" Good books make you ask questions. Bad readers want everything answered.”
― Scott WesterfieldSteffie's POV
"Having fun with my sistah!"
Tweet sent...
"OMG! Nakita Ko si crush!!! "
Tweet sent...
"Shine bright like a diamond"
Tweet sent...
Hay... Ako nga pala si Steffie. 16 years old. Grade 10. And tama kayo. Nagtwtwitter ako ngayon. For me twitter ang diary ko. Dito ko pinopost ang mga feelings ko, nangyayari sa buhay KO at siyempre sa pagsstalk Kay crush...
Nakita ko kasi si crush kanina. Kaya ang saya saya ko. At ang crush ko? Siya si Warren. Gwapo siya, talented, matalino pa. At isa pa napakabait niya. Iba siya sa ibang mga lalake. Kumbaga ideal man KO.
Kinabukasan...
Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school. Siyempre habang nagttwitter...
"Walking towards the room .#corridor"
Tweet sent...
1 notification:
@crazyandrea : @steffieieie nagtransfer na daw ng ibang school si warren ,..
Huh?????!!!!! Si Warren nagtransfer????? Naku\!!! Anubayan. Heartbroken na ako, first day of class palang
"Feeling heartbroken"
Tweet sent...
Hay naku. Ano nang gagawin Ko.? By the way hung nagtweet sakin kanina, bestie ko yun, si Andrea. Well, mahilig rin magtwitter.
Patuloy lang ako sa pagbasa ng tweets tungkol sa pagtransfer nga ni Warren. Bakit pa siya umalis? Grade 10 na kami-------
"Argggh!!!" Ano ba naman yan. Ang tanga tanga niya. Bakit niya ba ako binangga? Napahawak ako sa pwet ko, ang sakit sakit..
"Ahm, sorry miss, nagmamadali lang kasi ako eh,. " pagkatapos ay tinulungan niya akong makatayo at tumakbo...
"Ouch!"
Tweet sent...
Umalis na nga si Warren, nabunggo pa ako ng isang nakakainis na stranger... Sobrang sira na ang araw ko.
"HI BESTIE!!!!" naku! Ang lakas ng boses ni Andrea! Ang sakit sa tenga! Akala mo megaphone ang bunganga eh.
"Ang ingay mo!" Sabay padabog ko na pag-upo.
"Oh? Bat parang bad trip na badtrip ka ata?"
"Siyempre dahil yun sa balita mo na nagtransfer na si Warren! At nakakainis yung nakabangga sa akin kanina!" Naiinis talaga ako sa kanya!
"Oh? Sino naman yun? Maganda ba? Gwapo? I explain mo sa akin." Mukhang interesadong interesado siya ha.
"Uhm, lalaki siya. Hindi siya gwapo pero Hindi rin naman siya panget. Nerd siya to be exact. Maputi naman siya gaya ni Warren." Totoo naman eh, tama lang itsura niya. Pareho nga yata sila ng body structure ni Warren eh.
Nagsimula na ang klase ...
Di Ko nga namalayan na natapos na pala ang araw na ito.
Paguwi ko sa bahay, pumasok agad ako sa kwarto ko at in open ang laptop at siyempre nagtwitter. Habit KO na yan dati pa.
At may nakita along nagtweet sa akin,
@secretster : @steffieieie hi beautiful
Aaahhhhh!!!! Sino kaya to?
ⓒ Karlachandesu
All Rights Reserved 2014