Please do make me smile by clicking that star at the left bottom of your screen! ⭐️
Kabanata 1
Andréia's POV
Kumunot ang noo ko nang makita ang bagong balita sa telebisyon na pinapanood ko.
"Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa lugar kung saan igaganap pa lamang sana ang kaarawang nasabi. Halos tatlumpu't dalawa ang sugatan at apat ang patay matapos ang nangyaring pamamaril ng mga armadong kalalakihan sakay ng isang kotse kanina lamang pasado alas-siyete ng gabi. Ayon sa mga nakasaksi, ang biktima ay paakyat pa lamang ng entablado na kinikilala bilang si Mayor Dark Martin na humahawak sa Barangay matulis. Hindi pa rin alam ang buong pangyayari ngunit hinala ng pulisya ay politika ang motibo ng krimen dahil sa nalalapit na eleksyon. Nagbabalita, Emilia Reyes, ito ang CGT News."
Nasapo ko ang aking noo matapos marinig ang balita. Kanina pa lamang ay natutulog ako nang biglang tumawag ang kakilala ko sa trabaho at sinabing panoorin ko ang bagong news. Mabibigat pa rin ang talukap sa aking mata ngunit pinilit ko pa ring panoorin ng buo ang news.
Bumalik ako sa pagkakahiga sa sofa at pinilit na abutin ang cellphone sa maliit na mesa na nasa likuran ko. Napanguso ako nang bumungad sa akin ang pangalan ni Anders. Ang sumira sa maganda kong tulog.
"Ano?" bungad ko rito.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Umikot ang mata ko kahit hindi naman niya nakita. Buti na lang wala 'yong ulupong na 'yon rito.
"Your day is ruined 'cause of me, right? Inunahan na kita, baka maging baril na naman 'yang bibig mo sa ingay." hindi pa rin ito tumigil sa pagtawa.
Naiisip ko na naman ang mala-manyak niyang ngisi. Palagi na lang tumatawa, wala namang nakakatawa. Parang tanga.
"Wala akong sinabi pero buti alam mo. Why did you call? Bilisan mo, matutulog na ako."
"Why do you always want to sleep? Ilang oras ka lang sigurong gising tapos tulog na naman. Pupuntahan na lang kita, then magbihis ka. Ipapasyal kita."
"Hanapin mo ang pake ko. Puyat ang katawan ko kaya matutulog na ako. Magsolo ka d'yan sa pasyal mo." pinikit ko ang mga mata at huminga nang malalim.
"Nagsusungit ka na naman, kaya lalo kang gumaganda e."
Halos magsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Ano na naman itong pinagsasabi ng ulopong na 'to? Pilit kong kinakalma ang sarili at umirap saka pinikit muli ang mga mata.
"Wala akong oras sa kalokohan mo. Mamasyal ka kung gusto mo, hindi ako interesado d'yan kaya lubayan mo na ang araw ko. Ibababa ko na ang tawag kung wala ka na namang sasabihin. Meron pa ba?" naghintay ako ng ilang segundo ngunit walang sumagot kaya pinatay ko na ang tawag.
Kahit ang totoo ay gising na gising ang diwa ko. Hindi na ako makatulog simula no'ng marinig ko ang balita. Maraming bagay ang bumabagabag sa akin lalo na noong mga nakalipas na araw. Ramdam ko ang pamimigat ng katawan ko maging ang utak ko ay nadagdagan ng mga problemahin.
Magkasunod ang trabahong naka-assign sa akin kaya medyo naiiwan ang katawan ko. Hindi ako gaanong nakakakain, ilang oras lang rin ang naging pagtulog ko, halos hindi ko na nababayaran ang mga bills rito sa tinitirahan ko.
Kahapon, may mga billings na nakalakip sa pintuan. Ayon doon, ilang araw na lang ang nalalabi upang makabayad ako sa mismong due date. Parang masisiraan na ako ng ulo. Hindi pa ako naswe-swedulduhan ng kompanya pero kung makapagbigay ng task, parang nabigyan na ako ng sahod kahit wala pa naman akong natatanggap.
BINABASA MO ANG
Lady in Red
Mystery / ThrillerA young woman who is going to murdered in the unknown place. When a body is found, Everlyn Davis is shocked to learn it's her student-the third person in her life to meet an untimely death. Is she next? From disturbing notes and roses left in her o...