Shortest Time

12 0 0
                                    

Faith,

Ilang taon ba kitang nakasama? Ilang buwan? Ilang araw? Ilang oras? Ilang minuto? Ilang segundo na ba ang nabilang mo nang kasama ako?

Nakakatawa naman. Dahil sa letcheng leukemia mo, kakaunti lang ang oras na nagkasama tayo.

Pero dahil sa sakit mo, nagkita't nagkakilala tayo. Tanda mo ba nung una kitang makilala? Nasa ospital tayo nun. Nagkatabi tayo sa emergency room. Nabigla ako nang bigla kang sumuka sa damit ko. Wala kang kasama nun, kaya nanatili muna ako sa tabi mo.

Nagtiwala ka rin naman agad sakin. Ako ang pinaglabasan mo ng loob nung araw na iyon. Ikinwento mo sa akin na sumalangit na ang mga magulang mo, at iniwan ka ng mga kamag-anak mo sa isang foundation, dahil hindi ka nila kayang pagamutin. Naisip ko, ang cliche ng buhay mo. Parang napapanood lang sa pelikula ang kwento mo.

Naisip ko na dahil wala naman akong magawang matino sa buhay, tutulong na lang ako sa foundation nyo. Pakiramdam ko, maganda kung mapapalapit ako sayo. Ginusto kitang maging kaibigan.

Ayun nga, natupad ang hiling ko na maging kaibigan ka.

Kaya lang, parati kong naiisip, kung nawala ka, sino ang mas masasaktan sa ating dalawa.

Itinanong ko iyon sa batang may kanser. Ano bang mas masakit? Ang mang-iwan o ang maiwanan? Sabi nya pareho lang daw.

Masakit daw ang maiwanan, kasi wala na yung nasa tabi mo. Mamumuhay ka nang mag-isa. Pakiramdam mo may kulang sayo. Wala nang sasalubong sayo na may dalang donuts, wala ka nang kasamang maglaro ng basketbol, at nawalan ka ng isang taong magpapahalaga sayo. Nawala nga sya, pati na rin ang isang parte mo.

Masakit rin daw ang mang-iwan. Sabi sakin nung bata, masakit na makita mo ang mommy mo na umiiyak ng husto. Gusto mo syang yakapin at sabihin na tahan na. Pero hanggang pagtingin ka na lang. Di ko sya mahahawakan, o makausap man lang. Masakit kapag wala na ang lahat sayo. Kung ang naiwanan, iilang tao lang ang nawala sa kanya, ang nang-iwan naman, wala na ang lahat na para sa kanya. Wala nang ngingiti sayo at sasabihin na ayos lang ang lahat. Wala na ang lahat sayo.

Buti pa ang bata, naiintindihan ang nararamdaman ng iba.

Kasi ako, hindi.

Pero yung nag-iisang Faith ko ang nakapagpabago sakin. Natutunan kong magpahalaga.

At dun ko nalaman ang tunay na pag-ibig.

Mahal na pala kita. At minahal mo rin ako.

Sa napakaikling oras na yun, dun ako naging pinakamasaya sa buong buhay ko.

Kaya nung nawala ka, parang nawala na rin ako. Di lang ikaw ang namatay, sinama mo na rin ang puso ko.

Hindi ko matanggap na wala ka na. Labis na lungkot ang naramdaman ko.

Hanggang matanggap ko ang sulat na ipinapabigay mo.

Sabi mo, kapag namatay ka na, wag akong mapapariwara. Wag akong magpapagutom. Lagi akong kakain. Wag akong magbibisyo. Porket wala ka na, wag akong gagawa ng makakasama sa iba at para sa sarili ko. Dahil sabi mo, pinapanood mo ako sa langit. Sabi mo, kung pwede lang, magmahal ako ulit. Basta wag lang kitang kalimutan.

Mas lalo ko akong napaiyak nang mabasa ko iyon. Dahil yun ang gusto mo, susubukan kong mamuhay ng maganda. Yun lang naman ang hiling mo sakin diba?

Kaya Faith, salamat sa lahat-lahat. Salamat sa 1 year, 3 months, 6 days, 15 hours and 5 minutes na pinagsamahan natin.

Thank you for the time I have spent with you.

It was the shortest time I have spent with someone, and it was the one I treasured the most.

Dahil hindi nasusukat ng oras ang pagmamahal.

Nagmamahal,

Jake

××××××××××××××××××××

Author's Note

Andrama naman nito.

Hahahaha.

Pero yay, nadagdagan na naman ang mga stories ko.

Bakit ko naisulat ito?

May napanood kasi akong movie. Masyadong tear-jerker. May sakit yung girl, tapos yung boyfriend nya, pinakasalan siya. Yun rin yung araw na namatay si girl. Mahal na mahal talaga sya nung lalaki. Bilang pag-alala sa girlfriend niya, dinonate nya yung bone marrow nya.

Iba talaga nagagawa ng pag-ibig.

Naks.

Thank you po sa pagbasa. :))

Harthart,

shea the great

Shortest TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon