Ilang araw ko na iniisip yung sinabi ni Miguel, hindi ba masyadong maaga? Kumain lang kami tapos liligawan na niya ako, pero okay na nga sige na ligaw palang naman.
Nasa field ako dahil iyon ang iniisip ko hindi ko siya nirereplyan sa mga goodmorning niya dahil naiilang ako kaunti, simula noong araw na iyon ay lagi niya na ako tinitext kung kumain at laging pinapaalala na kumain ng madami
Wala sila kim at jean dahil hahanapin daw nila si mae, kc at will dahil aalis daw kami mamaya,antayan nalang daw sa parking lot
Me:
Tara sa field
Ilang minuto pa ay nagulat ako nasa tabi ko na si Miguel kaya naman umusog ako ng kaunti dahil dikit na dikit kami
"a-ang bilis mo!"
"kanina pa ako nandito nakatitig sayo, habang nakatulala ka" nanlaki mata ko sa sinabi niya so nakita niya na ngumingiti ako mag-isa? Napapikit ako sa kahihiyan ko
"P-pinapayagan na kita" siya naman ang nanlaki ang mata
"yes" sabay suntok niya sa hangin "hindi kita mamadaliin Victoria" ngumiti ako dahil pangalawa siya sa tumawag sa first name ko , sila mommy,daddy kahit siila kuya at ate ay Marie ang tawag sa akin
"bakit hindi ka nagreply sa text ko?"
"nailing kasi ako bigla tsaka pinagisipan ko pa talaga" nakita ko naman na kumunot ang noo niya
"wag kana maiilang saakin" sabay ngiti niya at gulo ng buhok ko "may gagawin kaba? Tara alis tayo"
"uwian na namin eh, hinihintay ko lang sila kim aalis kasi kami, tsaka nakipagkita muna ako sayo" sabay ngiti sa kaniya
"I see saan kayo pupunta?"
"samgyup" sabay tawa ko
"favorite nyo talaga iyon no?"
"yes lumalabas kasi pagkapatay gutom naming" sabay tawa ko napahinto ako ng naisip ang sinabi ko kaya tinakpan ko ang bibig ko jusko mapapahiya ako sa sarili kong bibig
"why?" sabay tawa niya rin, naramdaman kong nagvibrate na ang phone ko
Willburaot:
Hoy tara na sa parking lot ikaw nalang wala
"alis na ako" sabay lingon sa kaniya at tayo
"oh I see, sige ingat kayo, text me later, hatid na kita?" nakakatunaw talaga ang ngiti niya
"nako hindi na"
Tumakbo ako ng marahan papuntang parking lot dahil malamang naiinis na sila kasi ang tagal ko, three minutes ago na iyong text sa akin ni will, pagkarating ko doon ay nakita ko si will nasa harapan nila kim,jean,chloe,mae at kc habang may mga kausap na limang lalaki, seryoso ang mukha ni will
"hey" sabi ko ng makalapit ako, nagulat sila sa pagsulpot ko lalo na si will, hinila niya ako sa likod niya dahil doon
"tama na pare aalis na kami" sabi ni will, naramdaman ko ang hawak ni kim sa akin, malamig ang kamay niya
"nako pare, hindi mo ba kami papakilala sa mga kasama mo? Iba talaga kapag anak ng mayor no madaming babae" sabi nung isa, halatang outsider sila dahil sa pananamit nila, mga hindi naka uniform
"ang ganda nung bagong dating sexy ang bango pa kinis" sabi nung nasa likod, nagulat kami ng sinuntok iyon ni will kaya napatili kami
Mas lalo kaming nagulat ng pinagtulungan na nila si will, kami ay nanginginig dahil sa nangyari, binuksan ko ang kotse ko kahit na nanginginig ako sa takot, kinuha yung arnis na dalawa na andon, binigay ko kay jean ang isa dahil kapartner ko iyon sa arnis, sinigaw nila kim ang pangalan namin pero hindi ako nakinig hindi pwede na wala kaming gawin habang si will ay nakikipagsuntukan roon

BINABASA MO ANG
Till in Another Sunset (Claveria Series #1)
General FictionCLAVERIA SERIES #1 What if you lose time with your loved one, but your love for her/him is still there? Are you ready to give up your dream just to be with your loved one? Migs is a unico hijo of the Del Uno family known to the family of doctors in...