"Ma, sino ba kasing kikitain natin at kailangan ko pang mag - ayos?" Inis kong sabi bago pinahid ang lipstick na nilagay sakin ni Mama kanina.
Sinamaan naman niya ako ng tingin bago pinahiran ulit ng bagong layer ng lipstick ang labi ko. Kanina niya pa ko nilalagyan ng kung anu-anong kolorete sa mukha. Buti na lang at medyo light lang ang kinalabasan.
"Basta may gwapo kaya sigurado magugustuhan mo."
Nang marinig ko iyon, tumahimik ako at napanguso na lang.
Ang rupok ko kasi.
Natapos na ang make-up sakin ng butihin kong ina at bago lumabas ng kwarto ko ay pinagsabihan pa akong huwag maglikot dahil baka magusot ang damit ko.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ng teal colored statement shirt, checkered pants, at light blue oversized hoodie. Nilaban ko pa ito kay Mama dahil ang gusto niyang suotin ko ay dress.
Eww.
Mag-suot ng uniform ko na pa-skirt matitiis ko, pero dress? Huwag na, uy.
"Ako si Gandarra."
Kapagkuwan ay selfie ko sa salamin. Hindi ko maalala saan ko narinig iyon pero nasabi ko na lang.
Napapikit ako at dinama ang simoy ng hangin. Galing sa aircon. Kahapon lang ay natanggap ko na ang acceptance call ng ninanais na pagtrabahuhan.
"Anak! Tama na drama! Tara na!"
Kinuha ko ang drawstring bag ko na Nike, isa sa mga natatangi kong branded na gamit, bago sumunod kay Mama sa kotse.
Hindi kami mayaman, but we get by. My mom works abroad and goes home every four months and stays here for a week. Ayaw niya sana mangibang-bansa, but the harsh economy of our country is pushing her to do so. Gusto niya daw kasi ako mag-graduate sa isang prestigious school.
Kaya ayon. Nakikipagtagisan ng titig ang Nokia 3310 ko sa iPhone X ng mga kaklase ko. Charot.
We don't have any house in the city pero nag-renta si Mama ng maliit na apartment pagkatapos ko mag-senior high. Noong high school pa ako, I just live in the university tower at pinapadalhan na lang ako ni Mama ng pera. That time, hindi pa siya palagiang umuuwi at doon lang talaga naka-base sa Switzerland. That time, was the time that I regret the most.
"Salamat, boy."
Napatingin ako kay Mama na inaabutan ng barya ang isang parking boy na nag-assist siguro kay Mama sa pag-park. Lagi siyang nagbibigay ng barya sa mga bata sa parking o sa nagbebenta ng sampaguita dahil kailangan daw nila iyon for school. Baet.
"Dito na tayo, 'Nak."
Lumabas kami ng kotse at naglakad na papasok ng kilalang buffet restaurant para sa mayayaman. Hmm. Bigtime yata ang kikitain namin.
"Ma, sino ba kasi talaga kasama natin kumain?" Tanong ko ulit.
Hinarap niya ako at sinamaan ng tingin.
"Kasama ko sa simbahan dati bago mag-Switzerland. Nag-imbitang kumain ngayon kasama ang tatlong anak niya at sabi isama rin daw kita. Huwag mo ko ipapahiya, ah."
Naku. Churchmates pala. Shet, 'di ko nadala halo at angel wings ko. Paktay.
Palapit kami sa isang table na may pahabang mga upuan. Nakaupo paharap sa direksyon namin ang isang matandang babae at matandang lalaki.
Seating with their backs facing us are three persons. One girl and two guys. Kay tatangkad. Sana all.
But, wait...the elderly couple look so oddly familiar.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Love (Metropolis Series #1)
General FictionIf there's this thing called newly-weds, they're probably called newly-best friends. Living together is one thing. But loving your best friend is another thing. And the feeling of love is something. Heck, the friendship you have is EVERYTHING. Who w...