Chapter 2

11 0 4
                                    

It's already wednesday. Pag katapos ng nangyare sa Resto bar noong Monday ay hindi ko pa din gaanong kinakausap si Cedric. I mean normal lang kapag may itatanong sya ayon lang ang isasagot ko. Unlike Jia ay close na close sila. Friendly kase to, nag muka tuloy ako yung transfer sa'ming tatlo dito. Bakit ba kase hindi ako kumportable sakanya.

Bago pa mag simula si Ma'am Lopez ng lesson ay nag salita muna sya. Prof. namin sa Biology. “May Science club na gaganapin next week, kaya kailangan nyo bumuo ng grupo.” Sabi nya sa'min habang may binubunot na maliliit na papel. I guest names namin ang nakalagay don.

Lima sa bawat grupo kaya ayos din para mabilis ang gawain. Hirap kaya kapag onti tapos gagawa pa ng booth. Nag bigay na si maam ng mga grupo at natawag na din si Jia habang ako ay hindi pa. Mag kaiba tuloy kami ng grupo.

“Last, Rios, Jacinto, Montague, Bryle, at Chan.” Kami ang huling grupo na binanggit ni Ma'am. Fvck, wala akong ka close.

Sabi saamin ni Ma'am na mag usap usap na muna kami sa plano namin at bukas na lang sya mag le-lesson. Pumunta na sila sa kanya kanyang grupo, hindi na kami umalis ni Cedric sa pwesto namin dahil sila na mismo ang lumapit saamin.

“Hey bro!” Bati ni Brandon kay Cedric at nag apir sila. Tatlong lalaki at dalawang babae kami dito sa group. Si Brandon na pasaway, pero tumutulong naman sya. Naging ka grupo ko na yan dati. Si Kian na tahimik, you know what ang mysterious nya. Lagi lang naka earphone sa gilid. Si Kyla naman ang bitchesang kaklase ko. Super maldita kaya hindi namin yan nilalapitan ni Jia, nakaaway nya din yan eh. Tapos etong si Cedric na transfer. Fvck bakit dito pa ako na punta sa grupo na to. Argh! Mas magandang mag sarili na lang ako. chour, mas magandang lumipat na lang ako.

“So anong gagawin naten?” Matinis ang boses ni Kyla kaya nakakainis dagdag mo pa yung kapal ng kilay nya na nagtataray. Kaya mo yan self wooh.

“Tutal science club to. For sure madami ng gagawa ng activities about Science. Mag photo booth na lang tayo.” Sabi ni Brandon.

“Ay Oo nga, tapos imbis na shades, sumbrelo. Gawin nating Organs.” Sabi naman ni Kian. Fvck ano yun? Organs. 'di ko na gets sinabi nya depota.

Habang nag su-suggest sila ay naka halumbaba lang ako. Pinapabayaan naman nila ako dahil alam nila na magaling ako pag dating sa pag gawa. Madalas ako sumali sa Arts Contest. Biniyayaan ako ng malikhaing kamay. charot. Hindi ko sinasadyang ma patingin kay Cedric na sa ngayon ay nakatingin din sa'kin. Parehas naman kaming umiwas. Awkward non ah.

“Ehem. Mag suggest ka naman Akira.” Sabi ni Cedric kaya tumingin sila saakin.

“Hmm, Photo Booth na lang gaya ng sinabi ni Brandon. Para 'di magastos.” I try my voice to a friendly tone.

“Diba! galing ko no? Tara okay na yan, balik na tayo.” Akmang tatayo na si Brandon pero pinigilan ko sya. Grabe wala man lang kaplano plano sa gagawin namin.

“Hoy pag planuhan naman naten!” Iritado kong sabi sakanya. Kahit hindi ako nakatingin kay Cedric ay kita ko sa peripheral vision ko na natatawa sya. Na rinig ko pa yung sinabi nyang Init ng ulo.

Time passed at hindi talaga ako kumportable dahil madalas ang pag titig saakin ni Cedric. Kapag naman tumitingin ako sakanya umiiwas sya. Bano. Nag suggest si Cedric na sa bahay na lang nila kami gumawa. Ayos lang naman sakanila kaya ano pa bang magagawa ko edi um-oo na lang ako.

“Uuwi muna ako ha. Mag bibihis lang ako.” Pag papaalam ni Kyla. Hindi sana papayag si Brandon para mabilis ang gawain kaso nag inarte ang gaga kaya pinabayaan na lang nya.

“Jia mauna ka na lang. Gagawa pa kami ng mga kailangan namin para sa Booth eh.” Sabi ko kay Jia habang nag aayos ng mga gamit.

“Sure, Ingat ka girl.” Nag beso pa kami bago tuluyan syang umalis. Naiwan naman ako kasama sila Cedric. Pumunta na kami sa parking lot, mag kakatabi silang tatlo na nag lalakad  sa harapan ko habang nasa likod ako kaya nag salpak na lang ako ng earphone. Sa kotse kami ni Cedric sasakay. Yamanin  den ang isang to.

Mag katabi si Brandon at Kian sa back seat palibhasa parehas nag lalaro ng Online games sa Cellphone. “Tumabi kana sa'kin Aki.” Alok nya sa'kin ni Cedric. Hindi ako sanay na Aki ang tinawag nya sa'kin. Sila Jia lang kase ang madalas tumawag sa'kin non.

“Hoy tangina yung Mid lane!” Grabe naman 'tong si Brandon nag lalaro na nga lang kailangan pa sumigaw. Tumingin ako sa Bintana para maiba ang direksyon na tinitignan ko.

“Are you alright?” Hindi ko alam kung ako ba kausap ni Cedric kaya tinignan ko lang sya. Natawa naman sya dahil sa inasta ko.

“Pfft, I'm talking to you Akira.” Pag lilinaw nya sa'kin.

“Uh, yes I guess?” Nakatingin pa din ako sakanya habang nag da-drive sya. Gwapo nga talaga 'tong si Cedric. 'di ko matatangi na madaming nag kakagusto sakanya.

“Siguro tahimik ka lang talaga, Or ayaw mo lang ako kausap.” He said while trying to look at me.

“Parehas eh.” Sabi ko sakanya at umayos ng upo. Masyado na akong napapatingin sakanya. Onti na lang at baka makabisado ko yung side look nya.

“Ouch, saket non ah.” Umaktong humawak pa sya sa dibdib nya na parang sinaksak ito. pfft.

“Crazy.” Umiling na lang ako at sinulyapan sya sa huling beses naka ngiti lang sya habang nag mamaneho. May uunting buhok na nalalaglag at sumasagi sa mata nya kaya hinahawi nya ito. 'Di ko alam pero parang nangaakit sya na ewan. Nagulat ako dahil bigla syang tumingin sa'kin at kinindatan ako.

“If staring is a crime, you might be in a jail.” Sabi nya sa'kin at umiwas ng tingin sakanya. Ang kapal grabe! bawal bang tumingin. Duh curious lang ako sa itsura nya. How can be a guy like him look so seductive while driving?

--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Path Of LoveWhere stories live. Discover now