-Chapter 3:

80 2 2
                                    

"Siya si Nick Davis T. Samonte"


Bakas sa mukha naming dalawa ni best ang pagtataka sa sinabi ng tindera, At ano naman meron sa mokong na yun? Di kaya gangster yun dito? tss, mukhang hindi naman gangster itsura, di naman ganun pormahan niya e, Eh baka naman siguro Artista? hindi rin, artista tapos ganun ang ugali? No way. o baka naman sikat na magnanakaw ng kwek-kwek? hay nako matanong nga..

"E, bakit po? Sino po yung lalakeng yun? O.o" Sabi ko sakanya, habang eto namang si best, kain ng kain. -______-

"oonga po, sino po ba yun?" Sabi ni best habang lamon ng lamon ng fishball.

"Si Nick, Siya ay ang anak ng may-ari na pinapasukan niyo, Yang Samonte University. Anak yan ni Sir Luigi Samonte."

"ahh, Eh bakit po SIR ang tawag niyo?" tanong ni best. Di ko akalain na anak pala niya yun. kaya nagka eye-to-eye kami ni best.

"Dyan kasi ako nagtrabaho dati. Isa akong Janitress sa eskwelahan na Iyan. Mga grade six pa siguro si Nick nuon nung simula akong magtrabaho dyan, Mabait si Sir Luigi nuon. Masayahin, mabait sa mga guro at sa mga staff, pati na rin sa aming mga janitor at janitress, hanggang sa isang araw, Namatay ang asawa niya na si Ma'am Fatima Torres dahil sa isang pangyayari na hindi inaasahan. Nuong araw daw na anniversary nila, nagpunta si Ma'am Fatima sa mall para bumili ng ma-ireregalo kay sir, ang kaso, pagkauwi niya, Nabangga ng isang malaking truck ang kotse ni Ma'am. Gabi na nuon at nagmamadali na siyang makauwi, Mabilis ang takbo ng sasakyan niya kaya nabangga ito nang isang malaking truck."

"Tapos po? ano po naging reaksyon ng tatay ni Nick at siya?" tanong ko.

"syempre nagulat" Sabi ni best, susko oonga naman. di ko nalang pinansin tong gaga na 'to.

"Noong nangyare iyong aksidente, nagulat ang lahat. Isa ring mabait si Ma'am Fatima, parehas silang mag-asawa. Simula nuon, marami na ang nagbago, isa na dun ang ugali ni Sir Luigi, lagi itong seryoso at laging mainit ang ulo. Naging istrikto na ito, nag iba din siya ng mga patakaran eskwelahan. Nung nangyari iyon, Pinalayas niya ako sa eskwelahan. Hindi daw ako maayos maglinis at hindi daw agad natatapos ang gawain na pinapagawa niya. pero sa totoo lang, Lagi niya akong minamadali, at kaunting mali lang na nagawa mo, napapansin agad niya."

"Grabe naman po ang dinanas niyo, at ang laki naman po ng pinagbago ng tatay niya." Sabi ko.

"oo nga e. E, ano naman po ang pagbabago na nangyari kay Nick?"

"Si Nick? Yung batang iyun, magalang, mabait at masiyahin nung una. Wala silang pinag-kaiba ng ama niya. Hanggang sa yun nga, nung namatay ang ina nito, Madami ang nabago sa ugali niya, Ang dami na ngang kaso niyan e, ang pantritrip sa guro, pamimilosopo, pag cu-cutting, at iba pa."

"Wow, Ang dami nga. Ang laki ng pinag-bago ng mag-ama. Sayang nga lang kasi namatay ang ina ni Nick. Okay na eh! :(" -bea

"Kaya po pala iba ang naging trato niya sa akin kanina. madami pala silang pinagdaanan." Saad ko.

"Kung mapapansin niyo kanina, masyado siyang seryoso. ganun yung batang yun, Oo ganyan ang ugali niyan pero isa lang na babae ang nirerespeto niya."

