Chapter 4: The Four Goddesses

133 29 0
                                    

Xhyrill's Pov

Tumatak saakin yung sinabi ni Mr. Mayabang kahapon, napaka nonsense naman ng rason niya tss, kaunti nalang talaga mapapagkamalan ko na siyang takas sa mental ewan.

As usual wala akong imik at pinapakingan ko lang ang mga kuwentuhan ng mga kaklase ko at mga chismis nila ngayong araw, alangan namang maki chika ako eh wala nga akong kahit ni isang close sakanila.

Pagdating ni Sir Buenaventura ay nagsibalikan naman sa kani-kanilang sits ang mga kaklase ko, pagpasok ni sir ay nag goodmorning kami sakanya at tumango naman ito at sinimulan na namin ang discussion.

Pagkatapos ng lesson namin ay nag break naman kami kaya mabilis akong pumunta ng cafeteria at um-order ng foods, pagkatapos ay lumabas agad ako ng cafeteria at pumunta sa mapunong part ng Kreigh.

Kaya pagdating ko ay umupo kaagad ako sa malalaking ugat ng puno na hindi ko din alam kung anong klaseng puno ito basta para siyang mga puno sa fairytales na malalaki at makakapal ang mga dahon na sa sobrang kapal ay natatakpan nito ang sinag ng araw na nagpapapresko sa inuupan ko ngayon.

Dito nako magtatambay parati hihi

Habang kumakain ako ay may nakabaling sa atensyon ko na lalaking nakatalikod saakin na mukhang pamilyar saakin, kaya naman itinigil ko muna ang aking pagkain at linapitan ito ng palihim dala ng curiosity.

nagtago naman ako sa punong hindi naman kalayuan doon sa pwesto ko kanina ng mapansin kung may kausap siyang babae.tinitigan ko ng mabuti ang kubuuan nito.

nahiya naman ang mukha ko sa sobrang ganda niya, blonde ang buhok niya at mapapansin mo namang napakakinis at malaporselanang balat niya, maputi naman ako ngunit iba lang talaga ang pagiging maputi niya.

"Come on Sion can't you like me?"tanong niya sa lalaking kausap nito.

"I said i'm not interested in you so go"shet! pamilyar na pamilyar saakin ang boses na iyon.

Mr. Mayabang.

"Maganda naman ako ah?"nga naman maganda siya ba't mo tinatangihan Mr. Mayabang?

"Who cares about your beauty? get the hell out of my sight!"aakmang hahalikan siya ni Miss Blonde ng itinulak niya naman ito.

"Mapapasaakin karin Sion not now but soon tandaan mo yan!"sigaw ni Miss Blonde kay Mr. Mayabang na Sion pala ang pangalan tsaka nagwalkout, baliw naman masyado yun kay Mr. Mayabang.

kaya naman dali-dali naman akong umalis at bumalik sa pwesto ko dahil baka mahuli ako ni Mr. Mayabang, baka lalo pang magalit saakin yun.

Pagbalik ko sa pwesto ko ay naupo ulit ako at sumubo ng pagkain na naudlot kanina, mabuti nalang at vacant namin sa next lesson kaya't walang problema sakin kung magtagal ako dito.

"Hey you!"

"Ay kabayong bakla!"gulat kong nabitawan ang aking kutsarang aakmang isusubo ko sana.

"Mukha ba akong baklang kabayo para sayo?"guess who?...edi si Mr. Mayabang, nahuli niya ata ako.

"Tss"

Umupo siya sa may tabi ko at sumandal din sa puno, itinukod niya ang kanang paa niya sa kaliwang paa niya.

"So anong narinig mo kanina?"diretsaang tanong niya saakin.

"Anong pinagsasabi mo?"maang-maangan kong tanong.

Ang Babaeng Humayo (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon