A/N: Hey guys. Finally! Mayroon na ding official cover ang story ko! Special thanks to ms. Eya! Kindly visit her book cover shop if you want to request for a book cover. She's really amazing! Promise! Her works are indeed impressive!
Chapter dedicated to Eya_Kin 💛Ps. I didn't proofread this one so you might encounter errors. Huhu. Happy reading, dudes.
DOMINIQUE YNGRID
Stunned. One word to describe what I'm feeling right now. Nahihiya akong tumingin kay David na nakangiti sa akin, marahan nyang inilapag ang mga pagkaing dala nya sa lamesa malapit sa kama.
I eyed my friends. Napanguso ako nang wala ni isa sa kanila ang tumitingin sa akin, sadyang iniiwas ang mata. Si Nuki, busy-busyhan sa kanyang cellphone, si Shantal at Hildy ganoon din.
"Ehem. Init, bes. Labas muna ako, ha?" tanong ni Hildy saka namaypay pa. Wala naman syang inantay na approval dahil bigla na lang din syang lumabas.
"Naiihi ako, samahan mo ko, Nuks." sabi ni Shantal saka lumingon kay Nuki. Si Nuki naman, walang pag-aalinlangang inangkla ang braso kay Shantal.
"Sure." ngisi nya pa.
Nung nawala silang tatlo, narealize ko kung anong pakulo ang ginawa ng mga kaibigan ko. They left us here! Para mag-usap kami ni David. Now, this is awkward.
"Ah, t-thank you pala, David." awkward kong sabi saka tumikhim. Alam nyang nagkagusto ako sa kanya noon, kaya nakakahiya.
"It's okay, buti na lang ako agad ang natakbuhan ng mga kaibigan mo, saktong nandoon ako sa field. Napuntahan kita agad."
Wala sya sa canteen? Akala ko magkasama sila ni Ira-- puno nga pala ng kasinungalingan ang bibig ng babaeng iyon. Naalala ko bigla 'yung mga sinabi nya. Her accusations about me, the hurtftul words she have said. Hanggang ngayon nakakainis pa din.
"Gutom ka ba? May dala akong donuts. Actually, baon ko ito. Pero sayo na lang." ngiti nya. Somehow, his smile can literally bring up the atmosphere.
Siguro ito yung pinakanagustuhan ko kay David noon, napakamaalaga nya, nakikita ko 'yon sa kung paano niya tratuhin ang mga kaibigan nya.
"Salamat David."
He chuckled heartily. Ewan ko ba, na-aamuse pa din ako sa mga kilos nya. Saka parang imposible itong nangyayari. Am I dreaming? Naiimagine ko lang ito dati ngunit ngayong nandito na ay parang imposible.
"Napakapormal mo, loosen up, Diwy."
Napanguso ako. "P-pasensya na."
Bigla syang tumigil saka tumitig sakin, para akong biglang nailang. I smiled awkwardly.
YOU ARE READING
Dumb Luck
Teen FictionShe is like a princess, a modern princess living in a beautiful fairytale. Dominique Yngrid Villaluna has all the things a girl certainly wants. Loving parents. Attractive looks. Admirers. Good social life. True friends. But what happened one day sh...