My Chinito Ex

3 0 0
                                    

This is a one shot story.

©yugenthewimp. 2020.

*****

~At kung ikaw ay nakatawa...
Ako pa ba ang nakikita?
Nalilimutan ko ang itsura ko kapag
Kausap na ikaw sana naman ako'y
Pakinggan, at nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin, at damdamin... Oh chinito~

L

eche naman, oh. Sa dinami-rami naman ng kanta na nadiskubre sa buong mundo, bakit ito pa ang pinatugtog? Nananadya ba 'to o nananadya?! Peste naman talaga!

Aiissh! Charlene, ano ba! It's been a month since you two broke up and yet here you are, still punishing yourself for being a stupid little demonic bitch. C'mon, Cha, move on na, aba! Ano?! Siya lang may karapatan magsaya at maka move on, gano'n?! Walang liligaya, bo to the set!

Isang buwan. Sa loob ng isang buwan na 'yon, walang araw na hindi nabasa ang unan ng mga luhang pumapatak galing sa precious eyes ko. Walang matinong kain. Walang buong tulog. Jusko kang singkit ka! Curse you to death! Kasalanan mo tong animal ka!

"Hoy Charlene! Anong kadramahan yan?! Aga aga! Bumangon ka na diyan at pumasok, aba! Tatadyakan na talaga kita!" bulyaw ng balyena, este, ni tita sa baba. Panira talaga 'to kahit kailan, eh. Hadlang din 'to sa relasyon namin ni singkitlabidabs nung kami pa. Paepal ang walanjo. Akala mo naman ikinapayat niya 'yan.

"Bababa na! Excited ka masyado! Bat di na lang ikaw magtrabaho?! Tutal Mabaho ka naman!" sigaw ko pabalik. Kahit naman ganiyan kabalyena ang katawan niyan at mapapagkamalan mong si Mommy Pig, si Tita Pig pa rin yan with a mix of Lucifer. Echos lang!

Naglalakad na ako ngayon papunta sa opisina ko. Oo, naglalakad ako. Simula nung nakipag break sakin si intsik na chinitong walang mata kapag tumatawa, nagkanda malas malas na ang magandang buhay ko. Ipina host ko na kina momshie Karls, Mels, at Juls pero wa epek pa rin. Siya talaga ang may kasalanan ng mga 'to! Yung kahirapan, kaguluhan at mga malas sa mundo, SI INTSIK NA CHINITONG WALANG MATA KAPAG TUMATAWA ang may kasalanan!

Habang naglalakad, biglang umulan. Ng malakas. Yung totoo?! May imamalas pa ba ako sa araw na 'to?! Papalitan ko na yata si Zylie bilang Reyna ng Kamalasan. At para isarado ang pintuan, este ang kamalasan, habang tumatawid ako ay muntik na akong mabangga pero sa kasamaan pero kabutihang palad, hindi naman ako nabundol, natilamsikan nga lang ng putik sa mukha at sa damit. And the worst part? Charan! Puti ang damit ko at pantalon ngayon. Nice. So pano pa ako papasok sa trabaho nito? Basa sa ulan, maputik ang suot, at punong puno ng kamalasang dala dahil sa pakikipag break sakin ni intsik na chinitong walang mata kapag tumatawa.

Imbes na pumasok sa trabaho, sa coffee shop na lang ako pumasok. Hindi para sumide line kundi para mag kape. Magpapalamig ako. Oo, ang kape ko pampalamig at tubig na nagyeyelo ang pampainit. Baliktad utak ko, pake niyo?

"Waiter! One Frappuccino with bread, please?" order ko sa waiter. Parang napipilitan pa yata siyang pagsilbihan ako. Aba. Hindi porque ganito ang itsura ko, wala na akong pambayad. May pera ako!

Tumambay muna ako sa coffee shop. Scroll up and down lang ang ginagawa ko sa cellphone ko. Pag umuwi kasi ako, panigurado na mala armalite na bunganga ng tiyahin kong balyena ang sasalubong sakin.

"Charlene?" ay, totoo ba to? Tinatawag na ako ng Diyos? Kaya ba nag aalangan ako pagsilbihan nung waiter dahil mamamatay na ako? Harujusme! Sana nga umuwi na lang ako! Kasalanan mo talaga to, intsik na chinitong walang mata kapag tumatawa at may dimple sa pwet na sobrang lalim! Leche ka to the nth power.

"Cha, you okay?" ganito na ba talaga ako kainlababo sa intsik na chinitong yun? Para hanggang kamatayan eh nakikita ko siya? Hahalayin niya ba muna ako bago ko mameet si San Pedro? Lels. #medyomalandi. Spell makire? C-H-A-R-L-E-N-E. Marunong pala akong magspell? Infairness.

