Chapter 1 Part 1: HATE HIM AT FIRST SIGHT!

41 2 0
                                    

»RENZY's P.O.V«

*ALARM CLOCK SOUND*

Isang malakas na tunog ng alarm clock na nakapatong sa lamesa malapit sa aking kami ang nagpagising sa aking natutulog na diwa. Ngayon ay Linggo ng umaga, isang umaga na umpisa ng bagong simula. Madali akong bumangon sa aking pagkakahiga upang ayusin ang aking mga gamit na aking dadalahin sa aking tinutuloyang dormitory.

*Tok*tok*tok

Habang nag-aayos ng aking gamit ay isang katok mula pinto ng aking silid ang umagaw sa aking atensyon. Sa aking wari ito ay ang aking Mama.

"Pasok po"

Agad na bumukas ang pinto at tama nga ang hinala ko na si mama ito, pero kasama pala niya ang nakababata kong kapatid. Lumapit sila akin at umupo sa kama malapit sa akin.

"Anaaak, bukas kana lang kaya umalis, mag stay kana muna dito sa bahay, nakakalungkot kami lang dalawa ang maiiwan dito" sambit ng aking mama na maririnig mo ang lungkot sa tono ng mga boses nito.

"Oo nga kuya wag kana umalis" dagdag pa ni Renolf.

"Ma, bunso hindi po pwede, madami pa akong aasikasuhin sa dorm, marumi pa po don ma, kaya kailangan ko pa maglinis at tyaka po yong mga uniform at mga gamit ko ay kailangan ko pa po ayusin"

"*haaay* (Buntong hininga nito) Sige anak, ano paba magagawa ko" ang tanging nasabi na lang ni mama. Wala nang nagawa pa si mama kundi ang payagan akong umalis.

"Sorry po talaga ma, hayaan niyo nandito naman ulit ako next week"

|After 2 hours|

Habang nag-aayos ng aking mga gamit ay natanaw ko mula sa aking kwarto si Mama na pumara nang isang tricycle sa tapat ng aming bahay.

"Renzy nandito na yong tricycle bilisan mo dyan" Tawag nito sa akin.

"Opo ma andyan na" agad na akong lumabas sa bahay bitbit ang aking mga gamit.

"Ma, akala ko ba ayaw mo pa ako umalis, eh bakit parang minamadali mo naman ako ma? haha" Pabiro kong sabi kay mama.

"Ito talagang anak ko, Ipinara na kita ng tricycle para hindi kana mahirapan pang mag-antay dyan sa labas" malumanay na sagot ni Mama.

"Ahh.. si Mama talaga napaka sweet kaya ako sayo ma eh" nata-touch na sagot ko kay Mama.

#Piiip#
biglang busina ng tricycle Driver at sinabing "Ano sasakay paba kayo?".

"Ay opo kuya, ito naman nagmamadali. Sige anak sumakay kana at nagmamadali ata si kuya. Basta anak ha! Iyong mga binilin ko sayo sundin mo, ingat ka sa byahe ha" Paalam sakin ni  mama.

"Opo ma, lahat susundin ko, 101%. Oh Renolf ingatan mo si mama ha. I love you both" at niyakap ko si Mama at ang aking kapatid bago ako sumakay sa tricycle.

"Ma, Renolf, Ba-bye". Ang sabi ko pagkasakay ko ng tricycle.

Tuluyan na ngang umalis ang tricycle na sinasakyan ko habang nakita ko naman na pinagmamasdan ito nila Mama. Hanggang sa tuluyan nakalayo ang tricycle at tuluyan narin silang naglaho sa aking paningin.

|Monday|

First day ng Academic Year kaya naman napakaraming tao sa buong university. Halos lahat ay busy sa paghahanap ng kanilang mga room number at yong iba naman ay busy sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nila.

"Oy sis! tingnan mo yong nakaupo don sa may bench" Sambit ng isang studyante habang nakaturo sa direksyon nang isang lalaki.

"Hala Sis! ang guwapo" Sagot naman nito.

My Dare BoyWhere stories live. Discover now