Purpose

19 0 0
                                    

Bakit nga ba ako nandito sa mundong ito? Ano ang aking misyon? Ano ang aking tatahaking landas?

Maraming mga tanong ang kumukulit sa ating isip na tila nagtatanong na ano nga ba ang ating misyon dito sa mundong ito at bakit tayo nandirito. Para sakin marami ang sagot ngunit isa lang ang payak kong kasagutan. Mayroon kang kabuluhan kung bakit ka nandirito sa mundong ito. Maaring pwede kang maging tagumpay sa lahat ng iyong gagawin. Matututo ka sa iyong pagkakamali. Marami kang makikilalang tao at makakapunta ka sa ibat ibang lugar. Magkakaroon ka ng magandang pamumuhay at higit sa lahat magkakaroon ng saysay ang iyong buhay.

Meron kang pagpipilian kung ano ba ang gusto mong mangyari sa iyong buhay. Pwede kang maging Doctor, Engineer, Abogado, Pari, Madre, Technician, Guro, Sundalo, Pulis, Nurse, Journalism at marami pang iba. Nasa iyong mga kapalaran at nasa "Choice" mo kung ano ang magiging ikaw. Ikaw ang bubuo ng iyong mga pangarap. Ibibigay at ibibigay talaga kung ano ang para sa iyo. Patuloy kalang dapat sa mabuti mong ginagawa. Huwag kang mawawalan ng pagasa. Laging nandyan ang Diyos. Mayroon kang saysay kung bakit nandirito ka sa mundong ito.

Kung ano ang iyong "choice" yun din ang iyong "purpose". Madalas kung ano ang iyong "passion" o hilig, nagpapasaya sayo ay yun din ang iyong "purpose". Lagi mong iisipin na meron kang saysay at kabuluhan kung bakit ka nandirito sa mundong ito. "Choice , Passion and Purpose". Maging masaya ka nawa sa lahat ng iyong ginagawa.

Create YourselfWhere stories live. Discover now