nga mabalik yung ganong saya sana sana sana. . .

Hindi alam ni prescious kung anong totoong dahilan kung bakit umalis si tatay. Balak sana naming sabihin  ang totoo kaso baka lalo lang siyang magalit kay nanay. Hindi naman kase talaga kusang umalis si tatay.

Si nanay talaga ang nagpa-alis sakanya dahil sa sobrang babaw na dahilan, pinaalis niya si tatay dahil sa selos. Selos kase si tatay ang mas gusto namin kesa sa kanya si tatay ang mas nag-papasaya saamin.

Kaya kay nanay talaga nag-mana si prescious ma-attitude pero nagbago naman na si nanay simula noong pinagsisihan niyang paalisin si tatay

Kaya gumawa ng paraan si nanay iyon nga pinalayas niya si tatay para makuha ang loob namen pero alam ko na siya ang nagpa-alis kay tatay kase gising ako noong gabing pinalayas niya si tatay. Lumaki si prescious na ang alam ay, si tatay mismo ang kusang umalis at naghanap ng ibang pamilya pero hindi talaga.

Sa kakasulat ko ay hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.
  
   
   
A/U: Yan po ang chapter two ng story ni ate paw sana nagustuhan niyo salamat sa nagbasa.

MENSAHERA NI LARA: Fawn ManiegoWhere stories live. Discover now