HER TALENT
maaga akong nagising kaya eto ako ngayon sa mini forest sa loob ng school naglalakad.
nasa likod lang kase ito nung library, pumasyal na din ako sa garden pero may mga studyante na doon
ang awkward kase lagi silang nakatingin tapos nagbubulungan pa. Bakit first time ba may transferee dito?
umupo muna ako sa wooden bench at nilanghap yung simoy ng hangin, pero hindi ako nakatagal sa pag upo at tumayo na ako.
pumasok ako sa mini forest hanggang sa nakarinig ako ng agos? luh may falls?
kaya dali dali akong pumunta doon! its a kind of hidden place kase natatabunan siya ng malapader na bulaklak at kelangan pang hawiin yun
"ang ganda naman dito, refreshing! dito nalang ako tatambay lage" napangiti ako sa sinabi ko.
hindi ito nature na falls, parang ginawa lang siya pero ang ganda ng pag ka disenyo. May mga roses and tulips na may ibat ibang kulay.
Ngumiti ulit ako bago pumunta sa room, babalik nalang ako dito mamaya.
pagdating ko don nakaupo na si Avie at katabi niya si Kiara. Kaya umupo ako sa tabi ni Avie
"ang weird bat nila ako tinitignan?" bulong ko kay Avie
"Dont mind them, san ka ba galing?" tanong niya
"wala hehe namasyal lang" sabi ko
maya maya nagsipasukan na yung iba naming kaklase at si Jasiel kasama si Asher. Aakmang babati si Kiara pero tinikom niya nalang ulit yung bibig niya
"goodmorning lyanna!" sigaw ni Jasiel
I just rolled my eyes and smiled at him, umupo siya sa tabi ko
"they broke up?"
"hala wala na sila?"
"yes! may pag asa pa ako kay baby Ash!!!!"
"sino naman yung babaeng may mahabang buhok?"
"luh may transferee"
"infairness kutis snowwhite"
Rinig kong bulungan ng ibang kaklase namin at nahinto lang ng pumasok yung prof namin.
"okay goodmorning, we have a new student. Can you please introduce yourself?" sambit ni Sir habang nakatingin saken.
dito palang, introduce palang kinakabahan na ako. tumayo ako at napatingin silang lahat saken
I fake cough,
"Hi everyone, Im Lyanna Emerson" sabi ko.
isang malaking katahimikan bago tumawa yung isa kong kaklase at nasundan na. Napayuko lang ako
"Quiet class, What's your talent?"
patay.
"I-I dont know sir" sabi ko na ikinatahimik ulit ng lahat.
"what? you dont know what is your talent pero nakapasok ka sa school nato?! gosh" sabi ng isang kong kaklaseng babae
"excuse me Sir Flores, pero pinapatawag po si Lyanna sa Principal's Office" biglang singit ng isang maestra at ngumiti saken.
"okay go now" sabi ni Sir kaya kinuha ko yung bag ko at ngumiti muna kay Avie at Jasiel na halatang nag aalala saken.
ang layo naman nung office pero buti nalang nakaligtas ako don!