Kabanata 1

13 0 0
                                    

Marahas kong hinawi ang aking buhok patungo sa kaliwang side. Sa sobrang init sa jeep, halos lahat ng pasahero dito nagsasalo na sa pawis. Pauwi na ako sa bahay. Napatingin ako sa aking relo, malapit na palang mag alas singko. Hays! Anong oras nanaman ako makakauwi!

Napalingon ako sa katabi ko ng kanina pa hindi matigil sa kaka-galaw, kala mo ay isang bulate na binudburan ng asin. Napansin kong nakatingin ito sa may tapat ko at, ang gaga! Kinikilig-kilig pa. Nakatingin pa rin ako ng masama sa kaniya, subalit parang walang epekto, aba! Nag-gagalaw nanaman!

Inis akong lumingon sa harap at nakita kong isang lalaki na naka jacket at sumbrero na parehong kulay itim. At muli akong napabalik sa babaeng bulate.

Ano bang nakaka-kilig don?

Muli akong lumingon at pinakatitigan ang lalaki mabuti. Nakababa kasi masyado ang sumbrero nito para hindi makita ang mukha at halos mapugto ang making hininga nang makilala ko kung sino iyon.

Shit!

Si Timothy Mcisko ang sikat na artista at miyembro ng bandang Sonic. Napahinga ako ng malalim. Hindi ko malaman kung kanina pa ba ako hindi humihinga dahil sa taong nakikita ko.

Totoo ba 'to?! Si Timothy nasa harapan ko?!

Pero anong ginagawa niya dito? Alam niyang delikdo sa tulad niyang artista ang mag-isang lumabas dahil pwede siyang makilala at kuyugin ng tao! Katulad na lang ng babaeng nasa tabi ko.

Napahigpit ang kapit ko sa knapsack ko upang itago ang kilig na gusto kong pakawalan. Ayokong tumulad sa babaeng nasa gilid ko!

Panay ang irap ko at pag usog sa kaniya, dahil nagigitgit na niya ako at ang ibang pasahero, kaya ang ginawa ko pasimple akong umurong ng may diin papunta sa kaniya.

At sa wakas nakuha ko rin ang atensiyon niya.

Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin, samantalang ako'y tinignan siya ng pababa at pataas, habang nakataas ang isa kong kilay.

Amputsa! Hipon ka ghorl?

Lakas magpa-cute mukha namang basahan itsura.

Medyo, bad ako sa part na 'yon!

Muling bumaling ang kaniyang tingin sa lalaking nasa harap, marahas akong napabuntong hininga. Sino ba nga naman ang hindi mapapatingin sa taong nasa harap at magpapacute dito? Eh kahit ako, may crush sa kaniya! Shet talaga!

Kung hindi lang ako bwisit kanina pa ko lumundag kay Timothy at nagsabing "Anakan mo'ko!" Ay pota! Halay ko!

Who wouldn't do it if the man is this good looking? Hindi naman maipagkakaila ang kakisigan. Well hindi pa kasi ganun kakilala ang banda nila. Their band belong to those who are underrated. But the fact that all the members are this good-looking there's no doubt that they'll be famous in Asia in no time.  Sama mo pang nakaka agaw ng atensyon ang bokalista walang iba kundi ang lalaking ito, he has thick eyebrows pero nakahulma at ang linis tignan,  tantalizing brown eyes. Pointed nose. Small and red lips, na ang sarap sarap kagatin, at kung hindi lang naka sumbrero makikita ko ang long hair niya, about hanggang balikat! Pero I think nakatali iyon ngayon? Wala kasi akong nakikitang nakaladlad na buhok.

Nang umangat ang mata ko pabalik sa kaniyang mga mata ay nagulat ako ng magtama ang aming paningin, ngunit hindi ako nagbawi. Nakipag titigan ako sa kaniya. Hutamina shet! Minsan lang to kaya susulitin ko na!

Napalunok ako nang para bang hinahagod niya ng tingin ang aking kabuuan, para kasing nakikita niya lahat sa akin kahit pa nakatakip ang bag ko sa harapan. Medyo, manyak ah!

Gaga assuming ka lang teh! Sagot ng epal kong utak!

Hindi nagtagal ay bigla siyang ngumiti, at ipinakita ang kaniyang perfect set of white teeth.

Isla Vital Series #1: Brazen Rose of TheoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon