CHAPTER TWO

22 8 0
                                    

-Yuheim's POV-

"Heto tissue." Patapong binigay ni Shaina sakin ang isang tissue pagkarating ko sa room.

Damn it.

Dumudugo parin yung ilong ko. Kunot noo kong inilagay yung tissue sa ilong ko habang nakaupo sa ibabaw ng desk. Total wala pa namang teacher.

"Ano na naman bang kagaguhan ang pinanggagawa mo? Nasuntok ka na naman ba sa boyfriend ng mga babaeng fini-flirt mo?" Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi ni Shaina.

"Shut up Shaina. You're not helping. And I don't do flirting. Sila yung lumalapit sakin ng kusa."

"Oh really? Then what happened to your nose?"

"I can't tell you. Minamalas lang talaga ako ngayon." Tiningnan ko ang tissue-ng may bahid ng dugo bago itinapon sa basurahan ng classroom. Kung bakit ba kasi may humaharang harang na bato sa dinadaanan ko. Sumalampak pa ako sa lupa at mas worst pa may nakakita.

Bigla kong naalala ang hitsura nung babae kanina. Hindi sya mukhang pamilyar pero nakakainis lang at sya pa yung nakakita. Hindi ko alam kung tinatawanan ba ako nun ngayon. Nakakainis ayoko ng isipin.

"Nga pala Yu, yung ate mo nasa waiting shed." Narinig kong sabi ni Gael habang naglalaro sa cellphone niya.

"What? Kailan pa?"

"Kanina lang. Mukhang naghihintay pa din ata yun dun."

"Seriously? Ni hindi niya lang ba naisipang tawagan ako?"

"Puntahan mo nalang." Sabi niya habang nakatutok pa din sa cellphone. Napabuga naman ako ng hangin at napagulo sa buhok ko. Ano na naman bang ginagawa nung war freak na yun dito? Wala akong nagawa kundi ang tumayo nalang at lumabas sa room.

Nakapamulsa akong naglakad sa hallway habang dere-deretsong nakatingin lang sa daan. May mga iilang estudyante ang nandito habang nakikipagchismisan sa dulo.

Mga babae nga naman ang hilig sa chismis. Napansin kong napatingin sila sa gawi ko but I still act like I don't give damn about them.

"Hi Yu."

"You're so handsome today."

"Araw araw naman ata syang gwapo." Rinig kong sabi nila habang malanding ningingitian ako. Hindi ko na sila pinansin pa.

Tahimik kong tinungo ang direksyon papuntang waiting shed. Napatingin ako sa relo ko at nakitang ilang minuto nalang at magsisimula na yung second period. At nang makarating na ako ay agad kong nakita si ate na nakaupo sa gitna.

"Ate what are you doing here?" Tanong ko nang makarating na ako sa harapan niya. Agad na bumungad sakin ang namumula niyang mukha nang tiningnan niya ako.

"KANINA PA AKO NAGHIHINTAY SAYONG BUTIKI KA. SAAN KA BA NANGGALING?!"

Napatakip agad ako ng tenga dahil sa tinis ng boses niya. Kahit saan kami pumunta lage nalang sya ganyan kung makipag-usap sakin.

"Ano ba ate school to hindi pakengke."

"Wala akong pake. Alam mo bang sobrang init dito at hindi ka man lang naawa sakin habang dalawang oras na akong naghihintay sayo dito?!"

CASSIDY AND YUHEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon