First Love :) [ONE SHOT]

76 3 0
                                    

Labing siyam na taon akong nabuhay sa paghihintay, sa pagasang darating din ang araw na makikita mo lahat ng ginagawa ko para sayo, lahat ng mga sakripisyo ko. Na dadating din ang araw na maiisip mong mahal mo ako.

Na kapag umalis ako at nalayo sayo  marerealize mong kailangan mo ako. At hihilingin mong maulit ang lahat para lang maiparamdam mo at masabi mo sakin kung gaano mo ko kamahal.

Pero para sayo ako padin ang taong tinuring mong kapatid, kababata at isang matalik na kaibigan. Isang bagay na hindi namaaring magbago pa. ok lang saken kahit ilang beses mo akong balewalain. Ilang beses mo man akong talikuran. Lagi lang akong andito para sayo.

Pero ngayong araw at oras na to, hinding hindi na ako ang taong maghihintay at aasa sayo. Ang taong nagkapatanga sa mahabang panahon.

Darating ang araw na magsisisi ka at hahanapin mo ko para sabihin kung gaano mo ako kamahal. Na ako lang ang hinahanap hanap mo sa bawat paggising mo sa umaga.

“Kahit kelan hindi kame magiging para sa isa’t isa.” Yan ang laging sinasabi ni Cody saken kapag sinasabi ng mga parents naming bagay na bagay kame sa isa’t isa.

“Masyado kameng madaming similarities kaya malabong maging kame.” Dagdag pa niya.

Gusto ko siyang sagutin na bakit hindi namen subukan, malay naten mag work. Diba?

Pero tatalikuran niya lang ako, para makaiwas na sa usapan.

Kelan man hindi siya yung tipo ng taong makikipagkwentuhan sayo tungkol sa nakaraan niyo.

Ayaw niyang pinag uusapan pa yung mga bagay na tapos na. Lage niyang sinasabeng “Bakit kailangan pang balikan ang nakaraan, bakit di nalang natin pagtuunan ng pansin kung anu tayo ngayon.”

Lahat ng mga nagiging desisyon niya at ginagawa niya ay eksakto at laging walang palpak. Siya yung tipo ng taong perpekto sa mata ng iba.

Gusto niyang laging perpekto ang bawat detalye at pangyayari sa buhay niya. Na hindi na kailanang pang balikan o alalahanin ang mga nakaraan.

lahat ng yan ang nagsilbing modelo ko para maging isang kagaya niya sa pag aakala kong darating ang araw na magugustuhan niya rin ako.

Masayahin ako noon, maingay, at boyish. Pero noon yun, bago ko pa man siya makilala.

nung una ko siyang Makita, tila tumigil sa pagtibok ang batang puso ko.

At alam ko ng simula nung araw na yun. Mahal ko na siya.

Minahal ko ang isang taong napaka hirap maabot, na nabubuhay bilang isang perpekto.

At dahil sa pagmamahal ko sakanya, ako ang nagsilbing anino ng lahat ng mga ginagawa niya.

Ang pagiging elegante, may class, masunurin, kalmado, matalino, formality, beauty & wit.

Lahat ng ito ay nasaken. Pero sa kabila ng lahat ng iyan hindi pa rin niya ako makuhang lingunin.

At kailanman hindi ako nagreklamo. Dahil kapag wala siya, parang wala ding silbi ang buhay ko.

Dahil siya, si Cody ay isang perpekto.

Araw-araw kong hinihiling na mging isang kagaya niya, na dumating na yung araw na Makita niya ako hindi bilang isang kababata kundi bilang isang kabiyak ng buhay niya.

Isang karapatdapat para sa pagmamahal niya.

Habang nag eempake ako ng mga gamit ko, Naalala ko kung pano kame nagkita ni Cody.

Malilit pa kame nung una kameng nagkita,

MAgkaibigan ang mga magulang namen, nag aral sila sa iisang University, at hanggang sa tumanda na sila hindi pa rin sila nawalan ng contact sa isa’t isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Love :) [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon