~Di ko masabi,ako'y na pipipi~

13 3 0
                                    


Mga minutong hinahanap
Sigundong kausap
Oras na kaharap
Sa mga panahong nakalipas

Ako'y pilit na humahanap
Ng mga salitang nararapat
Sa paglisan,ay di mahanap
Na dapat ipagtapat ng marapat

Nang mahanap ang salitang nararapat
Handa na akong ika'y maharap
Hingang malalim,handa ng sabihin
Sana magdulot ng saya disisyong napakahirap

Ngunit nang ikaw nasa 'king harap
Ba't di magawang ipagtapat
Ngunit kailangang sabihin
Na "tapusin na natin to,patawad"

Ipinilit kong ipag tapat
Hindi dahil hindi kita mahal
Kundi dahil masakit
Kase ako'y inyong pinag pustahan

Random PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon