~When will I be heard? whispering feelings to my bed~
As I sang the last words from my song I heard clappings and shoutings.
I smiled and continued to smile to show my appreciation to my fans.
"Thank you for accompanying me tonight Krystaceans!" I shouted while holding a mic. Smiles and tears forming in my face.
"I just wanted to tell you guys na this will be my last time singing and I'll be forever grateful to all of you who supported me throughout my journey. This is the end." wika ko sa isang kalamadong tono na nakapagpatahimik sa buong arena na hindi nagtagal ay napalitan pa rin ng sigawan. They did not believe me, they did not listen, as always.
"Thank you for always listening to me! I love you all!" patuloy ko pa bago unti unting umaalis sa stage na hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi at patuloy na kumakaway ang kamay hanggang sa nakapasok na ako sa kurtina at hindi na nila ako nakita. It's a lie, nobody ever listened.
*Claps*
"We love you Krysta!"
"Waaaaaah!!!!!"
"NGUMITI KA PALAGI KRYSTA!!"
"KRYSTACEANS!"
Pagpasok sa prep room ay dumiretso ako sa comfort room na hindi pinansin ang samu't-saring tao na sumalubong sakin na puno ng pagtataka ang mga mukha, para doon sa loob ilabas ang kanina ko pang pinipigilan na pag-iyak.
Mula sa banyo ay rinig ko pa rin ang iilang sigawan ng mga fans na pangalan ko at ng nabuong fandom ang sinisigaw.
Tinignan ko ang repleksyon ko mula sa salamin at bakas ang pagod sa mga mata ko. How come I was not heard? I sang with my whole heart desperately wanting to be heard but I wasn't. I decided it to be the last.
I loved singing kasi doon ako pinapakinggan but I never planned to be a singer.
Singing makes me feel like someone was listening but it turns out no one was.
I was always afraid of opening up and speaking up about what I'm feeling. I believe that I was given the talent to sing and to write songs because it will be how I can make someone listen to me.
Your talent is your way of expressing yourself.
Napabalikwas ako ng pwersahang bumukas ang pinto ng comfort room at humarap sa akin ang galit na galit na mukha ng manager ko.
"What was that Krys!?" sigaw nito na tila 'di napansin ang mga bakas ng luha sa mukha ko.
"I want to quit, I don't like singing anymore." I plainly replied ignoring the sign of tears in my face, just like they always do.
"You can't do that! Malaki ang babayaran mo at baka makulong ka pa!" sigaw nito na bakas ang galit sa mukha dahil sa sinabi ko.
"I can pay! they can't sue me after all the things that I've experienced here!" sigaw ko pabalik.
"Putangina Krys! Bata ka ba? You can't just do that!" galit na sigaw nito.
"Tapos na ang kontrata ko."
"I quit." pinal na sabi ko bago tumakbo palabas ng comfort room para kunin ang bag ko.
Gulat ang ekspresyon ng mga taong nakakasalubong ko habang tumatakbo ako papunta sa parking lot.
Nang nakita ang sasakyan ko ay dali-dali akong pumasok at nagmaneho paalis dahil panigurado ay susundan ako nito.
I was so distracted in driving that I did not notice that I was on my way to the deeper mountain of Batangas.
Ang malamig na simoy ng hangin na dala ng unti-unting pagdilim ay tumatama sa mukha ko.
"Hi! I saw your video, I can make you famous." bati ng isang mid-30's na lalaki na nakasuot ng isang suit.
Ngumiti ako at umiling at aakma na na tatalikod ng nagsalita ulit ito.
"Panigurado 'pag sumikat ka ay marami ang makikinig sa'yo." patuloy nito na nakapagpahinto sa'kin.
"Ano? Let's go and talk about it." sabi nito at umakbay sa'kin na ang kamay ay dumaplis sa kaliwang dibdib ko.
"Krys, dito ka lang ha? Darating dito yung head at kakausapin ka, be good at sundin mo lang siya." paalaa nito bago lumabas ng office ng head 'daw'
"Hey! Are you Krys?" bungad na tanong sakin ng isang matandang lalaki pag-pasok ng office.
"Yes po." magalang na sagot ko at saka tumayo sa kinauupuan ko.
Lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay at balikat ko bago nagpakilala.
"I'm Sir David, I can take you miles from just singing." pagpapakilala nito.
Ngumiti lamang ako dahil bumaba ang kamay nito sa bewang ko at dinikit ako ng pasimple sa katawan niya.
"Sir, hindi na po ako komportable sa distansya natin." mahinahong sabi ko.
"Oh no be comfortable" sabay bitaw sakin at ngisi.
"Here sign this." sabay bigay ng ballpen at mga papel sa'kin at papirmahan.
I was molested, continuously. I tried saying "No" but they did not listen. I tried going to the police but they failed to listen. I tried writing and singing my experience but they did not listen.
I did what I think I can do but nobody listened. They never did.
*BEEEEEEEEEEEEP BEEEEEEEEEP*
/dugsbsonsuskslsglso/
It all happened too fast. Muntik na akong mabangga ng isang truck at iniwas ko ang sasakyan ko kaya nahulog ako sa isang bangin.
I woke up feeling pain all over my body, nakita ko ang maraming sugat at dugo na nasa katawan ko.
Dama ko ang sakit sa dibdib at ramdam ang hirap sa paghinga, maybe few of my bones are broken.
I rested and stared at the orange sky still catching my breath and feeling pain all over my body, mukhang maggagabi na.
Memories flashed in front of my eyes.
Binubuksan ko ang mga letter galing sa mga fans.
I smiled when I read a paragraph on one of the letters.
".... Your songs made me speak of, your songs inspired me to stand up for myself and now I overcame all the fears and doubts and have come to love life. I will always listen to you, as you one day overcome yours."
I will and have always loved life.
Unti-unti akong gumapang at humingi ng tulong.
"Tulong"
"Tulungan niyo ako, please."
"Tulong."
Mahina kong paghingi ng tulong, naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at ang unti-unting panghihina ng katawan ko.
Let me be heard.
"Nasaan ako?" bungad na tanong sa lalaki na ngayo'y nasa harap ko.
"Nasa hospital ka, buti at nagising ka." sagot nito sa nag-aalalang mukha.
"How?" halos pabulong kong tanong habang pinipigilan ang luha sa mata ko.
"I heard you"
-------------
Another One Shot Story to express what I'm feeling right now.
June 1, 2020, 5:26pm
Thank you for reading.