Prologue
Nakaupo at halata ang pagod sa kanyang mga mata, matapos ng mga gawain nya tila para bang tinatawag na sya ng kanyang bahay upang matulog at mag pahinga.
Sya si Jin Alvarez, 16 taong gulang at Prsidente sa kanyang pinapasukang paaralan. Sobra mag trabaho para sa isang estudyante hindi para buhayin ang sarili kundi para ipag patuloy ang mga kagustuhan ng kanyang lolo. Sya ang nag mamay-ari ng paaralang pinapasukan nya na hindi naman maitatanggi sa lahat, ang paaralang ito ay ipinatayo ng kanyang lolo para rin mismo sa kanya, at kahit pa sa napakabatang edad ay pinapatakbo nya ito mag isa, hindi sya nag papatulong sa magulang nya dahil gusto nyang subukan ang kanyang kakayahan sa ganoong espeto. At dahil sa pinakabata na pinakamayaman sa bansa at nag mamay-ari agad ng isang pribadong eskwelahan, sikat siya maging sa labas at loob ng paaralang ito. Naging napakalaking pag hanga ang natatanggap nya dahil sa napag tatagumpayan nyang imahe.