Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan
'Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayanTayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundoKinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikanPinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isaHindi na maibabalik ang dati nating pagsasama
Ang tamis ng iyong halik ay 'di na madarama
Pangako sa isa't isa ay 'di na mabubuhay pa
Paalam sa 'ting pag-ibig na minsa'y pinag-isaTayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundoKinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikanPinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isaKinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Pag-ibig na ating sinayangPinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Hanggang dito na lang tayoPinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isa