Heaven Aphrodite Avenido Corazon pangalan ng isang babae na nakasulat sa isang parihabang babasagin na nakapatong sa lamesa na kulay itim sa isang opisina na napakasopistikadong tingnan.Isang babae na nakadungaw sa salamin ng kanyang opisina para tingnan ang labas at nagpapaalon sa kanyang isip kasabay ng pagulan na sinasabayang ng isang awitin ni Bruno Marz na it Will Rain
If you ever leave me, baby,
Leave some morphine at my door
'Cause it would take a whole lot of medication
To realize what we used to have,
We don't have it anymore.Ilang taon na pala ang nakakalipas pero dalawang lalaki lang nagparanas sa akin ng malaprinsesang karanasan ng pagibig.
There's no religion that could save me
No matter how long my knees are on the floor (Ooh)
So keep in mind all the sacrifices I'm makin'
To keep you by my side
To keep you from walkin' out the door.Ilang beses din ako nagmukhang tanga ng dahil sa pagibig na yan sa tuwing inaalala ko ang nga nakaraan ko tila nabubuhay sa dugo ko ang pagkainis at galit para sa aking sarili dahil hinayaan kong mangyari sa akin iyon na halos mabaliw ako kakaisip kung ano ang mali sa akin.
Beeeep!
Tila nagbalik ako sa realidad ng narinig ko ang isang tunog na nanggaling sa pinto ng aking opisina na nagsasabing may nais kumausap sa akin ngayong oras kaya pinatay ko ang tugtugin na nanggagaling sa bluetooth speaker ko na nakapatong sa lamesa na malapit sa bintana kung saan ako nakadungaw at pinindot ko ang intercom device.
"Hello Ms. Tiana what is it?"
"Good Morning Ma'am Heaven andito po si Ma'am Alyana nais ka daw po niya makausap" -Tiana
" ah sige papasukin mo na lang"
"Yes po Ma'am" - tiana
" sige un lang tiana makakabalik ka na sa trabaho"
" Sige po maam"- tiana
Bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok dito ang isang babae na nagngangalang Alyana Kempis isang kaibigan ni Heaven at umupo ito sa sofa na komportableng komportable.
"HOY BRUHA! Namiss kita umuulan ngayon ano nagmumukmok ka nanaman yan talagang gawain mo mula bata pa tayo hanggang ngayon dala dala mo pa rin"
Umupo ako sa sofa na kung saan katapat ng inuupuan ni alyana
" Talaga lang yan ang bungad mo sa akin kaya ka narito? Baka nakakalimutan mo lunes ngayon at marami akong trabaho"
"Hay nako Heaven sa pangalan mo pa lang mala heaven na ang buhay mo ngayon tingnan mo tong opisina mo na napakalaki na may malaking bookshelves sa likod ng upuan at lamesa mo na gawa sa babasagin huwag mong sasabihin na busy ka kahit wala ka naman dito sa opisina mo kumikita pa rin no kahit nga hindi ka pumasok ng ilang linggo noh Jusmiyo!"
"HAHAHAHA yan talaga ang sasabihin mo kung bakit nandito ka ngayon sa opisina ko?"
Nilibot ko ang tingin sa aking opisina makikita mo na napakalinis isang malaking bookshelves na nakalagay lahat ng mga babasahin na pampalipas oras at mayroon mga libro na nagsasaad tungkol naman sa business at may mga trophy at kung ano ano pang abubot sa harap naman ng bookshelves ang babasagin kong lamesa , isang swivel chair na degulong, sa harap naman nito ay isang pares ng sofa na magkaharap na pinagigitnaan ulit ng isang babasagin na lamesa, sa harap nito, mapapansin din ang mga paintings na nakalagay sa dingding na siyang ipininta naman niya at sa gilid may malaking ref na naglalaman ng pagkain niya para hindi na siya lumabas sa kanyang silid at may mini kusina para sa mga lagayan at hugasan ng kanyang pinagkakainan, sa gilid nun ang kanyang banyo, sa isang dako naman isang malaking salamin na bintana na nagpapakita sa labas ng siyudad. Pinagawa niya iyon sa kadahilanang gusto niya makita ang labas at lalo na kapag umuulan. Oo nga malaheaven sa pakiramdam ang buhay nya dito sa loob ng kanyang opisina.
Bumalik ang tingin ko kay Alyana
"Heaven to earth? Tapos ka na bang pagmasdan tong opisina mo?"
"HAHAHAHA oo naman hinding hindi ako magsasawa tingnan to? Bakit may sinasabi ka ba?"
"Apparently kanina pako litanya ng litanya sayo hindi ka pala nakikinig nagpapakalunod ka nanaman sa pagtingin sa loob ng opisina mo"
" Pasensya na naaliw kasi ako eh" habang sinasabi ko ay siyang pagpigil ko ng tawa habang hindi na maipinta ang mukha ni alyana
" Alam kong opisina mo to at malaheaven ang pakiramdam dito sa loob bukod sa centralized ang aircon dito pero te saan ka makakakita ng opisina na halos buohin na ng kulay itim itong opisina mo at sino bang nakaisip na ilagay sa tuktok ng building tong opisina mo ilang floor ba meron ang building na ito?"
"Relax ka lang Hahaha para kang tigre na-"
" Sagutin mo mga tanong ko dali na" Sabat niya na hindi ako pinatapos magsalita na naging dahilan ng pagtawa ko ng malakas
"HAHAHAHA girl relax hmmmp ako lang naman ang nakaisip na sa tuktok ilagay ang opisina ko at asa 20th floor lang naman sya nakalagay at alam mo naman mula bata pa tayo ay itim na ang paborito kong kulay nasagot ko na ba lahat ng tanong mo?" Sagot ko pero natatawa pa rin ako habang nakatingin sa kanya
"Haist anlakas ng saltik mo heaven ang pangalan mo so expected na puti ang nais mo pero ending itim! MY ghad!" She rolled her eyes saying na may saltik ako "by the way my purpose for visiting you here is.."
May inabot siyang sobre sa akin
"Ano to? Huwag mong sabihin naghihirap ka na ngayon? At kailangan mo ng abuloy ko? Jusmiyo kilala na ang kompanya niyo na nagbebenta ng high-tech na mga computer set "
Nagpout siya at naglungkot lungkutan alam niyang mandidiri ako sa pagpapabebe
"Buksan mo kasi ng malaman mo"
"Oo na wag ka ngang magpabebe diyan hindi bagay sayo te"
At parehas kaming natawa
Binuksan ko ang sobre at nabasa kong ito ay hindi basta bastang sobre kundi ito ay invitation card na nagiimbinta sa akin sa isang kasal
You are invited to Kempis - Villarica nuptial
Be my made of honor
BINABASA MO ANG
Teardrops from Heaven
RandomLahat tayo umiiyak kapag nakakaramdam ng sakit ganun din kapag nakakaramdam tayo ng saya napapaiyak nalang tayo. Sabi nga nila ang buhay ay parang roller coaster minsan mabilis kang mapupunta sa taas pero minsan mabilis ka din mapupunta sa baba. Hin...