Nagising ako sa isang lugar. Madilim at tila huni lang ng ibon ang aking naririnig. Wala akong makita. Sobrang madilim. Tumayo ako at nagsimulang maglakad nagbabasakaling may tumulong sakin.
Napadaing ako ng maramdaman kong mahapdi ang katawan ko. Dulot ng pagkakabangga ko sa isang kahoy. Tama! Nasa gubat ako. Kailangan kung makaalis dito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nabangga nanaman ako. Hindi sa isang kahoy kundi sa isang tao.
Thank you Lord! I'm saved.
Ngunit nagkamali ako ng akala. Tinulak ako ng taong ito at hinawakan ang paa ko. Hinila niya ako. Tumatakbo siya habang hinihila ako. Nakaramdam ako ng takot.
Ano ng mangyayari sakin?
Huminto siya sa pagtakbo. At may isang tao nanaman ang humawak sa braso ko.
"Ashny, hinding hindi kana makakatakas samin" sabi ng isang lalaking pamilyar ang boses.
"Argggh!" Napadaing ako. Ang sakit ng kamay at paa ko. Parang pinuputol.
Tulong!
I want to shout, scream, and cry for help pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Muli akong napadaing ng maramdaman kong parang hihiwalay na ang mga braso at mga paa ko sa katawan ko.
Tulungan niyo ako!
Please!
Someone save me!
"Yanna! Wake up! Vriyanna!" Napadilat ako at hinahabol ang aking hininga. Sinuri ko kung nasaan ako. Nasa sala ako.
"Binangongot ka nanaman Yanna" Nag aalalang sabi ni Cydney sakin.
A nightmare.
Napatakbo ako sa kwarto ko at kinuha ang isang notebook na naglalaman ng mga pangalang napapanaginipan ko.
Sabi nila, ang panaginip ay kabaliktaran sa realidad pero bakit ang lahat ng panaginip ko ay konektado sa realidad? Masasabi pa rin bang kabalikaran ito?
Kailangan kong alamin kung ano ang nasa likod ng mga bangongot na ito.
I need to chase these nightmares.
--------So ayown HAHAHAHAHAHAH medyo kinakabahan ako dito sa story nato kasi first time kong gumawa nito but still, sisikapin kong maging maganda ang kinalabasan nito. Hope you all enjoy this. Keep reading and dont forget to vote and comment. Lovelots❤️
-Cygnage