"Hinintay kita!" Ynna chirpily said.
"Baket? Anong meron?" Tiningnan ko yung sasakyan sa gilid niya and Jarred immediately lowered the window.
"Hello. Punta daw tayong mall sabi ni Ynna." I raised an eyebrow and looked at the both of them.
"Paano mo nalaman na dito ako lalabas?" Tanong ko sa kanya. Kakakilala lang namin kanina makaasta kala mo ang close close na namin.
"Dito ka pumasok kanina eh."
"Ynna, hindi porke't sa Gate 4 ako pumasok automatic sa Gate 4 din ako lalabas."
"I know. I know. Pero tiga Las Pinas ka so di ka dadaan ng Gate 2 panigurado kasi di ka naman magLLRT at matatagalan ka. Tas building palagi ng Polsci sa AB so mas malapit yung AB sa Gate 4 kaya alam ko na dito ka lalabas." She smiled weirdly. "Talino ko, right?"
"Weird baka."
"Tara, samahan moko magmall."
"Wala ka bang ibang kaibigan."
"I have lots."
"Edi yun yayain mo."
"Gusto pa kita makabond and besides." Kinuha niya yung phone niya and inabot sa akin. "Di pakita naadd sa Facebook at pasave na din ng number."
Huminga ako ng maluwag at ginawa na lang yung gusto niya. Sumama na din ako sa kanila kasi alam kong di ako titigilan ni Ynna. I only knew her for a day pero alam ko na di siya normal at alam kong di niya ako titigilan kaya agad na lang akong sumakay sa backseat. 2 hours din kami sa may San Lazaro. Wala kumain lang kami ng ramen.
Wala namang nangyari this month masyado. Nakuha lang ako sa trabaho na pinapasukan ko. Mr. Jaena was nice when he was interviewing me. Sabi niya he was kinda expecting me to apply din naman daw. I don't know how I should take that. Mukha ata akong sobrang nangailangan ng trabaho.
"Fevi" Lumingon agad ako kay Ms. Tareja. Yung assistant ni Sir Jaena.
"Bakit po?"
"Yung pamangkin ni Sir Jaena, papunta na dito. Sabay sabay na lang tayo magdinner?"
Dinner? Napatingin ako sa orasan ko at nakita ko na 9 pm na. Yung schedule ko kasi dito sa office ni Sir Jaena 6 pm to 10 pm pero pag weekdays 9 to 5 ako.
"Wag na lang po Ms. Tareja." Madami kasi akong ginagawa. Binabasa ko yung proposal para sa itatayong building for the elderly's. I don't really know why pero pinapabasa lang yun sa akin ni Sir Jaena. Sobrang di ko nga alam ano talaga function ko dito eh. Si Ms. Traveja kasi mostly errands, typing and meetings pinupuntahan niya for Mr. Jaena. Ako, sabog. I work as an secretary minsan pero minsan naman wala akong ginagawa kung hindi magbasa. Kala ko nga tutulong sa ako sa errands sa restaurants ng pamilya niya pero hindi naman.
Nagbasa pa ako about Philippine politics. Background ng mga sikat na political personalities. I jot down everything kasi alam kong mapapakinabangan ko din siya sa school.
"Ms. Tareja!" Biglang may sumigaw na lalaki pero hindi ako lumingon. Hell, I didn't even know na pumasok pala sa office section. I didn't even heard the bell rang.
"Uy Kale ijo"
"Pasensiya na po at nalate ako. Nagcocode po kasi ako sa bahay tas biglang dumating si daddy. Di na din po ako masyadong nakakadalaw at may inaasikaso lang po" He sounded so sincere and apologetic for what happened. "Dadalhin po sana kita sa restaurant pero dinalhan na lang po kita ng paborito niyong chicken kasi baka po pagod na din po kayo."
"Naku okay lang. Salamat dito ijo ha. Kainin natin mamaya."
Narinig ko na nagbulungan sa likod ko yung dalawa pero di pa din ako lumingon. Di ko naman kilala yung dumating.
YOU ARE READING
All are strangers
RomanceMaybe I was too ambitious. I even betrayed everyone just so I can climb up. It was a game of manipulation, and all there was, are strangers.