Sabi nila pinakamasaya ang maging high school.
Sabi ko oo, dahil dito mo mararanasan lahat.
Matututo kang maglakwatsa na di alam ng iyong ina.
Matututo kang gumawa ng kabalastugan na di alam ng iyong ama.
Matututo kang magmakaawa sa titser mong napakababa magbigay ng marka
Dadami ang iyong kaibigan na akala ng iyong magulang ay nakakasama sa iyong pag aaral
Meron din namang mabuti dahil makakaya mong magtyaga makatapos lang
Pero alam nyo ba sa una hanggang ikatlong taon taon lang yan
Dahil pag dumating ka na sa ikaapat na taon,
Diyan mo mararamdaman lahat lahat.
Diyan mo maiisip kung gaano kahirap maging hayskul.
At kung gaano kahirap maging 4th year.