Prologue

71 8 4
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Comment the time and date when you first start reading this story~~

𝕃𝕀𝕊𝕋𝔼ℕ 𝕋𝕆 𝕋ℍ𝔼 𝕄𝕌𝕊𝕀ℂ 🎵

***

¨Tumakbo ka! Bilisan mo Victoria! Maabutan na nila tayo!¨

Hila hila ng isang lalake ang babaeng madapa-dapa na kakatakbo.

Gusto man ng babae na gamitin ang vampire speed niya ay hindi pupwede dahil mas mapapahamak sila kapag ginamit din ng mga kalaban ang bilis ng mga ito.

Kaya kahit na normal na pagtakbo ay kinakaya niya.

Hindi niya alam kung paano sila nadiscover. Kung paano nalaman na nagkikita pala sila ng Alpha ng mga wolves.

Oo alam niya na hindi pwede ang kanilang ginagawa pero anong magagawa niya?

Mahal niya ang wolf na'to at lahat gagawin niya para mailigtas ito. Kahit isakripisyo pa nito ang sariling buhay para lang makatakas ang lalake.

Alam niyang kasalanan niya ito, kasalanan ng pamilya niya ito.

Walang ginawang masama ang mga wolves, ang mga kalahi niya ang masama.

Vampires are greedy and ruthless. They will do anything for power and fame. They don't mind if they're gonna kill innocent wolves or people para sa kayamanan ay gagawin nila.

Even their own blood papatayin nila para mas lumakas and to get their inheritance.

They're merciless, cold-blooded and ferocious. Sila ang pinakakinatatakutang nilalang nabubuhay ngayon.

Walang may gustong lumapit sa kanila dahil alam ng mga tao na sa isang iglap lang ay maaari na silang mapatay.

They could kill in a snap. You don't know na gumugulong na pala ang ulo mo.

Tumingin siya sa lalakeng mahal niya at naawa siya sa itsura nito. Pawis na pawis na ito at puro sugat.

Halos ika ika na itong tumatakbo pero pinipilit nitong kayanin ang sakit para hindi sila mapahamak parehas.

Tinignan ng babae ang kanyang sariling katawan. Wala manlang kahit isang galos na makikita sa kanyang katawan.

Hindi siya hinayaan ng lalake na madapuan ng kahit isang bala o sword.

Lahat ng amba ng kalaban ay tinamo nito kaya ngayon gutay na gutay na ang damit nito habang siya ay maayos pa ang bestida na suot.

'Lagi na lang siya ang nagliligtas sa akin. Bakit hindi ko manlang siya maipagtanggol sa kapwa kong mga bampira? Bakit nanood lang ako habang nakikipaglaban siya?'

Kaya ngayon kahit pagod na pagod siya ay pilit siyang nagpapakatatag para sa lalakeng laging nagsasakripisyo ng sariling buhay para sa kanya.

Alam niyang mas pagod ang lalake at marami ng dugo ang nawala dito kaya kakayanin niya ang simpleng takbo.

Alam niya na hindi sila makakalayo sa mga tumutugis sa kanilang mga bampira dahil sa dami ng mga 'to ay kayang-kaya silang paligiran.

Hindi niya alam kung alam ba ng lalake kung saan sila pupunta dahil dire-diretso lang 'tong tumatakbo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Eclipse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon