1

8 2 1
                                    

Harlene's POV

"Ma! Alis na po ako!" Sigaw ko dahil nasa labas na ako ng bahay at para masiguradong narinig niya loob.

"Osige! Mag-iingat ka ah!" Sagot niya kaya hindi na ako nag-abala pang sumagot, basta narinig niya, okay na. Pag labas ko ng gate sumalubong sakin ang ingay ng kapitbahay, mga nagwawalis, nagtitinda, mga trisikel driver, at mga estudyanteng kagaya ko rin. Tipikal na pangyayari sa isang baranggay.

Ako si Harlene Santiago. Simpleng babae at tipikal. Nasa highschool na ako at nag-aaral sa Fadrada's University. Isa sa pinaka-kilalang eskwelahan sa bansa. Mahal ang tuition at bihira lang ang mga nakakapasok dito.

Ako? Nakapasok ako dahil sa scholarship. Hindi naman kami mahirap hindi rin mayaman. Kumbaga sakto lang. Kaya naming kumain ng tatlong beses sa isang araw. Masisipag naman ang parents ko kaya panatag ako. Pero syempre kailangan ko rin magsipag. Hindi sa lahat ng oras okay ang lahat atsaka ayoko rin naman ng ganitong pamumuhay. Gusto ko yung maayos na maayos. Yung hindi na kailangang magtrabaho ni Papa at Mama, yung sila ang pagsisilbihan balang araw.

"Oh Harlene ano sabay ka ba?" Napatingnin ako sa tumawag sakin. Si Mang Pido lang pala.

"Oo naman po!" Sagot ko at sumakay. Agad ito umandar. Nakasabay ko si Ate Grace ang kapitbahay namin. Anak nina Tita Celly.

"Oh Ate Grace ikaw pala!" Bati ko sakanya. Napangiti siya sakin.

"Hi Harlene! Magandang umaga sayo." Bati din niya at sinuklian ko lang ito ng ngiti. Naka-suot siya ng nurse outfit. Na bagay bagay sakanya. Maganda naman kasi siya eh.

"Maaga ka ata ngayon, Ate?" Tanong ko kaya napatingin siya sakin. Tumango siya.

"Ahh oo may tatapusin kasi ako at meeting." Sagot niya kaya napatango narin ako.

"Ikaw? Maaga rin klase mo? Usually 8:00 ka umaalis 7:00 palang oh." Tanong niya at tinignan pa ang wrist watch niya.

"May announcement daw kasi ang Head at Stockholders sa school ng 7:30 kaya hindi pwedeng ma-late lalo na't scholar lang ako." Sagot ko at tinignan ang phone ko nang mag-vibrate ito.

From: Thasha
Frenny asan kana?
Andito na ako.

To:Thasha
Papunta na.


Si Thasha ay friend ko. Nathasha Preylle ang name niya. Mayaman sila as in super duper rich talaga. Pero kahit mayaman sila ang ganda nagpagpapalaki sa kanila ng kapatid niya. Hindi sila tulad ng ibang mayayaman na ang aarte. Siya cool at simple lang.

From: Thasha

Okay! Hintayin
kita sa gate.


Hindi na ako nag-abala pang mag-reply. Tutal malapit naman na ako. Huminto si Mang Pido dito sa kanto. Agad akong bumaba at nagbayad.

"Salamat po." Sabi ko at kinuha ang sukli ko.

"Una na po ako. Bye Ate Grace!" Paalam ko at kumaway.

"Bye!" Dinig ko pang sigaw niya. Lumakad lang ako dahil hindi nakakapasok ang mga trisikel sa daang ito ko. Mga sasakyan lang. Kaya hanggang dito lang ako sa kanto at nilalakad ko nalang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Cinderella TimeWhere stories live. Discover now