"Hey, Cha. I know na hindi maganda ang last na encounter natin pero, we can make it better naman, right?" umupo siya sa harap ko. Aba! Nagsasalita pa ang imahinasyon ko? Matinde!

"Hala siya. Nagsasalita na pala ang imagination ko ang limit ngayon? Hightech!" baliw na ako. Kausapin ba naman ang imagination di ba? Gutom pa yata ako.

Mas nagulat ako nung tumawa siya.

"Imagination mo ang limit? Ano yun, Cha?" nagtataka niyang tanong. Hala! So real siya? As in totoo?!

"Creamstick 'yon, shunga ka. Pero wait a minute coffee hot, totoo kang tao?! Hindi ka hayop? Bagay? Tayo? Ay wala na palang ganun. Anyway highway skyway, ba't buhay ka pa?" tanong ko sa kaniya. Aba! Baka pati pangako niya nakalimutan niya na?! Matanda nga naman oo.

"Cha.. I know I've hurt your feelings. Pero, bakit naman ganiyan ang tanong mo?" ay nakalimot na nga si kulugo!

"Hoy Intsik na chinitong nawawalan ng mata kapag tumatawa, baka nakalimutan mo ang pangako mo nung tayo pa? Nung nakaraang buwan lang yun, bilis mo naman makalimot? Ano bang sinakyan mo at nakarating ka agad sa move on station? Pinapaalala ko lang sayo, nung tayo pa, nangako ka sakin na MAGPAPAKAMATAY KA KAPAG NAG BREAK TAYO! NGAYON BAKIT BUHAY KA PANG KULUGONG CHINITONG WALANG MATA KA?! HA?! SUMAGOT KA!" napatayo pa ako habang sinisigaw niyan para damang dama naman nila yung sakit na pinagdaraanan ng puso kong sugatan ngayon, di ba?

"Cha... Nakakahiya, ano ba. Sit down first." naupo naman ako saka siya tinaasan ng kilay.

My time is precious kaya siguraduhin niya na may sense ang paliwanag niya. Wala na akong pake kung alin sa anim na senses ang gagamitin niya. Sense of touch, sight, smell, taste, hear and common sense. Kahit ano lang diyan.

"Cha, it's not you, believe me. It's me. The problem is in me." oh?! Bullshit.

'Wag ako, intsik at baka malatigo kita nang wala sa oras! Mas masakit yun kesa may oras!

"Lagi namang ganiyan ang linyahan ng mga malalanding tulad mo 'di ba?! Hayop! Wala kang maloloko rito! Ang sabihin mo, isa kang pinuno ng mga malalanding nanlalandi ng mga kapwa nila malandi na hindi makuntento sa mga syota nila kaya lumalandi! Leche kang intsik na chinitong walang mata kapag tumatawa ka! Tubuan ka sana ng sampung pigsa sa puwetan mo! Tapos tadtarin ng pimple ang mukha mo! Hindi sana maging masaya ang mga susunod mo pang lovelife!" sigaw ko sa mukha niya.

Wala akong pake kung maraming nakatingin samin ngayon. Naglalabas ako ng sama ng loob dito, wag silang paepal. Baka ingudngod ko sila sa coffee maker diyan.

"I know you haven't moved on, yet. But Cha, wag naman dito." eh sa kapal ng mukha mo na yan, ngayon ka pa nahiyang ugok ka.

At wow, proud pa siyang ipamukha sa 'kin na ako na lang hindi nakaka-move on?! E kung latiguhin ko 'to sa mata?!

"Kung di ka ba naman isa't kalahating gago, sa kapal ng mukha mo na yan, ngayon ka pa talaga nahiyang hayop ka? Para sabihin ko sayo, over populated ang China kaya hindi lang ikaw ang intsik na nabubuhay sa mundo! Peke kang leche ka! Made in China! Ulul ka! Pakyu! Mamatay ka na!" sigaw ko sa kaniya sabay talikod at harap sa pinto pero bago tuluyang lumabas, humarap ako sa kaniya at nagpahabol ng sabi,

"I..hate you. Tangina mo. Ikaw ang kaputa-putahan ng mga nagpuputang-inang puta. Mabulok ka sa impyerno hayop kang leche kang buset ka! Maagnas ka sana! O kaya matapunan ng muriatic acid sa daan. Tanga ka pa naman!" Para mabawasan ang kahihiyan ko, kunwari ako ang nakipag break.

"We're now over, Simon. Goodbye, my chinito ex!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Chinito ExWhere stories live. Discover now