Hay,Friday na naman nakakatamad pumasok,kaya eto late na naman ang gising ko tapos ang bagal pa ng taxi na to syempre expected absent na ako sa first subject namin
Bumaba ako sa medyo malapit sa school kasi syempre sa likod ako dadaan pag sa harap kasi ako hindi din naman ako papapasukin ng guard na yun and no worries naman dahil nasanay na akong umakyat sa bakod ng school tuwing late ako
Dahan-dahan akong umakyat sa bakod kasi alam na baka sumabit yung palda ko kashit pa may jogging pants ako pag sumabit e di mapupunit.Nang makababa na ako ay dumretso ako sa CR para alisin ang jogging pants ko pagkatapos ay dinaanan ko na din yung locker ko para iwan ang iba kong gamit pati na rin ang jogging pants ko
Tinignan ko ang relo ko at since 07:23 palang naman ay pumunta muna ako sa cafeteria para bumuli ng sandwich,pagkatapos kong kumain ay tinignan ko ulit ang aking relo at 07:28 na kaya nagmadali akong pumunta sa room kasi 07:30 ang next subject namin.Pero pagpasok ko sa room, shit!hindi pa umaalis si miss Flores kaya ibinaba ko nalang ang tingin ko.
"Good morning miss, I'm sory I'm late"wika ko habang naka baba nag tingin at dahil hindi ako nakatiis ay tinignan ko siya at nakataas ang isa niyang kilay sa akin then maya maya ay tumayo at nagsalita
"So,miss Arellano kindly Enumerate the five branches of chemistry"Eto na naman tayo kaya nga hindi ako pumapasok sa subject na ito kasi ayaw ko talaga sa Chemistry pero sasagutan ko nalang dahil nakakangalay din tumayo
"Organic Chemistry,Inorganic Chemistry, Analytical Chemistry, Physical Chemistry, and Biochemistry"ayan buti at kinaya ko,papunta na sana ako sa upuan ko kaso nagsalita na naman kaya napakamot nalang ako sa ulo ko
"Chemistry" Eh?ano naman gagawin ko dun?
"Miss?"tanong ko sakanya
"Definition"Aba'y malay ko bang yung definition pala ang gusto netong malaman kung sana inayos yung tanong edi naka upo na sana ako ngayon
"The basic Chemical hypothesis that first emerged in classical Greece when Aristotle difined the four elamets of Fire,Air,Water, and Earth.It was not until the 17th and 18th centuries when scientist such as Robert Boyle and Antoine Lavoisier began to reshape the old alchemi---"
"Tama na yan definition lang ang tinanong ko History na ang sinabi mo,sumosobra na ang kayabangan mo"Pinutol niya yung sinasabi ko at padabog na kinuha ang mga gamit,at ano daw Kayabangan? kasalanan ko ba na yun ang alam ko?tsk.bahala siya sa buhay niya makaupo na nga lang nakakangalay
Ipinatong ko ang bag ko sa table ko at nilagay ko ang headset ko para walang maka istorbo atsaka ako pumikit kasi mukhang hindi na naman papasok si Sir Carlos pero ilang minuto palang akong naka pikit may kumalabit na sa akin ng dalawang beses pero hinsi ako dumilat,hayaan mo yan istorbo lang
"Ehem...uhm Kai?"wait.Si Lasher ba to?
Iminulat ko ang mata ko at siya nga si Lasher,Si crush.Oh my gosh!
"Bakit?"Kai kalma wag kang papahalata
"Magtatanong lang sana ako kung may copy sa past lessons natin kasi nawala yung copy ko"Sagot niya then nag smile,gosh ang cute niya
"Wala e sorry"pero meron talaga kaso ang pangit ng sulat ko kaya wag nalang
"A sige okay lang salamat"nag smile na naman siya then bumalik sa upuan niya kaya napangiti din ako
"Hoy!"tsk.eto namang si Jane e umeepal
"Ano?!"
"Yang bibig mo baka mapunit sa laki ng ngiti mo,sobrang halata kana.tsk."sabi na e eepal lang talaga to dapat pala hindi ko nalang sinabi sakanya na may gusto ako kay Lash,wag na nga lang pansinin
![](https://img.wattpad.com/cover/227664019-288-k987666.jpg)
YOU ARE READING
High school students X
Teen Fiction[ON-GOING] High school students that are assassin's