"Sino po?" sabay naming tanong.

"Yun ay si Angel, Di ko na matandaan ang apilido niya e. basta Angel ang pangalan. Si Angel ay ang pinaka mimithi ng madaming lalaki, Bukod sa Maganda siya, Matalino pa ito. Magaling din ito sa sports na tennis at volleyball. Kaso, ang ugali daw nito ay Maldita. ewan ko lang ah, yun ang mga chismis na naririnig ko sa mga estudyante na bumibili dito e. Pero siya ang pinaka mimithi ni Nick."

"Ah, Si Angel.. Si Angel Diaz po ba? Naging kaklase ko yun nung second year e. Oo matalino nga yun, kaso masama ang ugali. Topnacher siya sa klase habang ako na nasa 3rd place lang. Proud na proud yun sa sarili niya e. At naging kaaway ko po yun."

"Hayy nako, Bagay lang sila, Maladita and Maldito. perfect match aba! haha!" halakhak ni best.

"Buti hindi mo naging kaklase yun ngayon?' Sabi ng tindera.

"Ah, op---"

"Oo nga ate! nako, pag naging kaklase namin yun, masisira kagandahan niya samin!" Singit pa more best. ge lang. Natawa naman ang tindera.

Pagkatingin ko sa orasan ko, 4:30 na pala, pangako ko kay mama na uuwi ako ng 4:00. nako, lagot ako neto.

"4:30 na pala, tara na best, uwi na tayo.. pero teka ate, ano po pala pangalan niyo?"

"Hilda ang pangalan ko.. tawagin niyo nalang akong Manang Hilda, hindi kasi ako sanay sa Ate."

"Ah, Sige po sige po. salamat po Manang Hilda! ^_^" Paalam namin.

~0~0~0~0~0~

Pagkauwi ko, Hinanap ko kaagad si mama, Nasa kusina pala. Patay ako neto.

"Ma, Late na ako naka-uwi kasi ma--"

"Okay na. Natulungan na ako ng ate mo"

"Eh? saan ba ma?"

"Maghiwa ng mga dapat hiwain para sa sahog ng ulam natin"

"sus ma. akala ko kung ano. nagtext ka pa naman sakin kanina bago maglabasan."

"pasensya naman diba? hehe"

Hay nako, si mama talaga. Di agad sinabi eh. Edi sana nakapag computer shop pa ako. gustoooo kooo naaaa maggg online gamesssssss. Sira kasi computer ko. AHHHHH!

Umakyat na ako agad sa kwarto ko at nagkulong, humilata agad ako sa higaan ko. Di naman ako napagod ngayong araw na'to. Naalala ko lang yung Nick na yun! Nick pala pangalan niya. pero nakakalungkot parin talaga ang mawalan ng ina. Ngayon ko lang siya nakilala. pero dati, Nakikita ko na siya, di ko pa nagiging kaklase yung mokong na yun e, Naging topic na namin ni best yun dati dahil sa kabalbalan na ginagawa nun pero isang beses lang yun at di na namin pinansin. Ang samin lang, Hindi namin siya kaklase. Eh wala naman akong pake sa mga other section. May pake lang ako pag nasa other section yung iba kong mga kaibigan :D Nung first year lang kasi ako nagtransfer dito.Tsaka sayang lang kasi nung bago ako lumipat dito, nakaalis na si Manang Hilda. Di ko alam na ganun kalupit si Sir Luigi. Para ngang wala lang pake yun minsan e. Teka nga, Bakit ba sobra na'tong naiisip ko. E, wala naman akong dapat pinagkaka-abalahan ngayon. Makatulog na nga!~

Kaya pala medyo pamilyar ang mukha nya sakin. Ang laki nga ng pinagbago ng itsura niya... grabe..

(A/N: guys mahaba ba? sorry. HAHAHAHA ang loko talaga ni author ano? Thanks sa mga silent readers:) Please vote.

Being Inlove (Again??)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon