Chapter 1

2 0 0
                                    

Bakit ba kasing may mga babaeng papatol pa sa mga lalaki kahit alam naman nilang hindi pwede?

"Giiiirl! Si Grey, oh. Ayun, oh!" Siniko ni Jocelle ang best friend niyang si Acacia.

"Jocelle naman, wag kang ganyan. Hinaan mo naman ang boses mo, baka mahalata tayo niyan, eh," Nahihiyang saad ni Acacia sa madaldal niyang kaibigan.

"Oh, eh, ano ngayon? Besides, di naman ako ang may crush sa kanya kundi ikaw. IKAAAW-"

Dali-daling hinila ni Acacia si Joselle sa isang sulok at tinakpan ang bibig nito. "Ano ka ba? Sabing wag maingay, eh. Nakakahiya."

"Uuuuy! Namumula siya.."

"Tss... may ka-M.U. na yun, noh. As if naman lilingon pa siya sa ibang babae eh patay na patay naman yun kay Blue. At tsaka, bagay naman sila noh. Bukod sa mga pangalan nilang mala-Crayola, gwapo naman si boy at maganda naman si girl."

"Ayyy... nagseselos ang isang 'to. Pwede mo pa namang agawin, eh. May chance ka pa, I'm sure." Sabi ni Jocelle with matching kindat.

"Aist. Di bale na nga lang. Ewan ka talagang kausap."

Didiretso na sana ang magkabigan papuntang canteen kaso napadaan sa kanila si Grey at ang male scent na dala-dala niya kahit san siya napapadpad.

Napasinghap si Acacia sa naamoy niya. Ang bango. Nakakaadik. She can almost taste his scent on her tongue.

"Hoy, puno. Tulala mode ka nanaman. Ano ba naman yan. Siya na lang kaya ang ulamin mo for lunch. Ayiiee.."

"Shadap. Halika na nga."

Nung natapos maglunch ang dalawa, siyempre, nagring na yung bell tapos pumasok na ng room sina Jocelle at Acacia.

Umupo na sa desk si Acacia tapos nilabas na ang Trigonometry book niya. Hatest subject niya yun pero kailangan niyang tiisin para sa mga grado niya. Siyempre, conscious rin naman siya.

Kaklase niya si Grey pero di niya kaklase ang ka-M.U. nitong si Blue. Nasa third section kasi ang babaeng yun. Haha. Ang bobo kasi, bitter na isip ni Acacia.

At least naman di ba. Kahit di siya kasingganda ni Blue Saavedra, may maipagmamayabang pa rin naman siya- ang mataba niyang utak. Pero nagiging payat 'to kapag si Grey na ang kaharap. Ugh.

"Excuse me, may tissue ka ba?"

Feeling ko ang lamig ng hiningang dumaan sa tenga ko kaya napapitlag ako sa gulat.

Nilingon ko ang direction kung san nanggaling ang boses, halos magkadikit na ang mga mukha namin ni Grey sa sobrang lapit. Lumayo siya agad.

Ouch. Inayos ko ang salamin ko tapos hinalungkat ko ang bag ko. "W-wala akong tissue, eh. Pasensya ka na."

"Pwede bang mahiram ang panyo mo?" Cool niyang tanong sa 'kin.

Jusko naman, Grey. Wag kang ganyan. Siguradong di ko na lalabhan tong panyo ko. >.<

"O-okay. Heto, oh." Inabot ko sa kanya ang panyo kong may design pang Elmo.

Tiningnan niya ang panyo bago niya pinahid ito sa gilid ng maninipis at kissable niya mga labi tapos ibinalik agad ang panyo sa 'kin.

Ngumiti siya. "Salamat. Pasensya ka na, ah. Nakalimutan ko kasi ang panyo ko."

"O-okay lang. Kahit ano basta para sa 'yo."

"Ano?"

"Ah, este- handa akong maglingkod para sa mga taong nangangailangan." Ano ba naman yan, Acacia. Wag ka ngang tatanga-tanga.


Nagpasalamat ako at madaling natapos ang Trigonometry class namin. After kasi nito, English na, which is ang last class namin for today.

Nung pumasok na yung teacher namin sa English, as usual, discussion ng lesson plan tapos diretso sa lesson agad. 

Blah, blah, blah lang naman ang teacher sa harap namin. mbes na makinig ako sa mga sinasabi niya, mas nakafocus pako sa laway na tumatalsik mula sa malaBulkang Mayon niyang bibig.

"Okay, class. Let's have our attendance now. After niyong malista ang mga pangalan niyo sa papel na ito, I'd like all of you to put your contact numbers and addresses here, too. Tapos makakauwi na kayo."

Nagsitayuan ang mga kaklase ko tapos nagpilahan na sa harap ng teacher's desk dala-dala ang kani-kanilang ballpen. Ikatatlo sa unahan ko si Grey habang nasa likod ko naman si Jocelle.

"Uy, girl. Smooth moves yung ginawa mo kanina, ah." Bulong niya sa 'kin.

"Anong smooth moves ka diyan?"

"Yung panyo issue sa inyo ni Grey."

"Huh? Di kaya. Nanghiram lang naman siya kasi nakalimutan niya raw ang panyo niya."

"Weh? Di nga?"

"Oo nga. Sabi-"

Biglang sumabat ang teacher, "Excuse me, Ms. Mendoza. It's your time to shine."

"Ay! Hehe, sorry po, ma'am." Dali-dali kong inilabas ballpen ko at nagsulat na.

Habang nagsusulat ako, napansin ko ang pangalan ni Grey na nakadisplay sa itaas. 

Grey Haven Villamarquez            0935*******                 Forbes Park, Makati 


I memorized the number. Parang tinutukso kasi nito ako.

Nung nagsiuwian na kami, dali-dali kong nilabas ang phone ko. 

Number saved.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love VentureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon