XLVIII.

344 15 0
                                    

Apollo Panget

2:23 pm
DARLINGGG

2:25 pm
Hyacinth

2:28 pm
Bebe ko

2:30 pm
I'm not your fucking 'bebe'.

2:31 pm
Ay galit agad? :(

2:33 pm
Pangit mo kasi

2:40 pm
Ito naman! Miss lang kita. 'Di mo 'ko pinansin sa Antonio kanina dati naman minumura mo agad ako 'pag nagkakasalubong tayo

2:41 pm
Sa sobrang araw-araw yong pagmumura mo iniisip ko na lang may pagmamahal yong kasama 😞

2:43 pm
Puro galit yong feelings ko punyeta ka

2:45 pm
Bat ka ba galit? Gutom ka ba? May uod na naman ba pusa mo?

2:47 pm
Lakampake

2:50 pm
Yi, bakit nga? Wala naman ako ginawa ah?

2:51 pm
Badtrip ako tantanan mo 'ko Apollo di ako natutuwa sa 'yo ngayon

2:53 pm
Ay bat naman ganon 😞

2:55 pm
Tanong mo sa mama mo

2:57 pm
Ay galit talaga siya oh

3:00 pm
Bat iniinis mo pa ako ha hoy puta ka Apollo kung wala kang magawa wag ako ha putang ina ayoko ng ganito tang ina ka gigil ako sa 'yo pero masamang gigil to

3:02 pm
Anong ayaw mo?

3:04 pm
'Yong naiirita ako kasi putang ina 'di ko alam kung tinatarantado mo 'ko kasi olats ka noon kay Daph tas nakatuwaan mo ako pero pakyu wag ako

3:07 pm
Kakatuwa yon kasi no putang ina ang angas ko tas challenging ako makuha pota ka talaga naiiyak ako sa sobrang banas ko sa 'yo gusto na naman kitang sapakin

3:09 pm
Di ba sabi ko sa 'yo 'wag kang iiyak!

3:11 pm
Oh kase ang pangit ko sabi mo!! Gago ka tas si Daph perfect kahit umiiyak mukhang manika, ako mukhang putaragis??

3:13 pm
Tanga hindi

3:14 pm
Kasi 'pag umiiyak ka gusto kitang alagaan

3:17 pm
Hinihingi na nga kita sa mundo e tang ina kahit mas maangas ka saken ang sarap mo alagaan

3:19 pm
'Di kita ginagago. Kahit binubudol-budol mo 'ko masaya ako 'pag goods ka

3:21 pm
Namo

3:22 pm
Nagseselos ka ba kay Daphne?

3:24 pm
Kapal mo

3:26 pm
'Yong totoo na kasi Hayi tang ina ang dami mo nang sinabi binibitin mo kilig ko

3:27 pm
Hayop ka talaga

3:31 pm
Ito na lang...

3:32 pm
Gusto kita. Kahit lagi mo 'kong sinosoplak

3:33 pm
Dinadaan ko sa biro kasi nakakatameme 'yong pagiging matapang mo at outspoken

3:35 pm
Pero 'pag may manyak o umiiyak ka kulang na lang ibulsa kita para 'wag kang saktan ng mundo

3:36 pm
Seryoso 'ko sa 'yo. Malinaw na?

Meant for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon