PROLOUGE

140 5 8
                                    

Grace POV

6;50

Arhghhhhhhsjsjsdkdlcdj!

Wtf. Hindi ako nagising sa alarm na sinet ko. For sure late na naman ako.

Mabilis akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo. Pag labas ko I saw my mom. She was still wearing that black dress. Last na regalo ni papa when he was still with us. I look at her and she look back. Nagtitigan lang kami then ako na yung bumawi ng tingin at last.

Nagbihis na ako at inayos ang lahat. I am totally in trouble I know. May quiz kami sa Minvest( mathematics of investment) today. I like morning sched but... Math first thing in the morning?! Breakfast ko na to. Hindi pa nga ako nag almusal e.

I hurriedly walk down the stairs. I gave my mom a good bye kiss and wave at her.

10 minutes din ang byahe. Thank God at malapit lang kami sa school na pinapasukan ko.

Nagmamadali ako at halos lakad-takbo na yun. I was just confused of what is the commotion about. May nakita kasi akong kumpulan ng mga students along the corridor of the accountancy building.

"Grabe naman no? Nakakaawa si mam. At paano nagawa sa kanya kung sinoman yun?!" Sabi nung babaeng halos ka edad at year ko lang.


May nakita din akong mga pulis na lumabas sa faculty. May galing din sa higher floor. Actually they were checking the whole building.

At dahil may pag ka natural akong tsismosa hindi nako nahiyang mag tanong.

Nilapitan ko yung babae kanina at nagtanong..

"Miss bakit may mga pulis at nasa labas lahat ng students?,wala bang pasok?"

Mejo linapitan ako nung babae at pabulong nya akong sinagot.

"Si Miss Dizon natagpuang patay sa comfort room malapit sa faculty. Sabi nila nung Monday sya last na nakita. Meaning 2 days na syang patay."

Halos lumuwa yung mga mata ko sa nalaman kong nangyari?! Gulat na gulat ako and I was still on shock when someone tapped my back..

" Grace, .." Humarap ako at tinangay sya palayo sa mga tao.

Si Kim classmate ko ngayong second sem .

"Ano ba talagang nangyari ha? " sabi ko habang nakahawak sa balikat nya.

"Ok. Wait explain ko pero wag dito.. Msyadong brutal daw ang pagkakapatay kaya di pwedeng pagusapan kung saan-saan." Dinala ako ni kim sa room 101 dito lang sa ground floor.

"What?! Sino namang gagawa nun sa kanya? Sobrang galit naman ata para magawa yun huh?! " alam kong masama ugali nitong si Ms.Dizon pero enough na ba yun para patayin sya?

"Ewan ko nga din e. Eto pa.. Alam mo ba pano sya pinatay? Una puro lang saksak pero yung nakakapagtaka tinahi ang bibig nya ng alambre!" Halos di ko na maipinta ang muka ni kim habang sinasabi nya yun.

Well sa gulat ko hindi din ako makapagsalita noong una.

"Sandali lang. Diba puno naman ng mga CCTV ang buliding na to? Even yung mga hallways pag labas natin ng building meron pa rin."

"Yun nga din daw ang ipinagtataka nila. They saw miss Dizon on CCTF footage na lumabas ng building kahapon pero diba Monday pa sya patay?" Ohhhhhh.

"Wait.. How come you knew all about it huh? Mas imbestigadora ka pa sa akin hah. "

"Ano ka ba. Hindi kasi ako na le late unlike you. Kaya maaga din ako sa balita. Kaya din nga lagi kang pinag iinitan ni Ms.Dizon hahaha"

"Shhhhhhh. Tatawa ka pa e alam mong patay na yung tao" ibang klase din to. Ang ingay ng bibig.

"Duh?! Di sya pinagtatawanan ko no. Syempre ikaw yun. Anyway grabe kase sya mamahiya kaya sguro sobrang galit sa kanya at pinatay nalang sya."

"Exactly! Alam mo matalino ka din minsan e. May point ka. Kailangan nating malaman kung sino ang pumatay kay Miss Dizon. " nakakaintriga lang kase diba. Ewan ko if matutuwa ako dahil patay na yung prof na kinaiinisan ko orr.... Grgrrgrr

"Excuse me pero bakit naman kailangan mo pang malaman kung sino pumatay sa kanya. Di mo ikakaganda yan girl!"

"Ikaw kaya patayin ko!" Pinandilatan ko pa sya ng mata. Ang kj. Adventure kaya yun tssss.

"Bahala ka nga diyan! Second period na. Ibang klase may krimen ng ngang nangyari pero tuloy padin. Waterproof na pag may bagyo crimeproof din pala! "

Natawa ako sa last na sinabi nya. Oo nga naman. Haysss. Kailan pa ba nag suspend ng class to maliban kung ipinag utos ng malacañang.

But I finally made up my mind. Ngayon palang ako naging interesado sa ganitong klaseng bagay.

---

A/N

ISANG PANIBAGONG KWENTO NA NAMAN ANG NALIKHA NG MALIKOT KONG IMAHINASYON. KATHANG ISIP LAMANG PO ITO AT NAGSIMULA SA BIRUAN KASAMA ANG KAIBIGAN KO HABANG NAG KAKLASE. HINDI KAMI MGA KILLER HAHAHA.

I WOULD BE GLAD KUNG MAGUGUSTUHAN NIYO ITO AT PAG LALAANAN NG PANAHON SA PAGBASA.

NGAYON LANG AKO MAGLALAGAY NG MAHABANG A/N KAYA PAGBIGYAN NA XX

THANK YOU KAY MARIMOOZ NA KASAMA KO SA PAGBUO NG IDEA AT SA COVER.

PLEASE VOTE AND COMMENT FOR SUGGESTIONS.

THANK YOU!

Who's the killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon