Girl Talk 1

50 2 0
                                    

Ang girls kapag may boyfriend,full effort sa bf nila.Kapag monthsary,sino ba ang nage-effort?

Diba girls? Sila yung nagre-ready nang surprise.Sila yung bumibili nang mga magagarang regalo para sa bf nila.Sila yung tipong may nobela at mala-MMK na letter at message sa bf nila.Sila yung halos gawin lahat para lang maging masaya yung bf nila sa araw na yun.

Endangered na ang mga lalaking nagsu-surprise at nagreregalo sa gf sa panahon ngayon.Yung tipong may surprise date o kaya surprise venue sa resto,bihira nalang yung ganun.

Sa panahon ngayon,ang mga lalaki,wala nang pake kapag Monthsary/Anniversary nila.Bilang sa daliri ang mga lalaking loyal at sobrang sweet,masyado na silang nauubos.Yung iba pa ngang mga lalaki,di alam kung kelan ang monthsary nila eh.

Boys,di niyo ba alam na tuwing nakakalimutan niyo ang date kung kelan naging kayo ay parang pinapakita niyo sa girls na wala kayong pake sa araw na yun.Parang sinasampal niyo samin yung salitang PAKE.WALANG PAKE.

Di niyo ba alam na masakit yun,sobra.Sana kung ganun gagawin niyo yun,makipaghiwalay nalang kayo samin,kasi ganun din eh.Parehas lang yung timbang nung SAKIT.

Kaming girls,madaling magpatawad,pero tandaan niyo matagal kaming makalimot.

Ang girls,may bestfriend,barkada at boyfriend.Pero napaka-swerte mo kung ikaw lahat yun. :) ♡

Mahalin mo girlfriend mo.Nag-iisa lang sila.Tandaan mo babae sila,gaya din nang nanay mo,kaya kapag sinaktan mo sila,parang sinaktan mo na din nanay mo.

:)

-NahLei rocks <3

Girl Talk.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon