Usapang babae

1.4K 46 5
                                    

*Tulala sa isang tabi, buntong hininga*

Uy! Kamusta? Ako ito okay lang, nag-iisip, nagmumuni-muni.

*Tatahimik ng sampung segundo. Tingin sa stars*

Bakit ganon ang mga lalaki? Kahit kailan talaga di ko sila maintindihan. Sabi nila ang babae daw ang magulo, pero feeling ko sila talaga ang mahirap intindihin. Badtrip!

*Buntong hininga, yuko*

Para sa kanila sila ang mas kawawa lalo na pagdating sa pagmamahal, talaga? Ewan ko ah, pero isipin mong mabuti, minsan ba napagtanto nila kung gaano kahirap maging babae lalo na pagdating sa relasyon?

*iling, salumbaba*

Marami sa kanila di naniniwala sa ligawan stage, kesyo hindi na daw kailangan. Basta gusto ka at gusto mo, okay na yun. Bakit ba daw patatagalin pa sa "oo" din naman daw ang tuloy. Paasa lang daw tayo, pakipot, pa-tweetums! Diba nila alam kung gaano kahirap kumilala ng tao? Nang taong pag-aalayan at pagkakatiwalaan mo ng kalahati ng buhay mo? Pag minadali sasabihin "easy to get" pag pinatagal sasabihin "paasa .. playing safe" pagbinusted sasabihin tang*na!

Pag ang lalaki matagal mo nang kilala siguro pwede pa, kahit kapalit nun eh masira at mawala ang pagkakaibigan at matagal nyong pinagsamahan. Pikit-mata at cross-finger ka nalang, ibulong sa hangin na tama kahit mahirap. Sugal na, mahal mo naman e! Pero pano kung wala pang isang buwan kayong magkakilala? Oh sige counted, 3months na kayong pa-andap-andap nagkakatext, dalawang beses sa isang linggong nagkakachat, isang beses nagkita at lumabas, partida wala pang usap-usap.. OKAY NA YUN? Oo na agad basta may "gusto" effect nang nararamdaman? Akala kasi nila sila lang ang sumusugal pagdating sa pagmamahal, kesyo tayo mamimili nalang daw. Kung talagang mamimili nalang tayo eh di sana ang script ng mga babae lagi, "Hoy ikaw! Gusto kita, ligawan mo ko!" "Pssst! Di mo ko kilala, pero gusto kita.. TAYO NA!" Oha!

Hindi ba nila naisip na tumataya din tayo pagdating sa pag-ibig? Ilabas pa natin sa usapan ang mga nanay at tatay natin.. pati na rin siguro sina ate at kuya. Kaya nga gusto natin silang makilala muna ng lubusan, para walang masayang.. walang mawala.. kahit labagin na lahat ng bawal.. sasabihin nila "Pwede naman nating kilalanin ang isa't isa habang tayo na..." oh pagkatapos? Kung mapagtanto nila bigla na magkasalungat pala kayo sa maraming bagay, na hindi pala talaga tayo ang gusto nila, na nadala lang sila sa bilis ng sitwasyon.. tapos ito tayong tanga nahulog na.. Sino ang kawawa? Hirap kasi sa kanila gusto lagi may assurance! Kahit di ka pa mahal basta gusto ka, madedevelop na daw yun. Paano nga kung hindi?

*Singhot.. Iling.. tingin sa malayo*

Mas iba ang kwento pagsinagot mo na.. kung gaano kagaling manligaw, mambola at magpahulog ng loob sa umpisa, syang bilis din magbago pag naging kayo na. Itatanggi nila yan malamang!

1st - 3rd month sayo iikot ang mundo nyan, kada minuto tunog ng tunog ang cellphone mo, pag di ka nakareply agad kesyo may ginawa ka lang saglit, mag-iiba na mood, may kilig factor pa rin kahit pahirapan sa pag-amo.

4th-6th month, consistent... date dito, labas doon, I miss you dito... I love you doon... tipong kahit saan ka lumingon may makikita kang puso.

7th-onwards.. mapapangiti ka nalang, Kesyo may laro ng basketball, may practice sa banda, naaya maglaro ng DOTA, may inuman ang tropa. Oh sya, isama pa ang "Nagpasama kasi si Mama." Magsasabi kung kailan andun na, pagtapos na..masaklap sa iba mo pa malalaman. Nagpaalam pa? "Sige baby/babe/be/hon/ ingat ka nalang dyan, wag masyado pagabi at pakapagod..." Itatanong, "Galit ka ba?" Syempre sasabihin mong hindi kung hindi naman talaga.

"Galit ka eh, saglit lang naman 'to."

"Okay"

"Galit ka talaga. Sige bukas nalang, Goodnight!"

Usapang babaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon