***Dreaming
“Sino ‘to? Nasan ako? Sino ka? Kilala ba kita? Ikaw ba mapapangasawa ko? Russell? O kaya magiging boyfriend ko?”
“Pero bakit ganun? Ba’t ka nakatalikod? Bakit di mo ipakita 'yung mukha mo? Bat di ka nagsasalita?”
“Tadhana na ang bahalang magdigta ng mga mangyayari.” Tanging naisagot ng misteryosong lalaki.
“Ha? Ano? Pero bakittt?” Kasabay ng paglaho ng lalaki.
***End of Dreaming
November 6, 20**
Allyson’s POV
Ako nga pala si Allyson Via Marasigan. Mayaman din dahil sa Ama kong lawyer. Mabait. Friendly. Sweet na friend at girlfriend. Pero masungit ha? HIhihihi :)
Balik na ulit sa dati ang klase ngayon. Makikita ko na ulit ang mga makukulit kong kaibigan at syempre ang super sweet kong boyfriend. Sino siya? Makikilala niyo din yon!
Naligo at nagbihis lang ako saglit then kainan na! :)
Pagdating ko ng school, eto nakatulala na naman ako. Iniisip ko pa din kasi ‘yung napaginipan ko.
“Hoy Allyson Via Marasigan! Gumising ka nga lang dyan! Masasapak na kita eh!” Sabi nang kaibigan kong si Jessy. Iyan ang nagpabalik sa akin sa aking wisyo.
Siya si Jessy Tolentino, Leader naming kung tawagin. Siya lang naman kasi ang leader ng lakwatsa. Isa rin siyang Music Lover. Boses pa lang panalo na!
“Ano ba kasi yang iniisip mo? Spill it!” Sabi naman ni Chloe.
Siya si Chloe Jade Dela Cruz. Isang maganda at sosyaling babae. Siya ang Goddess of Fashion! *I don’t need to explain it*
“Onga Sis! Excited na ko!” singit ni Samantha
Siya si Samantha Enriquez. Small but Terrible. Makulit at tinaguriang clown ng barkada. Masyado kasing pala joke eh. Pero minsan Corny :D
“Okey eto na nga, may napanaginipan kasi ako. Isang lalaki ng kasama ko daw. Kaso nakatalikod eh. Sa tingin ko nga si Russell yun eh. Tadhana na daw kasi bahalang magsabi nang mangyayare eh, Syempre pitong buwan na kami noh! Mahirap nang paghiwalayin to! Fate na eh.
“MAY DESTINY PA KAYA!” Sambit ng tatlo.
“At talagang sabay sabay pa ah? Pinagtutulungan nyo ba ako? Kaibigan ko ba talaga kayo o ano?” naisagot ko na lang.
“Via, may pagkain ka ba dyan?” Pagiiba ni Jessy ng topic.
Hay nako, kaibigan ko ba talaga tong mga to?
Di na nagbago ‘tong si Jessy. Basta may pagkaen, GORA!
“Ah e, eto oh!” Sabay kuha ng Piattos sa bag.
**Bell
“Aw. Di man lan natin nasulit ‘yung pagkaen at pagkekwentuhan naten.” Dagdag ni Jessy.
“Tara na nga, balik na tayo sa mga upuan naten. Masungitan pa tayo ni Mr. Ruiz. Diba?” Singit ni Chloe
O ayun nga, bumalik na kami sa mga upuan namin. Math na kasi e. Ayoko ng klase ko ngayong araw. Iniintay ko lang naman ‘yung bell eh.
Hanggang ngayon kasi hindi ko makalimutan ‘yung panaginip ko eh. Nababagabag pa din kasi ako eh. Si Russell kaya ‘yun? Di ko pa kasi sya nakikita e. Di man lang ako pinuntahan nung pasukan e.
Hirap nang ganto. Dami kong iniisip.
“Ms. Marasigan, why are you staring to Mr. Francisco? Is there anything wrong?” Sabi ni Mr. Ruiz.
Yan na nga ba sinasabi ko eh. Ayokong masungitan eh. Baka sungitan ko din siya eh!
“Ah wala po. Salamat po sa concern.”
O ayan na nga, Salamat naman at nagbell na.
**Recess
“Ui Sis, iniisip mo na naman ‘yung nangyare kanina?” Bungad sakin ni Samantha
“Oy Marasigan si Nathan oh !” Sabay turo ni Jessy kay Nathan.
"Hi Girls! Hi Allyson!" Sabi ni Nathan
- - - - - -
Author's Note
Sino si Nathan?
Two-timer ba si Allyson? O kaya three? Four? Baka pwedeng Five!
Hahaha. Abangan!
Thankyou sa mga nagbasa! Godbless! Spread the Love <3 -editors