Rules of Survival

12 2 0
                                    

DISCLAIMER❗❗ THIS STORY IS A WORK OF FICTION, NAMES OF THE CHACTERS, EVENTS AND PLACES ARE PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATION.

PLAGIARISM IS A CRIME! (CHOUR)

RULES OF SURVIVAL

__________

"Welcome, class batch 2020-2021!" Maligayang pagtanggap sa amin ni Mr. Alexeron Zephir Duquessa ang may ari ng Xeron University, bagong eskwelahan
na aking pinapasukan.

Ito ang unang araw ng klase, at isang hamak na transferee lamang ako. Rinig ko ang bulungan ng ilang estudyante habang nagli-libot kami. Nakaramdam ako ng pangingilabot habang nagli-libot. Malaki ang University na ito, ngunit nakakatakot ang itsura.

"Creepy," mahinang bulong ko. "Matagal na kasi ang paaralan na 'to." Nagulat naman ako sa lalaking biglang nag-salita.

"Pasensya na kung nagulat kita." Paumanhin nya, " Mark Raven Villegas," pagpa-pakilala nya.

Tinanggap ko ang kamay nya at nakipag-shake hands, " Xeanne Azaleah Silvero." Sambit ko ng pangalan ko.

"Magandang pangalan, bagay sa isang dilag na gaya mo." Biro nya, unang araw ng pasukan pero napaka-landi ng lalaking ito.

Bahagya naman akong napa-ngiti sa sinabi nya, ang rupok ko talaga.

"Matagal na ang University na ito, kaya medyo nakakatakot ang itsura," paliwanag nya, matagal na pala ang University na ito, pero hindi ko 'yun alam. Marahil malayo ito sa siyudad na kinalakihan ko.

Ewan ko ba sa magulang ko at dito ako napiling pag-aralin ng kolehiyo.

Matapos libutin ang loob ng Campus, nagtungo naman kami sa Dorm. Building, ito ang pansamantalang tutuluyan ng mga estudyanteng kagaya ko, malayo ang bahay.

"Magpahinga muna kayo, my dear students, lagi nyo lang tatandaan ang Rules of Survival." Nagbulungan muli ang ang ibang estudyante dahil sinabi ni Mr. Alexeron.

"Sir, 'di ba laro po 'yun?" Tanong ng isang estudyante na ikinatawa naman ng lahat, tama nga naman minsan ko ng narinig ang larong 'yun dahil sa mga kaklase ko noon.

"Hindi ako nakikipag-biro, sa inyo." Seryoso ang tono ng pananalita ni Sir Alexeron, dahilan upang matigil ang kantsawan at tawanan namin.

"Ang creepy na nga ng school, may pa r.o.s pa si Sir," mahinang sabi ng katabi kong babae.

"A-ano po ba 'yung Rules of Survival natin S-sir?" Nauutal ngunit lakas loob na tanong ng isang estudyante na nasa gitnang parte ng pila.

Nakakatakot na ngiti naman ang ibinigay sa kanya ni Sir Alexeron, maging kami kinilabutan din.

"Pwede bang mag-refund ng tuition, ngayon na mismo?" Tanong ko kay Mark, " 'di naman tayo na inform na parang Hell University pala 'to." Sabat ng babaeng katabi namin.

Wattpader din sya, JSL kaya sya? Sino kaya favorite author nya? Pero seryoso, gusto ko ng umalis sa school na 'to. Parang anytime may multong susulpot kung saan at aatakihin kami, o ako.

"Rule no.1 Social Distancing," napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sir Alexeron, "Hindi kayo maaaring magkalapit-lapit dahil baka magka-hawaan kayo," dagdag nya.

Agad naman kaming naglayo layo, kahit naguguluhan pa rin sa pinapahiwatig nya.

"SINASABI KO NA NGA BA, YURI MAY GALIS KA PA DIN EH!" rinig naming sigaw ng isang estudyanteng lalaki, wala talaga akong kilala dito. Si Mark pa lang.

"EXCUSE ME IAN! MAKINIS KAYA ANG BALAT KO!" depensa naman nung babae, natatawa naman ang iba sa pagta-talo nila, ngunit napahinto sila nang tignan sila ni Sir Alexeron ng masama.

"Rule no.2," pagpapatuloy nya, "May curfew ang pag-labas nyo ng dorm. Kapag tapos na ang klase nyo dapat deretso dorm kayo at hindi na pwedeng lumabas."

Pinanghinaan naman ng loob ang iba, dahil paano daw kung gusto nila gumimik, pero hindi ito pinansin ni Sir Alexeron.

"Rule no.3,"

"Anong rule na naman kaya ang ipapatupad nya?" Panunuya ni Mark.

"Sana naman hindi matindi tindi," panalangin ko.

"Proper hygiene," Proper Hygiene? Kung paliligo ang tinutukoy nya, mukhang bagsak ako dyan, tamad pa naman akong maligo lalo na 'pag malamig ang panahon.

"Rule no.4," andami naman ng Rules nya, kung sabagay 'Rules" nga eh, with 'S' meaning plural.

"Bawal magkasakit,"

"Eh paano po yung mga nasasaktan parin hanggang ngayon sa Ex nila,Sir?" Nagtinginan naman silang lahat sa akin, alam ko na wala sa oras ang pagbi-biro ko pero hindi ko mapigilan ang humugot.

"Sino bang nanakit sayo,Binibini?" Luhh pa-fall, Binibini daw.

"Bawal kayong magka-lagnat, ubo, sipon, o kahit ano pang sakit." Seryosong sabi nya habang naka-tingin ng masama sa akin. Grabe, kung nakamamatay lang ang tingin, pinaglalamayan na ko.

Grabe kasi makatitig si Sir Alexeron, humugot lang naman, kung tignan ako para akong isang nakakahawang sakit.

"Yun lang naman, my dear students, 'wag na 'wag kayong lalabag sa kahit isang batas na binitawan ko." Paalala nya, at binigyan na naman kami ng creepy smile.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang nyo, kapag may nangyaring masama sa inyo," nag-aalalang sabi nya.

"Basta ito lang ang tandaan nyo," napahinto sya saglit sa pagsasalita,"Once you cough, you might die."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rules of Survival [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon