"Nak! Gaile! Bumaba na kayo dito nang makakain na!"
Biglang namanhid ang pwet ko sa malakas na pag palo ng ate ko. Irita akong lumingon sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Ano bang problema mo!" Sabay bato ko sakaniya ng cushion mula sa kama.
"Kakain na daw! 'Di mo ba narinig si mama?!?!?" Pairap niyang sagot at lumabas na sa kuwarto.
Hinatak ko ang earphones kong nakasalpak sa tainga at hinagis iyon sa kama. Tumayo na ako at padabog na inapak ang mga paa sa sahig. Nanunuod ako e! Istorbo!
"Oh wag kang nagdadabog diyan. Masama ang nakasimangot sa harap ng hapag," Pababa pa lang ako mula sa kuwarto nang marinig ko si ate na nag sasalita, habang nagsasandok ng ulam. Tanaw mula sa hagdan ang mga nakahain na pagkain sa hapag na inaayos ni mama.
"Di ako nagdadabog!" Depensa ko. Tuluyan na akong nakababa at dumiretso agad sa pwesto ko.
"Bakit ba ang sama ng timpla mo? Buti nga tinatawag ka para lang kumain."
Lalong sumama ang loob ko. Nakatingin sa akin si mama ngayon, nang aakusa. Eh hindi naman kasi talaga ako nagdadabog! Nakakairita lang na five minutes na lang, 'di ko pa natapos yung isang episode ng kdrama na pinapanuod ko.
Kaasar naman talaga oh! Napasimangot ako at nag sandok na lang din ng pagkain.
"Itong carbonara, galing sa kabila." nakangiti si mama na hinahalo ang carbonara na nakalagay sa isang malaking container habang inililipat ito sa isang malaking plato.
"Talaga, ma?" Lumiwanag ang mukha ni ate. "Nakabalik na sila Yuki?"
"Oo, sila pa nga ang nag abot nitong container ng carbonara. Mainit init pa," mama chuckled.
"'Di nag chat sa'kin yung mokong na yun ah!" Nakapamaywang na siya ngayon. "Ma, ba't di mo ko tinawag nung hinatid nila 'yan dito?"
"Bigla na lang naman sila nag doorbell! Tatawagin sana kita kaya lang ang sabi, nagmamadali raw eh."
Ni hindi pa nakapag punas ng pawis si mama. Halatang napagod sa pagluluto. Tiningnan ko ang lamesa namin at nakita ang iba't ibang putahe na iniluto niya para sa fiesta. Pero itong carbonara pa ng kapitbahay ang unang ibinida.
"Kailangan ba mag update sa'yo lagi? Ano ka, jowa?" Sabat ko.
Nakakainis. Talagang naisip niya pa 'yon, eh hindi nga siya tumulong sa pagluluto ni mama.
"Pake mo ba!" Pasinghal na sagot ng ate. "Besties kami non, ni Yuki." Panis na ang huli niyang sagot. Halata naman na hindi na sila masyadong nag uusap. Baka busy na iyon sa pag aaral sa Maynila.
Grade 12 na si ate samantalang ako naman ay Grade 10 pa lang. Hindi namin ka-edad si Yuki pero dahil kapitbahay at malapit na kaibigan ng mga magulang namin ang magulang nila, hindi maiiwasan ang bihirang pagsasama sama at occasional na pag papalitan ng ulam. Magkababata sila ni ate dahil si ate lang naman ang mahilig lumabas.
first year college na si Yuki ngayon at lumuluwas siya sa Maynila para mag aral.
"Besties, pero di ka na kinakausap mula nung lumipat sa Manila," sabi ko habang umiinom ng juice. I emphasized the word "besties" para dama niya na kabaligtaran na iyon ngayon.
"Busy lang si Yuki," Depensa niya. Bulag talaga 'tong kapatid ko. Konti na lang at iisipin ko nang crush niya si Yuki, e.
Labas sa ilong ang reaksyon ko at hindi na siya pinansin. Pagkatapos kumain at mag hugas ng pinggan ay bumalik na ako sa panunuod ng paborito kong kdrama. Recently ko lang 'to na-discover dahil sa mga kaklase ko. Nakikita ko kasi sila na pinag uusapan iyon sa classroom, at may mga dala pa silang mga poster, printed pictures at kung anu ano. Na-curious ako kaya mula noon, sinimulan ko nang manuod para malaman kung ano ba iyong kinababaliwan nila.