Prologue

61 1 0
                                    

♪ Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling ♪

Siya ba to ? Bakit ganon? Nasan yong taong kilala kong sisiga-siga, laging galit , makulit at akala mo ay kung sino. Bakit tila, Muling umaamo ang mailap niyang mukha? Para siyang demonyong tinanggalan ng sungay. Tila ba ay Muli siyang ipinanganak upang maging isang anghel o baka naman muli siyang isinilang upang maging akin at upang aking mahalin.

Sawatdee khrap! Hi! Ako si Renzy Tsahtanin. 20 Years old. Matangkad at 5'9" ang height ko, singkit, na namana ko sa Papa ko dahil siya ay half Thai, maputi, may roong kissable lips at maraming nagsasabi na guwapo din daw, na siguro ay namana ko sa Mama ko dahil siya ay half American. So technically kung pagsasama-samahin ako ay Half Filipino, 1/4 Thai and 1/4 American. Katamtaman lang ang panga-ngatawan, hindi payat at hindi rin naman mataba.

Nag-aaral ako sa Marizon University sa may Calamba, Laguna at ang course ko ay agriculture. Maraming nagtatanong kung bakit iyon daw ang pinili kong pag-aralan gayong napakalinis ko namam daw sa katawan. Kaya naman kapag tinatanong nila ako isa lang ang isinasagot ko sa kanila

"Kapag may itinanim may aanihin" haha.

Pero kong tatanungin niyo naman ako kung marunong akong mag Thai? Pwes ang sagot ko dyan ay HINDI dahil kahit ang papa ko ay hindi rin marunong dahil sa Pilipinas naman siya lumaki.

Pangatlo ako sa aming apat na magkakapatid at dalawa kaming lalaki. Ako at ang aming bunsong kapatid na si Renolf. Ang panganay naman naming kapatid ay may asawa't mga anak na tapos yong pangalawa ay nasa Thailand at nagtatrabaho bilang isang English teacher. Ang Papa ko naman ay nasa Barko dahil siya ay isang sea man.

My Dare BoyWhere stories live. Discover now